KENJIRO'S POV
Saturday...pageant day.
Buti nalang maagang natapos yung transaction ko..
" Kenken! Nasa parking lot na ko ng school. Asan ka na? " tanong ni Kuya Toshi sa tawag.
" On the way na kuya. " sabi ko. Ilang saglit pa narating ko na yung parking lot ng school. Ayun nga andun na si Kuya naghihintay. Pinark ko yung kotse ko tapos pinuntahan na si Kuya.
" Tara na! Baka mamaya maubusan tayo ng seats. Tapos papakalmahin pa natin si Kenzo. " biro ni Kuya Toshi.
" Kuya talaga. Di naman nerbiyoso si Kenzo ah! "
" Well he needs our support diba. " sabi naman ni Kuya... sabagay may point siya.
Pumunta na kami sa AVR ng university. Medyo marami narin ang mga tao. Pinapasok kami sa backstage..
Busy na naghahanda yung mga candidates. Yung iba todo makeup na. Tapos nag-aayos ng costumes nila. Pinuntahan namin si Kenzo minemake-upan siya ng bading.
" Kuya!! Buti nakarating kayo... akala ko uunahin niyo yung mga transactions niyo e. " sabi niya.
" mga Kuya moh? Ampopogi! " sabi ng makeup artist
" Naman! Nagmana ako sa kanila.. " pagmamayabang ni Kenzo. Napangiti nalang si Kuya.
" Ano bang theme niyo? Bat para kayong nasa UN? " tanong ni Kuya
" International ang theme kuya e. Kaya puro national costumes. Buti nalang Japan nakuha ko.. " sabi ni Kenzo. Pinakikinggan ko lang sila.
" abangan niyo kuya. May swimsuit taz formal wear. " si Kenzo.
" Oh siya. Dun na kami ah! Me VIP seats pala kami ee. Sige bunso! Goodluck! " sabi ni Kuya Toshi. Nagthumbs up naman si Kenzo.
" Make it worth my time bunso. " sabi ko. Tinap naman ako ni Kuya.
" Kenken. Wag mo naman siya ipressure. Tara na. " sabi ni Kuya Toshi.
AUTHOR'S POV
Nakaupo na sila Kenken at Toshiro sa seats na para sa relatives ng candidates. Nasa likod sila ng table ng Judges.. marami ng tao pero may mga bakante pang seats sa left at right side nila Kenken.
" Magsisimula na ata siya.. " si Toshiro. Si Kenken halatang bored. Wala syang interes kahit na kapatid niya pa yung isang kasali.
" Ayun! Manang! May seats pa sa harapan... " sabi ng isang lalaki sa kasama niyang matanda
" San banda anak? "
" Dun oh. " turo niya sa mga upuan sa tabi ng mga nakaupong dalawang lalaki.
" Tara dun na tayo.. " inalalayan ng lalaki ang matanda.. ng makarating sila dun kinalabit niya yung isang lalaki para tanungin kung may nakaupo sa bakanteng upuan..
" Kuya? Reserved po ba to? May nakaupo ba? " tanong niya. Nagulat siya ng makitang si Kenken ang kinalabit niya. Nagulat din si Kenken sa kumalabit sa kanya. Kilala niya to. Kilalang-kilala.
" Kenken? "
" Kuya Kristoffer? "
" Oo ako nga! Kasama ko si Aling Tasing.. may nakaupo na ba diyan? " turo ni Kristoffer sa bakanteng upuan.
" Wala e. Upo na kayo diyan... " sabi ni Kenken. Si Kenken ang nasa gitna. Si Toshi sa kanan niya tapos nasa kaliwa naman niya si Kristoffer.
Napansin ni Kenken na natahimik ang kuya niya.
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]
Romance10 years ago, may nakilala si Kenjiro sa isang ospital, Si Toffee.. Maghapon silang naglaro.. Si Toffee ay isang batang masayahin, may dimples at maputi.. binigyan niya si Kenji ng bracelet na may pangalan nito. Nangako sila sa isa't-is...