Chapter 19 - Jealous

113K 3.7K 201
                                    

Andito kami ngayon sa room. Naghahanda na kasi trigo na ang next subject. Lahat kami tutok sa notes. Pero si Kyle pinapanuod lang kaming mag-aral.

"Confident, eh?" tanong ko sa kanya. Oo, kahit na nalaman ko na sa sarili kong gusto ko siya, di pa rin ako naiilang pag andyan sya. Di naman nya kasi alam. At kung mailang ako, baka mahalata pa nya ko.

"Sakto lang. Nagreview na naman kahapon kasi. Pagnagreview ako ngayon, baka makalimutan ko ang mga nareview na kahapon."

 

Wow ganun pala siya. Isang reviewhan lang at okay na.

   

Dumating na rin ang teacher at nag-exam na kami.

***

After 1 hour natapos na kami at nagpasa na. Una pa ngang nagpasa si Kyle. Hihintayin na lang namin ang result at magkakalaman na.

Nung uwian nagpunta kami sa bahay nila Jake. Wala lang. Tambay lang. Nasa may sala kami at nanunuod lang ng dvds.

"Guys, labas lang ako. Bili muna ko pagkain natin. Walang magluluto e." sabi ni Jake.

"Samahan na kita pre." sabi ni Kyle.

 

"Wag na. Walang kasama ang mga babae."

 

 

Di na rin nagpumilit si Kyle. Bumalik na kami sa panunuod pero bumalik si Jake.

"O nabalik ka Babe?" tanong ni Therese.

 

 

"Uhh. Pi, samahan mo naman ako."

 

Huh?! Bakit sakin pa to nagpapasama? Natingin lang kami kay Jake nun. Wala namang nagtatanong kaya pumayag na lang din ako.

At umalis na nga kami sa kanila para bumili ng makakain.

Suddenly It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon