CHAPTER 18

1.4K 40 0
                                    


KENJIRO'S POV

Sa bahay..... nasa sofa si papa nagbabasa ng dyaryo. Nilapitan ko siya.

" pa. "

" Kenjiro. "

" Ikaw ba ang may pakana ng riding-in tandem kanina? "

Kumunot ang noo ni papa.

" Pa! Ikaw ba ang may pakana non?! "

Napatayo si papa at hinigit ako sa collar ng damit ko.

" oo! Ako nga... bakit? Susuko ka na ba? Lalayuan mo na ba yang Kristoff na yan?! Wag na wag mo kong pagtataasan ng boses! Anak lang kita! "

Sakto namang lumabas si Kuya Toshi sa kwarto niya. Sinugod niya si papa. Nabitawan naman ako ni papa. Natumba ako sa sahig.

" Pa! Tigilan mo nga yan! "

Tumayo ako.... parang wala na kong nararamdaman... manhid na siguro ako...

" Kenken! Ok ka lang? Pa! Wag na wag mong sasaktan tong kapatid ko! " pinigilan ko si Kuya..

" Kuya. Tama na.... at Pa oo. I accept. In one condition... "

" Kenken! Ano tong ginagawa mo? " reklamo ni Kuya

" Wag mong gagalawin si Kristoff.... oras na malaman ko na may nangyari sa kanya na kagagawan mo, I'LL KILL MYSELF. and another thing....

.....make the wedding private. Gusto ko kaunti lang ang aattend sa ceremony, kesa sa pinaplano niyong very public na ceremony. "

Nag-isip si Papa saglit.

" Kenken.... " si Kuya Toshi.

" Its a deal son.... "

" I hope dad sumusunod ka nga sa usapan.... " sabi ko sabay alis... sumunod naman si Kuya sakin sa kwarto ko

Napaupo ako sa kama.... tinabihan ako ni Kuya.

" Kenken.... "

Unti-unti tumulo ang luha ko.... minsan lang naman ako sumaya...yun yung mga oras na kasama ko si Kristoff.... pero ngayon kailangan ko muna isakripisyo tong nag-iisang kaligayahan ko wag lang siyang masaktan.....

Inakap ako ni Kuya...

" Kuya.... gagawin ko to... wag lang masaktan si Kristoff... "

" Pero pano ka bunso? "

" Mas gugustuhin ko ako nalang maging miserable... wag lang maging miserable si Kristoff... "

Bumitaw si Kuya. Tumingin siya diretso sa mata ko.

" alam mo. Sinabi ko rin yan nung nagkakaganyan din kami noon ni Kuya Kris mo.... pero tingnan mo. Pareho kaming miserable ngayon... walang closure... walang pag-uusap... "

" Ayokong mangyari sayo yun bunso.... ipaglaban mo yung mahal mo.... yeah I know may banta....pero andito ako,

tsaka mga kaibigan mo... tutulong sayo sa abot ng makakaya namin.... "

KRISTOFF'S POV

" AJ. Salamat pala sa paghatid samin ni Manolo. "

Hinatid kami ni AJ sa bahay.

" Wala yun... " sabi ni AJ. Sumakay na uli siya sa sasakyan niya.

Napatingin naman ako kay Manolo. Nakacross-arms siya.

" Hoy. Kristoff Lei Sebastian may I remind you may BOYFRIEND ka po... "

Natahimik ako..

" alam ko! Hoy Manolo... mahal na mahal ko si Kenken noh! Tsaka si AJ? ni hindi ko nga kilala yan e. "

Ang Childhood Friend ko: A Promise of Forever [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon