KRISTOFF'S POV
Napaupo ako sa kama ko.. put@ngina. Napakatanga ko...ang bobo ko...! Tang!na!
" Toff... " pinatong ni Manolo yung kamay niya sa balikat ko.
" Wag mo kong hahawakan.. gago ka! " napaatras si Manolo sa inasal ko.
" Toff... I'm sorry... " lumapit siya ulit sakin.
" Put@ngina Manolo.! Tantanan mo muna ako... please. Ayaw ko saktan ka.... please lang.. "
Kinuha na niya yung damit niya tapos nagbihis. After nun umalis na siya..
...tang!na! Napakabobo ko... maliit lang na bagay pinagselosan ko pa. Di ko man inalam yung side ni Kenken...! Sh!t! Sa inis ko napasabunot ako sa buhok ko...
...kailangan ko ayusin to... ayoko mawala ng tuluyan si Kenken.. mahal na mahal ko siya. Oo nagkamali ako.. inaamin ko... gusto ko siya kausapin, humingi ng tawad... kung ano man desisyon niya o sasabihin niya sakin masakit man tatanggapin ko...
KENJIRO'S POV
Pagbukas ko ng pintuan ng bahay ito agad ang una kong narinig sa stereo namin...
" Habang ikaw ay naririto sa dibdib
Paglalaban ko aking pag-ibig..
Sa harap ng paghihirap at pasakit..
Ako'y handang magtiis.
Hangga't di kita lubusang maintindihan..
Aaminin ko ang pagkukulang..
Hanggang kailan kita mamahalin?
Tanong ng puso ngayo'y naninimdim..
Ohhhh... "
Punyemas naman talaga! Pati ba naman sa bahay yan din ang tugtugan?! Nanadya ba sila?
Biglang lumabas si Kuya sa kusina
" Kenken! Bilis ah! " sabi ni Kuya.
" Hoy Kuya! Ilipat mo nga yan! Nakakabadtrip yang ka-ka-ka-kanta mo! " tengene namang luha to oh! Eto na e!
" Oh bunso ililipat ko na.. wag kana umiyak.. " dumiretso si Kuya sa stereo tapos in-off to. Lumapit siya sakin.
" Bunso.. ano nangyari ha? " tumingin siya sa mga mata ko. Pero di ako makatingin kay kuya kase naiiyak na talaga ako..
" Kuya! " inakap ko siya.. tapos dun nag-iiyak.. tang!na kasing luha to eh! Ba't kasi napakaiyakin ko!
Inakap din ako ni Kuya Toshi habang umiiyak ako.. buti nalang andyan siya kung hindi baka naaning na ko.. napakasakit kasi!
" kung ano man yan Kenken sabihin mo sakin.. andito lang si Onii-chan mo makikinig sayo... " pang-alo sakin ni Kuya Toshi.. lalo ako naiyak sa sinabi niya..
" Kuya napakasakit kase eh.. Kuya kung sakaling pumunta si Kristoff o si Manolo dito pakisabi wala ako.. " bilin ko. Kailangan ko muna mapag-isa... pag nakita ko kahit isa sa kanila baka di ko kayanin at masaktan ko sila....
" Oo bunso... " paniguro ni Kuya. Sa wakas natigil narin tong lintik na mga luhang to.. nagpunas ako ng mata ko..
Sisiguraduhin kong last na to... first at last ng pagluha na sasayangin ko sa manlolokong yan..
Ginawa ko lahat.. maibalik lang yang memories niya.. minahal ko siya.
Tapos itatapon niya lang sa ISANG gabi at sa taong napakalandi with a very shallow reason.. tang!na nya..
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]
Romance10 years ago, may nakilala si Kenjiro sa isang ospital, Si Toffee.. Maghapon silang naglaro.. Si Toffee ay isang batang masayahin, may dimples at maputi.. binigyan niya si Kenji ng bracelet na may pangalan nito. Nangako sila sa isa't-is...