KENJIRO'S POV
Hay! Lunes na naman.... kabitin ang weekend! Pero nung friday at sabado nakilala ko nang husto si Kristoff. Hyper nga siya at makulet pero mayroon din pala siyang tinatago..
Sabay na kami pumapasok ngayon. Magkalapit lang bahay namin eh. Si Jekjek di na naman sumabay. Ihahatid daw niya si Yvonnie.
Nasa room na kami ngayon. Lumabas si Kristoff may bibilhin daw kase. Ilang saglit pa dumating na sila Jekjek at Yvonnie. Lumabas din agad si Yvonnie.
Lumapit sakin si Jekjek.
" Kenken!! " masiglang tawag niya sakin. Mukhang me sasabihin to ah!
" Oh Jekjek? "
" May good news ako.. "
" Ano yun? " tanong ko.
" Kami na! Kami na ni Yvonnie! " nagniningning yung mga mata niya ng sinasabi yun. Halatang masayang-masaya tong best friend ko.
" Naks naman! Alagaan niyo ang isa't-isa ha! Wag mangangaliwa OK? "
" Haha! Oo naman! Mahal na mahal ko kaya yun.. " tuloy niya pa.
Biglang sumiryoso ang mukha niya... hmm. Bakit kaya? Tinapik niya ko.
" Kenken. Sorry pala ha.. "
" Huh? Bakit.? "
" Kasi di na tayo nagkakasama. Laging si Yvonnie na kasama ko... sorry kase minsan di na kita napapansin.. " paliwanag niya..
" I admit minsan nagtatampo ako. Pero ano ka ba? Ok lang yun noh! Basta wag lilimot ha! Pansin pansin din kase pag me time! "
" opo! Kenken. Ang swerte ko talaga kase best friend kita.. lika nga dito! " inakap niya ko. Inakap ko din siya.
Narinig ko may binulong siya sakin..
" Mamimiss kita.. "
" Oh siya.. puntahan ko si Yvonnie ha! " kumalas na siya sa pagkakaakap sakin. Tinapik niya ko tapos lumabas na ng room.
Si Jekjek talaga anong nakain nun?
:-)
KRISTOFF'S POV
Pabalik na ko ng room ng may nabangga ako sa hallway. Natumba kami pareho. Nauna akong tumayo taz tinulungan ko siyang makatayo.
" Sorry bro.. "
" Ok lang. Uy Kristoff! " sabi ng lalaki.
" Uy! Jake di ba? " yung best friend pala ni Kenken!
" Alagaan mo best friend ko.. fragile yun! Nakikita ko kasi kasama mo na siya lagi... ibibilin ko na siya sayo ha... napakabait nun.. " sabi niya. Bat niya binibilin si Kenken sakin???
" Sige mauna na ko.. imimeet ko pa girlfriend ko sa baba eh.. bye! " paalam niya. Umalis na siya taz bumaba na ng hagdanan.
Hmmm. Bat ang weird ng mga tao ngayon??
Di ko nalang pinansin yung sinabe niya. Naglakad na ko papuntang room. Pumunta ako sa seat namin. Busy magdoodle si Kenken sa notebook niya.
Biglang nagsalita si Kenken.
" Kristoff. Di na ko nagtatampo ke Jekjek.. "
" Wow. Talaga..? Nabunggo ko pala siya kanina.. ang weird nga ng sinabe niya sakin eh... "
Napahinto sa pagdodoodle si Kenken.
" Anong sabi? "
" Binibilin na ka niya sakin Kenken... "
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]
Romance10 years ago, may nakilala si Kenjiro sa isang ospital, Si Toffee.. Maghapon silang naglaro.. Si Toffee ay isang batang masayahin, may dimples at maputi.. binigyan niya si Kenji ng bracelet na may pangalan nito. Nangako sila sa isa't-is...