Sophia's POV
"Bakit nga ba Aisha tawag mo sa akin?"
"Kung ayaw mong sagutin okay lang naman." dagdag ko pa. Sabay ngiti sa kanya.
"Sasagutin ko.” tapos nag-pause lang siya. “Kasi nga di ba kapag nakikipagkilala ka gusto mong tawagin kang Pi o Pia."
"Oo. E bakit hindi yun tawag mo sa akin?"
"Kasi.." Huminto pa ulit siya. Pabitin.
"Kasi?"
"Kasi ayun ang tawag nila sayo. Kaya Aisha na lang ang tawag ko sayo. Gusto ko kasi ako lang tatawag sa yo ng ganun. Para kakaiba sa kanila. Para kapag may narinig kang tumawag sayong Aisha, alam mo ng ako yun."
Nakatingin lang ako sa kanya. Ewan ko pero di ko alam isasagot ko. Teka, wala naman siyang tanong ha. Bakit ako sasagot. Rephrase natin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kaya sana huwag kang magpapatawag ng Aisha sa iba ha? Kasi para sa akin lang ang name mong yun." dagdag pa ni Kyle. Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti. Nako. Ayan na naman ang killer smile niya.
O//////////O
Parang.. Parang umiinit. Gusto raw niya siya lang tatawag sa akin ng ganun? Hay ewan!!
***
Natapos na kaming mag-ice cream. Ang aga aga pa. Uuwi na kaya kami?
"Aisha, maaga pa naman. Baka gusto mo mag-ikot ikot muna. Okay lang?" tinatanong ako ni Kyle. Nabasa ba niya nasa isip ko? Haha.
"Okay lang. Sige, saan tayo?"
Ngumiti lang siya at hinila ako papasok sa Timezone.
BINABASA MO ANG
Suddenly It's Magic
Ficção AdolescentePaano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siya ni torpe? An ordinary manhid-torpe story. (Completed)