Chapter 26

0 0 0
                                    

—— I Can't wait to see you Juliet





Biglang bumilis ang tibok na puso ko. Ano bang gagawin ko? My choices ba to please! Pag pipilian ko kaagad.





a. Sundan mo lang






b. Sundan mo na lang talaga






c Paki sundan na lang po





KingShit! Anong klaseng choices yan brainie! Wala namn pag pipilian dyan eh. Baliw to sabi mo mag bigay ng choices, tapos nung nandyan na minura pa ako. Ghad! Ay, pasensya na brainie ako pala may kasalanan. Oo gaga! Tsk! Sorry na nga eh.




Bakit ba kasi ako kinabahan na ganito? Uso pala kabahan ngayun hindi man lang ako nainform kainis! Sana man lang tinawagan nyo, ako o kaya tinext, nakaka pag tampo kayo.





Napag isip isip ko na sundan na lang yung mga rosas at medyo malapit lapit na ako sa gymnasium nang biglang na sipa na namn akong bote. Bwesit to, bakit nagkalat ang mga bote dito hindi naba nag lilinis yung mga janitor sa school? May napansin din akong basket sa gilid kaya kinuha ko yun. May laman ding bote kaya dinampot ko to.






—— kunin mo lahat ng mga bote sa dinadaanan mo, at ilagay mo sa basket. Wag mong bubuksan huh!





Teka inuutusan ba ako nito? Tsk! Okay kung sino ka man siguraduhin mong maganda tong ginagawa mo huh! Makukutusan kita loko.





Naku lang talaga! April fools ba ngayun at uso lokohan. Nandito na ako sa tapat ng gymnasium at sobrang dilim. Walang ka tao tao, habang nakatayo ako dito sa harap my natulak ako kaya napaatras ako.






"Ay prutas na may kamote!" Jusko akala ko kinukuha na ako ng mga maligno, meron pang bumagsak sa harap ko na box' hindi namn kalakihan yung box kaya kinuha ko na.






— Open this.





Napataas na lang yung kilay ko. Kanina pa to huh! Puro utos kakainis! Naku lang talaga. Naku lang! Pag kabukas ko gulat na gulat ako. Ang ganda naman, kaya sinuot ko yung mascara. Mata lang ang natatakpan pati yung ilong ko. pink na may light blue ang kulay nito, kumikinang pa sarap tuloy kumanta shine bright like diamond. Hehe.






Biglang umilaw ang paligid at meron ring nag salita at nakita ko narin sa wakas kung anong itsura sa loob ng gymnasium! SOBRANG GANDA! ANG GANDA GANDA! Kaya nilibot ko muna ang tingin ko sa loob ng gym ang daming tao at tingin ko mga kaklase ko yung iba dahil nakita ko yung 8 pugitas, aba! Andito pala sila. Hindi lang pala mga kaklase ko ang nakikita ko yung iba mga schoolmate ko lang. Bigla  may lumapit sa aking babae. Naku! Humanda ka pala sa akin, bakit mo ako iniwan kaninang babae ka.






"Hi sis! Exited kana ba sa party mo?" Napakunot namn ako ng noo, tama ba yung narinig ko? Party? Biglang may nag takip ng bibig ni annika, hindi ko sya nakilala huh. Lalo tuloy sya naging gwapo. Hindi na nating ipagkakaila na gwapo talaga si jack.







"Tsk! Ang ingay mo babae!. Halika nga dito!" Ayun hinila ni jack yung braso ni annika at ngumiti lang sa akin si jack. Bigla akong napa harap sa pinang galingan ng boses ng lalaki.






"Good afternoon Ladies and Gentlemen we all here to celebrate  her 18th birthday ang I guess she's here now." Biglang napatingin lahat sila sa akin at teka ako ba yung sinasabihan nya? May bigla akong nalala May 11 pala ngayun so BIRTHDAY KO PALA NGAYUN AT HINDI LANG YUN 18TH BIRTHDAY KO IBIGSABIHIN DEBUT KO NA!







Real Love Never Lie's (Completed)Where stories live. Discover now