CHAPTER 3

3.8K 92 4
                                    


Saturday morning....



KRISTOFF'S POV

Uy.! Maliwanag na... umaga na pala..tulog na tulog pa din tong katabi ko.

Grabe nagsasalita sya kagabi ng tulog.. buti nakatulog ako hehe..

" Hoy Kenken. Gising na.. " niyugyog ko yung braso niya. Ayaw magising ah..

" Kenjiro... " niyugyog ko ulit yung braso niya. Ayaw magising e.

" Kenken! "

Dahan-dahan niyang dinilat yung mata niya... tapos pikit ulit!

" Kenken naman e! "

Kainis! Ayaw mo gumising ah! Tinusok ko yung tagiliran niya.

" Ah! " napabangon siya ng di oras! XD

Hinampas niya ko ng unan. Hahampasin niya sana ulit ako pero nasalo ko naman na. Haha!

" Gago ka naman eh! Natutulog ako! Tsk! " reklamo niya.

" Sorry naman! 9 na kaya oh! Bangon na!" sabi ko.

" Tss. Maaga pa! Sabado naman eh! " sabi niya sabay takip ulit ng unan sa ulo niya

" Kahit na.. andami kayang pwedeng gawin noh! Bangon na! " inalis ko yung unan na nakatakip sa ulo niya.

" ang kulit mo! " reklamo niya tapos talukbong naman ng kumot! Aba makulit to ah! Pwes mas makulit ako.. kiniliti ko siya ng kiniliti.

" Ayaw mo bumangon ah! Eto pang sayo! " kiniliti ko ulit sya sa tagiliran.

" haha! Tama na! Hoy Kristoff! Tama na! Oo na babangon na ko!! " sabi niya.

Bumangon na nga siya.

" Kristoff sabado naman e...tara arcade tayo.. ayain ko si Jake.. "

" Sige ba! "

Kinuha niya yung phone niya sa cabinet sa tabi ng kama niya.. tinext niya si Jake. Nagbeep yung phone niya. Binasa niya yung message. Pumayag daw si Jake.

" Yes! Tara! Gala tayo.. mamayang 11 alis na tayo dito. Lunch na rin tayo sa labas... " sabi nya.

" Sige... "

" Kristoff.! Tara baba na tayo.. " aya sakin ni Kenken

" Tara! "

Pagkababa namin naabutan namin si Kuya Toshi na nagwowork-out sa sala.

" Kuya! Nakabold ka na naman! Magdamit ka nga " sabi ni Kenken sabay hagis ng tuwalya kay Kuya Toshi. Kinuha naman ni Kuya Toshi yung twalya.

" Tss. Kanya-kanyang trip bro! Kain na kayo dyan. Nakaready na yung almusal dyan. " sabi niya sabay punas ng pawis.

" Thanks Kuya! Tara Kristoff..! " nagpunta na kami sa dining. Sakto gutom na den ako eh! Hehe.

KENJIRO'S POV

Nandito na kami sa mall. Napakakulit talaga nitong kasama ko.. para akong nag-aalaga ng bata..

Ang hyper grabe! Umupo muna kami sa isang bench.

" Kenken. Time-out! " sabi niya.

" yan kase! Ang hyper mo. Halos lahat ng shops pinuntahan na natin.! Wala ka naman binili kahit isa.. "

" Eh walang maganda e. Gusto ko ice cream.. bilhan mo ko.. " utos niya

" Ayoko. "

Ngumuso siya na parang bata.

Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon