CHAPTER 10

2.3K 60 2
                                    


December 23, 2011- Friday

(Si Luke yung IDOL ni KENKEN, si Matteo naman ang partner ni Luke)

MATTEO'S POV

" Oh Luke! Ready ka na ba? " tanong ko ke Luke. Natetense na naman eh!

" Oo naman Sungit! Medyo kinakabahan lang.. eto kasi first kong appearance ulit sa isang record store eh.. " paliwanag niya.

Ilang saglit pa tinawag na si Luke.

" Ok! Eto na ang hinihintay niyo! Please welcome Lucas Laurer! " tawag ng emcee.

" Kaya mo yan! Hehe. Go Tisoy! " sabi ko.

" Salamat! " sabi niya. At ayun lumabas na siya ng kurtina. Narinig ko nagsigawan lahat ng tao sa record store.

" Manager Nate! Labas muna ako ha! Pahangin lang saglit. " paalam ko ke Manager na nanonood mula sa likod ng kurtina. Tinanguan lang ako nito.

Nagsuot ako ng makapal na jacket at shades para di ako kuyugin ng mga tao. Hehe. Artista na kaya toh!

Lumabas na ko. Grabe punong-puno yung record store tapos andami ring tao sa labas.. Napakasikat talaga ng Tisoy ko!

Makapagikot-ikot nga muna! May nariring akong dalawang lalaki na patakbo sa direksyon ko.

" Ano ba yan! Late na tayo! "

" Kasalanan ko ba kung di mo agad ako ginising! "

" Bilis!!! "

*BOOGS!*

Nagkabanggaan kami! Natumba kaming tatlo. Nahulog yung shades ko pero dali-dali ko ding sinuot.

" aray..." sabi ng isa. Yung isa naman nakatingin lang sakin! Teka pamilyar tong mukhang to ah! Tumayo na ko. Inalalayan ko naman tumayo yung dalawa

" Kuya! Di ba kayo yung naghatid sakin pauwi? "

Siya ba yun? Oo siya nga! Yung naglalakad sa ulan kahapon!

" oo ako nga... di pa pala ako nagpapakilala. Matteo pala. " sabi ko.

" Kristoff po. " sabi nung isa.

" Kenjiro po! " sabi naman nung lalaki na naihatid ko kahapon.

" Oh. Bakit pala kayo nagmamadali? Anong meron? " tanong ko.

" Nasa record store po kasi yung idol ko si Lucas Laurer!... eto kasing kasama ko late na nagising! Kaya ayun wala na kaming pwesto. Andami pa namang tao na sa loob.. " sumbong ni Kenjiro

" oy di kaya! Di mo ko ginising! " reklamo nung Kristoff. Natawa ako. Ganyan din kasi kami ni Luke eh! Gusto pala makita nila Kenjiro si Luke.. hehe mayroon akong bright idea!

" Fan ka ni Luke? " tanong ko ke Kenjiro

" Opo!!!! " tuwang-tuwang sagot niya. Natatawa naman si Kristoff sa expression ni Kenjiro

" Sama kayo sakin... " aya ko.

" Pero kuya.. pano? " tanong ni Kenjiro

Tinanggal ko shades ko.

" Matteo Cruz. Co-star ni Luke sa teleserye. Kasama niya ko. Kaya trust me. " sabi ko sabay suot ulit ng shades ko.

" Wow!!! Sige po!!! Salamat!! " sabi ni Kenjiro.

KRISTOFF'S POV

Wow! Nasa backstage kami ng record bar. Malaki tong record store. Bukod sa tindahan to ng CD's pwede rin to mag-accommodate ng madaming tao para sa events ma tulad nito.

Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon