KENJIRO'S POV
Nagtataka padin si Kristoff kung bakit akap-akap ko siya.. binitawan ko siya. Pinagmasdan ko yung facial features niya.
Obviously di na siya chubby tulad ng dati maskulado na nga siya e.. Maputi padin siya, yung dimples niya present parin pagtingin ko sa mata niya nakatingin siya sakin na parang nagtatanong...
" Kenken ha! Sobra mo ata akong namiss! Bakit mo tinitingnan mukha ko? Madumi ba?? "
Natawa ako. Pinunasan niya yung mukha niya.
" wala! "
" Asus! Namiss mo lang ako eeh! "
" Hinde! Bat kita mamimiss? " depensa ko.
" ewan ko? Teka eh bakit mo ko inakap!? " tanong niya.
O.O Kenjiro isip na ng palusot bilis!
" Wala! Labas muna ako! Naiihi ako e
" sabi ko sabay karipas ng takbo palabas.
Phew nakalabas din.. hehe. Nilapitan ako ng kuya ni Kristoff.
" Kenjiro, ako nga pala si Kristoffer. Nakalimutan kong magpakilala sorry.. Kris nalang ok.. " sabi niya. Kinamayan ko si Kuya Kris.
Lumabas bigla si Kristoff sa kwarto niya
" Oh! Kenken! Nakilala mo na pala si Kuya Kris ko! "
" Oo nga eh... naka.... " di pa ko tapos magsalita ng biglang magsalita si Kuya Kris.
" Kristoff! Mahiga ka muna sa kwarto mo at magpahinga! " utos niya sa kapatid
" Pero kuya!! " tiningnan ni Kuya Kris si Kristoff ng masama.
" Ok.. " yumuko si Kristoff taz pumasok sa kwarto na parang napagalitang tuta.. Ngayon ko lang narealize na si Kuya Kris lang pala ang makakapagsindak ke Kristoff XDD
" Ok then.. lika sa study room. May pag-uusapan tayo.. " seryosong sabi ni Kuya Kris.
Pumunta na kami sa study room.. ano kayang pag-uusapan namin?
" Kenjiro.. I have a favor to ask.. "
" ano yun kuya? "
" Tulungan mo kaming ibalik ang childhood memories ni Kristoff. Gusto kong maibalik yung alaala nya para mabuo yung pagkatao niya.. "
Pumayag ako... Gusto ko maalala niya rin ako.
" Salamat.. "
Nagtataka ako.. pano namin gagawin un pala??
" I know what you're thinking.. nagtataka ka kung pano natin maibabalik ang memorya ni Toffee? Tama? "
O.O manghuhula ata to eh.! Kuha niya ang iniisip ko..
" Ganto.. para maibalik ang memories nya kailangan gawin natin or ipakita sa kanya yung mga bagay na ginagawa niya noon. Yung mga hilig nya, pagkain, characters.. kasi nabasa ko nagtitrigger daw yun ng pagkabalik ng alaala.. " paliwanag niya.
" Kuya. Ano ba mga hilig ni Toffee noon? Yung mga special events? Or anything na importante sa kanya " tanong ko. Naglabas ako ng papel mula sa bulsa ko.
Kinuwento lahat ni Kuya Kris yung mga special na events sa buhay ni Kristoff, yung mga tao, pagkain na kinahiligan niya, bagay at lahat-lahat. Nilista ko lahat yun.. gusto ko maibalik ang dating Toffee..
Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Kuya Kris ang kamay ko..
" Kenjiro. Salamat ha.... Balang-araw maibabalik din natin ang mga alaala ni Kristoff. "
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]
Romance10 years ago, may nakilala si Kenjiro sa isang ospital, Si Toffee.. Maghapon silang naglaro.. Si Toffee ay isang batang masayahin, may dimples at maputi.. binigyan niya si Kenji ng bracelet na may pangalan nito. Nangako sila sa isa't-is...