Noong bata pa ko may nakilala ako... nung una ko siyang nakilala napakagaan na ng loob ko sa kanya...
Nagkakilala kami sa ospital yun yung time na dinalaw namin si mama...
-------------
" Hi! Anong pangalan mo? "
" Ako si Ken! Kenken nickname ko! Ikaw? "
" ako pala si Toffee! May sakit ka ba? Ba't andito ka sa hospital? "
" May sakit kasi si mama ko.. sinamahan ko si papa na magbantay sa kanya... ikaw? Anong sakit mo Toffee? "
Nangiti ang si Toffee at nilahad ang braso niya...
" Nabangga kasi ako ng kotse.. eto nga oh may pilay pa ko sa braso. Pero ok naman na ako.. lalabas na nga ako mamaya eh! "
**Nung time na yun bored na bored ako.. siyempre wala namang masyadong pagkakaabalahan sa ospital kaya ayun inaya ko si Toffee maglaro...
" Ah ganun ba? Tara laro tayo Toffee! "
" Tara! Game! Habulan tayo ha! Ikaw taya! "
" Madaya! Sige hahabulin padin kita! "
Buong hapon kami naglaro.. wala kaming kapaguran.. kaso nabitin ang lahat nung tawagin na siya ng daddy niya...
" Toffee! Time to go home! " tawag sa kanya ng daddy niya..
" Aww. Kenken! Pano yan aalis na ko... " nanghihinayang niyang sabi..
" Oo nga eh. Di na tayo makakapaglaro ulit... aalis ka na eh! "
Tinanggal niya yung bracelet na suot-suot niya at isinuot sakin.
" Oh yan! Remembrance ko sayo Kenken! Nakasulat dyan yung pangalan ko... wag mo iwawala yan ha! "
" oo naman Toffee! Promise! "
" Pinky promise? "
At yun nga nagpinky-promise kami... inakap niya ko bago siya umalis..
" Toffee tara na! " sigaw ng daddy niya.
" Sige. Bye Ken! Walang limutan ha " sigaw niya habang tumatakbo palalapit sa daddy niya...
Yun ang childhood friend ko
.... makikita ko pa ba siya ulit o hanggang alaala ko na lang siya?
:-)
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]
Romance10 years ago, may nakilala si Kenjiro sa isang ospital, Si Toffee.. Maghapon silang naglaro.. Si Toffee ay isang batang masayahin, may dimples at maputi.. binigyan niya si Kenji ng bracelet na may pangalan nito. Nangako sila sa isa't-is...