FINALE

3K 79 22
                                    


KENJIRO'S POV

A year after.....

Andaming nangyari sa loob ng isang taon...

Si Jake bumalik na for good, syempre nagkabalikan na sila ni Yvonnie na News Anchor na. Si Yuriko at AJ naman ikakasal na. Habang si Manolo bitter parin sa forever!!

Ako, napatawad ko na si Papa. Inurong na ni Mama yung kaso... As for now tinitrain na ako to take over sa Kojima Group.

Habang graduate na rin si Kristoff sa course niya... after ilang months nakuha siya sa isang airline bilang F.A. siyempre going strong parin kami! Pag libre kami siyempre magkasama kami lagi...

Sa bahay na nakikitulog si Kristoff pagkatapos ng long-flights niya. Nagtatampo na nga sila Aling Tasing e...

Speaking of the devil... katabi ko siya ngayon... natutulog pa ang mokong...

" Toffee! Gising na.... may flight ka mamayang 3:30 diba? " yugyog ko.

" Ohhh? " moan niya... halatang ayaw pagising

" Kristoff... bangon na... " dinudutdot ko yung tagiliran niya. Napangiti naman ang loko. Nakiliti ata.. haha

" YAAAHHHH! " bumangon siya tapos inakap ako ng mahigpit!!

" Ambango-bango talaga ng Kenken ko! Hmmmm! " sabi niya sabay kiss sa leeg ko. Napahagikgik ako. Nakakakiliti e.

" Siyempre... Hoy! Magready ka na... mamaya na flight mo... " paalala ko sa kanya.

" Tss.! Pabayaan mo sila.. Tayo may flight din tayo! " sabi niya.

" Flight? Di naman ako nagpabook ng flight ah!! "

Ngumiti siyang nakakaloko.

" Magfaflight tayong papuntang Heaven! At ako ang F.A mo harhar

!!!" sabi ni Kristoff.

" Loko!! Hehe... "

He kissed me... at kahit umagang-umaga alam niyo na kung saan nauwi yun XDD

After nun, magkatabi parin kami sa kama... nakatingin sa kisame.

" Grabe... nakakapagod pala sa Heaven. Pero ang sarap... " Biro ko. Natawa naman siya

" Basta ako sure satisfaction ang ihahatid ko! hehe. " sabi niya sabay kiss sa pisngi ko.

" Hoy ah. Baka mamaya habang nasa flights ka hinahatid mo yung passengers mo sa langit... " saway ko sa kanya.

" Hoy! Di ah.... isa lang ang ihahatid ko sa langit... IKAW lang yun Kenken! Pakiss nga! " sabi niya sabay nguso.

Natawa ako. Pero kiniss ko parin sya. Ang cute e! Hehe.

" Tara maligo na tayo... tayo na! " sabi ko.

Ayun! Naligo kami ng sabay... after nun kumain na kami at nagready na sa mga work namin..

Habang nagbibihis ng uniform niya napansin ko medyo nahihirapan parin maglagay ng necktie si Kristoff.

" Tch. Ang hirap naman kainis. " reklamo niya. Halatang napipikon na. Lumapit ako.

" Lika nga baby... ako na magkakabit... "

Lumapit ako sa likuran niya. Inayos ko yung necktie at kinabit sa kanya.

" Ayan! Ampogi ko na! " sabi niya sabay pogi pose sa salamin. Inakap ko sya sa likuran niya. Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya.

" Pogi ka naman everyday eh.. "

Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon