Malinaw na sa malinaw!!!!
Hindi ko alam pero alam kong naliligaw na ako. Saan naba ako??
Bigla na lang lumamig yung balat ko. Ganitong ganito rin yung nangyari ng nakulong ako sa isang kwarto nung may kumuha sa akin at.. at..
Hindi ko namalayan na nakasalampak na ako sa may damuhan nakayuko at tinatakpan ang tenga ko. Ayokong ma rinig ulit yung mga ganun. Ayoko ng maulit pa yun.
Romeo's P.O.V
"Ano ba kasing ginawa mo!" Inis na sabi ko sa babaeng to! Napaka shit
"W-wala akong ginawa." Nanginginig na sabi nya.
Hindi ko na sya pinakinggan pa sa mga sasabihin nya dahil alam ko namn na mag sisinungaling lang yan!
Inis akong napasabunot sa ulo ko. "Juliet! Nasan kana ba!" Sigaw ko. Nag aalala na ako sa kanya madilim na at hindi nya alam kung saan daan papuntang tent. Mamaya naligaw nayun.
Nagtatakbo na ako hindi ko parin sya mahanap. "Nasaan kana ba". Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko sya binantayan. Hindi ko sya nasamahan. Napa ka walang kwenta ko nga!! Totoo siguro ang mga sinabi sa akin ni dad! Wala akong kwenta.
Flashback!
"Romeo! Natatakot ako." Nanginginig na sabi ni francine pero hindi ko yun pinansin.
Nagulat na lang ako ng bigla nyang isinabit ang kamay nya sa may siko ko at niyak iyon.
"Wa-wag mo akong bibitawan." Naawa tuloy ako sa kanya pero napalitan din yun ng galit. Alam kung palabas na namn nya to at hindi naman kita sa mata nya na natatakot sya may gusto syang mangyari.
Huli na ng maalala ko si juliet! Oo mukang nakalimutan ko na kasama pala sya at tumingin ako sa likod pero wala sya. Walang Juliet na nakasunod sa amin. Hindi ko alam pero san sya pumunta. May bigla na lang nag salita sa tabi ko.
"Baka umihi lang yun. Susunod sya. Wag kang mag alala." Nagtataka ako sa mga pinagsasabi nitong babaeng kani kanina lang ang lakas nyang magtaray kay juliet tapos ano ngayun?? Nag aalala sya? Huh! Basa na kita oy!
"Bitawan mo ako." Maotoridad na sabi ko.
"Pe-pero Romeo-
"Bitawan mo ako." Mahinahon na paki usap ko pero hindi pa rin sya nakinig.
"Romeo na- natatakot ako."
"Bitawan moko sabi eh!" Napasigaw na ako sa inis at nawala ako sa sarili ko.
"Pasensya na." Mahinahon na sabi ko.
Tinanong ko sya pero hindi daw nya alam. Ilang beses ko na syang tinanong pero ni isang tanong ko ni wala man lang matinong sagot.
"Ano ba kasing ginawa mo!" Inis na sabi ko sa babaeng to! Napaka shit!
"W-wala akong ginawa." Nanginginig na sabi nya.
End Of Flashback!
Habang nag lalakad ako at nagiisip kung saan ko ba hahanapin ang babaeng yun! Nag aalala na talaga ako! Humanda sya sa akin kapag nakita ko sya. Hindi ko naramdaman na mat sakit pala ako at wala akong pake alam dun! Gusto ko na syang mahanap! Gusto ko na syang makita! Habang tumatagal nagagalit na ako sa sarili ko. Hanggang sa may naririnig akong babaeng umiiyak.
Hinanap ko sya at dahil nga madilim dito sa gubat at sobrang nakakatakot pala talaga kapag nag gabi na. Ang tanging ilaw ko lang ay yung buwan. Buong buo ang hugis ng buwan bilog na bilog at habang hinahanap ko kung san nang gagaling yung iyak ng babae.
YOU ARE READING
Real Love Never Lie's (Completed)
Fanfiction(Beautiful Princess and The Great Prince)