Chapter 23 - I'd Rather

115K 3.5K 90
                                    

Kyle's POV 

Inaayos ko na ang gagawin kong pag-amin kay Aisha. Malapit na ang contest at dun mismo ako aamin sa kanya. Kinakausap ko ngayon ang isa sa organizer ng event at kaklase rin namin na si Kate.

"Kate, tulungan mo naman ako please. Bawal na ba talaga mag-sign up sa contest?" tanong ko.

"Bawal na talaga Kyle. Kahit na crush na crush kita, wala naman akong magagawa kasi natapos na ang pagsign up sa contest."

 

 

"Paano na yan. Kailangan ko talagang kumanta sa contest na yun."

 

 

"Pero may alam akong way para makakanta ka. Kaya lang di ka counted bilang contestant."

 

 

"Huh? Paano?"

 

"Parang magbibigay ka lang ng special number. Tutal sikat at hearthrob ka naman sa school na to, mukhang di naman yan magiging problema sa mga manunuod."

 

 

"Okay sige. Payag ako dyan."

 

 

"Good. Kapag lunch break na, samahan mo ko sa faculty. Ipapaayos natin yan sa moderator namin para makakanta ka." pagkasabi niya nun napangiti na lang ako ng sobrang laki. Sa wakas. Mukhang wala ng problema sa pag-amin ko. Tanging rejection or acceptance na lang ni Aisha.

Sophia's POV

"Hey Pi. What's with the face? Nakabusangot yang mukha mo?" tanong sakin ni Therese. Nandito kasi kaming 3 girls ngayon sa park.

"Selos lang yan." sabi ni Betina. Pinanlakihan ko nga tuloy ng mata.

 

"Selos saan?"

 

 

"Haaay. Siguro dapat ko na nga sabihin sayo to Therese. Pero promise me, wag na wag na wag mo tong sasabihin sa kahit na sino. Kahit pa kay Jake." sabi ko sa kanya. Medyo confuse na tuloy mukha niya.

"I pinky swear Pi. Mukhang confidential huh. About saan ba to?"

Suddenly It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon