CHAPTER 9

2K 66 0
                                    


December 20, 2011-Tuesday

KENJIRO'S POV

Tamang-tama umalis si Lois ngayon. Wala kaming date at lalong di sya pupunta sa bahay ngayon. Magagawa ko na din ang mission ko! Hehe.

Kasama ko ngayon si Kuya Toshi.. pupunta na kami sa bahay nila Kristoff.

Napansin ko ang tahimik ni Kuya. Hyper yan eh. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

" Kuya! Bat natetense ka? Eh kila Kuya Kris lang naman tayo pupunta.. " sabi ko.

" Wala. Hehe... " sabi niya.

" asus... oh kuya andito na tayo.. ako na magdoorbell ha. "

Pinindot ko na yung doorbell. Lumabas si Kuya Kris. Si kuya naman kulang nalang magtago sa likuran ko! Napansin tuloy siya ni Kuya Kris.

" Oh Kenjiro! Shiro? Ikaw ba yan? Bat ka nagtatago sa likuran ni Kenjiro? "

" Ah eh.. me dumi kasi likod ni Kenken. Hehe. Nililinis ko lang. " palusot niya.

" Lika pasok! " sabi ni Kuya Kris.

Pumasok na kami sa bahay.. tapos yun pinadiretso na kami sa sala. Hinanap ko si Kristoff .

" Kuya si Kristoff po? "

" Nasa kwarto niya eh. Sunduin mo nga. " utos ni Kuya Kris.

" Sama ako. " sabi ni Kuya Toshi. Pero nahila agad siya ni Kuya Kris.

" Shiro. Dito ka lang. Kenjiro sige puntahan mo na siya. "

Nakakapagtaka na talaga yung dalawang yun. Tsk. Umakyat na ko papunta sa kwarto ni Kristoff.

Pagpasok ko walang tao... asan kaya ang mokong? Sinilip ko yung bathroom ng kwarto niya...

Pagbukas ko ng pinto ng banyo....

" AHHHHHHHH! KENKEN!! "

" AHHHHHHHH KRISTOFFF!!! MY EYESSSS!! "

Holy sh!!!!t naliligo siya ng walang saplot! Dahil sa taranta di niya alam kung ano yung tatakpan niya. Ako naman pilit tinatakpan ng kamay ko yung mata ko! Fudge nakakahiya grabe....

" LABASSSSSS! " Sigaw niya.

" Lalabas na po..!! " bago pa man ako makalabas ng tuluyan nadulas pa ko! Akala ko babagok na ko sa sahig pero nasalo ako ni Kristoff. Nasapo ako ng basang braso niya. Napasubsob yung ulo ko sa dibdib niya. We stayed like that for a few moments. Nababasa narin ako..

Saka lang ako nagising, when I felt something poking my thighs...

" Sorry! " sabi ko sabay karipas ng takbo palabas. Nararamdaman ko namumula na naman ang mukha ko!!

Sa hallway ko muna pinalipas tong pamumula ng mukha ko. Baka mamaya pag nakita nila akong namumula iba isipin nila.. T.T

Nang maramdaman kong pahupa na yung pagbablush ko bumaba na ako sa sala. Naka-set na yung papanoorin namin.

" Oh Si Kristoff? " si Kuya Kris.

" Naliligo pa kuya. " sabi ko.

" Ikaw? Nakiligo ka rin ba? Medyo basa damit mo eh! " sabi ni Kuya Kris! Tiningnan ko damit ko! Shocks! Medyo basa sa dibdib na part tsaka sa balikat. Shettt. Di ko napansin siguro kasi natataranta ako diba!

" Ah! Wala yan kuya. Binasa ako ni Kristoff pagpasok ko sa room niya.. " palusot niya.

Napatingin yung dalawa na parang nagsasabe " Weh di nga? "

Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon