"Sigurado kabang kaya mo ng pumasok juliet? Nag aalala kami ng daddy mo." Ilang beses naba ako tinanong ni mom? Okay na nga ako eh nakapag pahinga na ako ng dalawang araw. Oo nung hinatid ako ni romeo at kinabukasan nun hindi ako nakapasok bigla na lang sumakit yung ulo ko tapos nasundan pa yun kahapon e, bale dalawang araw na akong absent. Paano namn yung ginawa namin na plants hindi ko pa to na ipapakita kay mam donna.
"Pumunta pala si zack nung gabi na hinatid ka ni romeo..." Jusko! Baka sinabi ni zack yung nangyari sa akin. My ghad ayokong mag alala pa lalo sila mom and dad sa akin. Lalo tuloy akong kinabahan dahil naahinto si mom sa sasabihin nya."tinanong ka nya sa amin kung okay ka naba? Bakit may nangyari ba sayong masama anak? Tell me." Ngumiti na lang ako kay mom at niyakap ko sya nang mahigpit. Ayokong nag aalala ka mom kayo ni dad. Mas mabuting ako namn ang mag solve ng problema ko.
"Im okay mom, wag ka na pong mag alala sa akin." Bigla namn humarap si mom sa akin at hinwakan ang pisngi ko gamit ang dalawang kamay nya.
"Paanong hindi mag aalala si mommy eh nag kasakit ka na nga oh." Ngumiti lang ako kay m ulit. "Kung may problema ka my princess just tell me okay? Ayokong mangyari na namn yung dati. Ayoko nang bumalik yung trauma mo." Mom kung pwede ko lang sanang sabihin ginawa ko na' pero sa ngayun sa akim muna ito. Don't worry tutulungan namn ako ni zack eh.
"If you are surely okay pwede ka ng pumasok but promised me na kapag sumakit na namn yung ulo mo just call me okay? Dadalhin ka na namin sa hospital." Napatango tango ma lang ako. Nag ready na ako para sa pag pasok sa school ko. Inayos ko na rin yung mga gamit ko at pati yung plants ko. Dali dali akong pumunta sa garden namin dahil dun ko yun nilagay' at pag datin ko...
"OMIEGHAD!" Yan na lang ang tanging lumabas sa bibig ko. May maliit na syang dahon. Ang cute cute nyang tignan. Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ko sa drawer yung plastic na maliit, yun yung fertilizer na binigay sa amin ni romeo. Ilalagay ko yung konti sa halaman ko. Pag baba ko nakita ko si mom na nag aayos na ng pagkain. Pag katapos kung nilagay yung fertilizer pinasok na ni kuya jason sa loob at pati yung bag ko. Hindi na rin ako kumain dahil busog pa namn ako, kumuha na lang ako ng tinapay at kakainin ko to sa loob ng sasakyan.
Habang nasa byahe pa kami, hawak hawak ko lang yung halaman baka kasi matumba at kapag nangyari yun wala na akong maipapakiya sa teacher ko. Mawawalan ng saysay tong pinagpaguran ni romeo. Nakatingin lang ako sa baby plants ko, ang cute cute nya talaga kahit wala pa syang flower at maliit lang na halaman ang tumubo sa kanya. Hindi ko maiwasang ang mga panyayari nung araw na yun. JUSKO LANG NAMN! Kahihiyan 1.5...
Hindi ko inaasahan yung sunod na gagawin nya. Pinunasan nya yung luha ko gamit ang dalawa nyang kamay.
"Juliet kung ano yan pumapasok sa isip mo hindi ko gagawin yun okay."
Umayos sya ng pag kakaupo at ngayun mag kaharap na kami.
"hindi mo kasi ako pinapatapos mag salita kaya hindi mo alam kung ano ba talaga ang gagawin natin."
"Kailangan nating makagawa ng baby plants or flower gamit lang yung mga materials na nasa mesa nakikita mo ba yun."
Sabay turo sa mesa at nakita ko nga yung mga buto dun at mga organic materials na gagamitin namin.