Chapter 22 - Like It. Love It. Hate It.

130K 3.7K 357
                                    

Sophia's POV

Yiii. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa date ni Jake at Therese. Todo effort pagpaplano namin dun. Ilang araw din namin pinag-isipan yun. At napag-isipan pa kami ng di maganda dahil dun. Sukat akalain ba naman na  may relasyon kami. Patawa.

Pero okay naman na kami ni Therese. Hindi ko na naman kasi siya masisisi kung magselos siya. Boyfriend naman kasi niya yun at siguro nga masyado na kami naging close ni Jake dahil sa pagpaplano nga. Pero para rin naman kasi sa kanya yun.

Ang nakakainis lang kasi ay si Kyle. Kung makareact akala mo sya itong inaagawan. Todo pagtatanggol sa bestfriend niya. Ni hindi man lang niya kami tinanong ni Jake kung bakit kami lagi magkasama. Akala mo sya boyfriend ni Therese kung makapagsalita.  Masakit na nga ang sinabi niya at mas nakasakit pa ang fact na sa kanya mismo nanggaling ang mga salitang yun. Pero teka. Baka nga may gusto siya kay Therese at di lang niya masabi kasi bestfriend niya yun at girlfriend din sya ng isa pa niyang bestfriend. </3

Baka nga ganun. Hay. Grabe naman. Minsan lang ako mainlove tapos ganto pa. Dapat kasi puro pag-aaral na lang isipin ko. Tama. Tama. Ganun na lang.

 

"HOY!!"

 

 

"Ay kabayo ka!!!"

 

  

"Ganda ko namang kabayo Bes. Hahaha." Si Betina lang pala. Lakas manggulat kasi. Nandito kasi siya samin. Nadalaw. O kaya nagpapacute lang kay Kuya Sam.

"Kasi naman nanggugulat pa."

 

 

"Kasi naman po kanina pa ko nagkwekwento dito pero di mo ko pinapakinggan."

 

 

"Paano ka papakinggan niyan Betina kung yung isip niya ay wala dito." si Kuya Sam umeepal na naman. Teka, wala naman dito to kanina ha? Susulpot na lang bigla. :))

"Bakit Kuya Sam? Nasan ba?" tanong naman ng bruha.

"Di mo pa ba alam? Ah. Sinisecret pa malamang ni Pia. Pero kung di pa niya sinasabi ako na lang. Yung isip kasi niya andun kay Kwhahshsjkdnx." Napakadaldal talaga nito. Kaya ayun pinasok ko sa bibig niya yung hawak kong papel. Bwahahaha.

"Ayan bagay sayo. Ang ingay mo kasi kuya."

 

 

"Bes. Ano yun? Ang daya mo naman nagsesecret ka na sa kin. T____T" nagpout pa.

Suddenly It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon