Chapter 24

0 0 0
                                    

"late na ba kami?" Andito na kami sa kwarto kung saan kami "GAGAWA" ng projects pala. Akala ko kasi kung anong pumpasok sa isip nya hindi tuloy ako mapakali kaya hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Ang layo namin sa isa't isa ako nasa upuan sya namn andun sa gilid ng kama nya nakaupo. Buti na lang dumating sila annika at jack.

"Annika? Anong ginagawa nyo dito."
Biglang nagkatinginan si jack at annika. Ano na naman ba iisipin nila.

"Bakit ayaw mo ba kaming andto?"

"Hindi namn sa ganun pero..."

"Tara na nga annika. Ayaw yata ni juliet na makaistorbo tayo sa kanila!" Tinignan ko si romeo at parang wla lang sa kanya. Nakalimutan ko na kagrupo pala namin sila kay hinabol ko sila buti na lang hindi pa sila nakakalabasa sa kwarto na to.

"Oy! Wait lang. Hindi namn kasi sa ganun eh. Akala ko kasi hindi namin kayo ka grupo sorry na." Hinila ko sila pabalik sa upuan at ayaw talaga nila mag pahila.

"Tsk! Nakalimutan mo kaming dalawa ganum ba yun? Tska may kasalanan ka sa akin, bigla ka na lang nawala nung friday san ka nag punta?" Hindi pa nga pala nila alam yung nangyari sa akin, buti na lang talaga dahil sasarilihin ko muna yun. Ayokong madamay pa sila.

"Ahh.. may pinuntahan lang ako annika sorry." Pag ka tapos kong pabalikin sila sa loob nagtagumpay naman ako at andito na nga kami naka upo. Pabilog kaming naka upo para maganda yung pag uusap namin tungkol sa project.

Syempre si Romeo ang leader kaya kailangan naming makinig. "Oh yung project natin about lab—"

"Love? Hindi ko pa nga nararanasang mag mahal tapos about sa love yung atin." Bigla tuloy silang napatingin sa akin at nakakunot ang mga noo nila.

"Ano bang pinagsasabi mo juliet? Hindi love! Lab like laboratory." Napayuko na lang ako kasi namn eh.

Anong nangyayari sayo? Bat ka nagkakaganyan huh!

Hindi ko nag rin alam eh. Yan na lang nasabi ko sa pinaka magaling kong utak. Ano nga bang nangyayari sayo juliet?  May sakit kaba huh! Napailing na lang ako. Senermonan kasi ako ng sarili kong utak.

"Hahatiin ko kay tig dadalawa. Siguro masa madali kapag kami ni jack at kayo ni annika at juliet ang mag ka partner."

Biglang nag taas ng kamay si annika."ahm.. romeo mas maganda kapag lalaki at babae mag ka partner kasi laboratory yung gagawin natin. Hindi makakagawa kung parehas babae dahil mahina yung force kung may ganung pag gagamitan, baka matagalan tayo." Sang ayon namn ako sa sinabi ni romeo pero may point din si annika. Kung parehas babae ang mag ka partner baka mag iba yung gagawin naming lab kumpara kung lalaki at babae para maipag combined kung ano yung naiisip namin sa isa't isa. May sasabihin pa sana ako kaso naunahan ako ni annika.

"Kami na ni jack at kayo na ni juliet."

"Ano annika? Kayo na ni jack? Kelan pa huh! Walang pag kwento to oh. Tsaka ano bang sinasabi mo? Walang kami ni romeo nililinaw ko lang." Napatampal na lang ng noo si jack. Hahhaha may sekreto pala sila huh.

"Walang kami juliet! Tsaka ano ba yang pumapasok sa isip mo? Kumain kana ba, baka gutom yan." Bakit? Mali ba ako ng pag kakarinig? Tama namn eh. Sus! Indenial pa ang dalawa.

"Wala ka sa sarili mo sis. May problema ba?" Ano? Ako? Wala sa sarili bakit nasan na ba yung sarili ko. O my ghad! Baka tinangay na ng multo.

Tsk! Baliw na kana yata eh. Mas baliw kapa sa mga baliw!

Ako baliw? Hindi noh tsaka ano bang pinag sasabi mo utak! Yan na lang ang isinagot ko sa baliw kong utak. Sabihan pa man din akong baliw. Hampasin kita dyam eh.

Real Love Never Lie's (Completed)Where stories live. Discover now