KENJIRO'S POV
" Kuya.. anong bagay? Etong red o yung black and white? " tanong ko ke kuya habang hawak-hawak yung dalawang polo.
" Kenken naman! Despidida party pupuntahan mo hindi prom! Kaw nalang pumili. " medyo iritadong sagot ni Kuya Toshi.
Kinulit ko siya. Hindi ako matitiis ng onii-chan ko noh! Nakulitan nga at pinili yung black amd white.
" Maganda pero mas gwapo ata ako sa pulang polo. Salamat kuya! " sabi ko. Napafacepalm naman si Kuya.
" Hayyy! Tinatanong mo kung ano gusto ko tapos ikaw lang din pala pipili! Kaw talaga. Diyan ka na nga. Me pinapanood pa kong anime eh! " reklamo ni Kuya Toshi. Lumabas siya ng kwarto ko tapos dumiretso na din sa kwarto niya.
Nagpapogi na ko, nagpabango lahat-lahat na! Kailangan pogi ako pag susunduin ako ni Kristoff. Susunduin niya daw ako eh....
Teka? Ano??? Papogi para ke Kristoff? Mali! I mean pogi para sa mga bisita! Ano ba yan...
*DING-DONG!*
Tumunog na yung doorbell. Andiyan na siguro yung sundo ko.. hehe. Dali-dali akong bumaba tapos pinagbuksan kung sino man yung nasa baba.
" Kenken! " si Kristoff nga!
Napatingin ako sa kanya.. Ngayon ko lang napansin na ang cute-cute niya. Nakangiti siya. Labas yung mga dimples na lalong nagpapagwapo sa kanya.. di ko alam kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko...
" Oh? Me dumi ba mukha ko? " kinapa-kapa niya yung mukha niya. Tae. Ang cute niya lalo... Naramdaman kong namumula ako bigla... napayuko ako tapos umiwas ng tingin sa kanya.
" Kristoff. Paalam muna ako ke Kuya ha. " iwas ko. Tumakbo ako papasok ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ni Kuya.
" Kenken.? Andiyan na sundo mo? Teka.. teka.. bakit namumula ka bunso? Kakulay mo na polo mo ah! " asar ni Kuya.
" Kuya naman eh! Kuya andito na si Kristoff.. alis na kami ah.. babalik din ako mamaya.. " paalam ko
" Awtsuuu! Kaya pala. Sige na. Naghihintay na date mo! Shoo! Wag mo kalimutan i-lock yung pinto ha! Ma-rape ako dito sige ka! " sabi ni Kuya.
Si Kuya talaga. Bumaba na ko ni-lock ko na yung pinto tapos pinuntahan na si Toffee.
" Tara na. " sabi ni Kristoff.
Nilakad na namin papunta kila Jake. Andami ng tao. Andun yung parents ni Jake, mga family members tsaka kaming friends niya.
Pumasok na kami sa loob. Sinalubong kami ni Tita.
" Kenken! I'm glad you're here. Ikaw din Kristoff. " sabi samin ni Tita.
" Thanks po Tita. "
" Sige. Puntahan niyo na sila Jake andun kasama sila Yvonnie. " sabi ni Tita.
Pumunta kami sa may pool area. Nakatambay na sila Yvonnie, Jake at Manolo.
Inasar ko si Manolo. Inakbayan ko si Kristoff. Nakita ko unti-unting naningkit lalo yung chinito niyang mata. Hehe. Mamatay ka sa inggit hehe.
" Kenken! Akala ko di ka na pupunta... " sabi ni Jake. Inakap niya ko.
" Bat naman ako di pupunta.. gusto kita makita before ka umalis. Matagal-tagal ulit bago tayo magkita nuh! " sabi ko. Tinapik ko siya sa braso.
" Salamat Best friend. " sagot nya. Nginitian ko siya.
" Oh kain kayo! Kuha muna ako ng spag dun ha nagugutom na ko kahihintay sa inyo eh! " sabi niya. Inaya niya si Yvonnie. Sumama naman si Yvonnie. Sumunod din si Kristoff sa dalawa. Naiwan kaming dalawa ni Manolo.
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]
Romance10 years ago, may nakilala si Kenjiro sa isang ospital, Si Toffee.. Maghapon silang naglaro.. Si Toffee ay isang batang masayahin, may dimples at maputi.. binigyan niya si Kenji ng bracelet na may pangalan nito. Nangako sila sa isa't-is...