KENJIRO'S POV
Friday, last period....
Halos buong araw din kami nagkibuan nitong seatmate ko.. pakainin ko ba naman ng super anghang na noodles kahapon. harhar.
Pero nakakainis nakokonsensya ako! Hindi ko alam kung anong masamang espiritu yung sumapi sakin at bigla kong nakalabit si Kristoff.
" Kristoff.. "
" Sorry! " halos sabay naming sabi. Napahagikgik kami pareho. Nagulat kami pareho ng tawagin kami ng teacher namin.
" Mr. Kojima and Mr.New Student! What's funny? " Saway samin ni Mr.Tiburcio, yung econ teacher namin habang lumalaki-laki ang butas ng ilong niya.
" none sir.! " sinabi ko habang nagpipigil tumawa. Nakakatawa kasi yung pagmumukha ni Ser! XDD
Pinagpatuloy namin ang discussion. Napaisip ako... Teka. Friday ngayon diba? Hay itututor ko pa pala ngayon si Kristoff.
*KRINGGGGG!!*
Umalis na ang teacher namin. Pumasok naman yung adviser namin. Homeroom kasi tuwing Friday..
" Class. Mayroon akong ipapagawang assignment sa inyo this coming Christmas Vacation.. " anunsyo ni ma'am. Andaming nagreklamo. Pano kase bakasyon na nga lang me assignment pa!
" Dont worry. Hindi siya academic assignment.. I will pass these papers. Fill them up class. "
Pinasa na ni Ma'am yung papel. Binasa namin yung mga nakaprint doon.
Name:
Section:
Name of Seatmate:
HOMEROOM REQUIREMENT
10 THINGS I DON'T KNOW ABOUT MY SEATMATE
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
" Ang due date niyan class is on March! Kaya I will give you lots of time para makilala nang lubos yang seatmates niyo.. Class. One day pasasalamatan niyo ko dito.. Good luck guys! Class dismissed! " sabi ni Ma'am.
Tiningnan ko ulit si Kristoff. Titig na titig parin siya sa papel na binigay ni Ma'am.
Kinuha ko na yung bag ko. Tatapikin ko sana si Kristoff ng lumapit sakin sila Jekjek at Yvonnie.
" Ken! Sorry ha! Di muna ako makakasabay. Ihahatid ko muna si Yvonnie. Next time nalang ha! ingat! " paalam niya.
" Sige. Ingat kayo.. " sabi ko..ganyanan naman eiii. Pinagmasdan ko silang maglakad palayo.
" Uh Kenjiro? May gagawin ka ba mamaya? " si Kristoff.
" Uh wala eh! Uy aayain sana kita makisleepover samin? Pwede ka ba? Study tayo para makahabol ka. Malapit na kasi yung 3rd grading exams e. " prisinta ko.
" Sige ba! Kenjiro daan muna tayo sa bahay ah. Magbibihis lang ako. Ok lang ba? "
" Oo naman! San ba? "
" Lapit lang! Dun sa subdivision lang. " sabi niya
" Taga doon din ako eh! Tara! "
Umalis kami ng room. Naglakad kami papuntang subdivision. Habang nasa daan andami naming napagkwentuhan. Maganda pala siyang kasama. Medyo parehas sila ni Jake sa ugali pero mas game naman tong si Kristoff.
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]
Romance10 years ago, may nakilala si Kenjiro sa isang ospital, Si Toffee.. Maghapon silang naglaro.. Si Toffee ay isang batang masayahin, may dimples at maputi.. binigyan niya si Kenji ng bracelet na may pangalan nito. Nangako sila sa isa't-is...