Francine vs Juliet II

1 0 0
                                    

Habang nag lalakad ako papasok sa school ko, hindi ko parin alam kung anong gagawin ko dun sa 8 Pugitas na yun. Kagabi pa ako nag iisip pero wala pa rin eh. Alam kong masamang mang away pero masama bang ipagtanggol ko ang sarili ko? Hindi!  ang pitsel nga napupuno tao pa kaya? Ilang beses na akong nag titimpi sa mga yun eh pero this time pwede ko namn subukan ilabas kung sino ako. Hindi pa ako nakakalapit sa gate may mga babae na nag uusap dun at nag kukumpulan.

"Oy! Girls alam nyo ba yung nangyari kahapon? Kung anong ginawa ni juliet kay francine." Syempre alam mo tsismosa ka eh! Bobo rin neto.

"Haha! Ano kayang mangyayari ngayon? Na eexite tuloy ako baka makanuod ako ng movie o kaya namn teleserye mamaya." Sige tumawa lang kayo. Pag usapan nyo pa ako. Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Nandito kasi ako sa likod ng kotse bigla na lang nanlaki yung mga mata ng mga tsismosa.

"Tsk! Tsk! Tsk! Oo nga noh? Ano kayang mangyayari mamaya? Na eexite din kasi ako, kaso pwede bang ngayun ko na lang simulan yung movie o teleserye na sinasabi mo? Try natin sayo dali!" Akmang hahawakan ko pa lang yung braso ng babaeng yun biglang tumakbo at lahat ng kasama nya napatakbo na rin. "Ay! Akala ko pa namn gusto rin nila i-try yung ginawa ko kahapon. Sayang namn" napa iling na lang ako. Takot naman pala eh puro mga salita lang.

Pag pasok ko sa gate lahat sila nakatingin sa akin pati nga yung guard at mga taga linis sa school naka tingin din sa akin. Ganito na ba talaga ako kaganda?

Bigla silang tumakbo teka? Papalapit sa akin! Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero wala akong maisip ang dami nila. Hinanda ko na lang yung sarili ko sa mga babae na yun, napapikit na lang ako pero wala pa akong nararamdaman na kahit kalmot o sabunot man lang. Bigla na lang tumahimik ang mga tao dito sa school tanging simoy ng hangin lang ang naririnig ko. Dahan dahan kong binuksan yung mata ko. Nagulat na lang ako kung sino yung nasa harap ko, hindi lang harap sobrang lapit pa.

"Okay ka lang ba?" Ghad! Anong ginagawa nya dito? Te-teka anong gagawin nya.

"A-anong gagawin mo?" Nag smirk lang sya at dahan dahan nyang ilalapit sa akin yung mukha nya, bago pa yun mangyari tinulak ko na sya. Mabilis akong tumakbo papuntang room kaso hindi pa rin pala ako makakatakas andito na yung 8 pugitas.

"Hahaha! Oh! Speaking of malandi andyan kana pala?" Bigla silang lumapit sa akin. Tinitigan ko lang sila ng nakakainis at ngumiti na rin para jackpot.

"Ay! Ako ba yung hanap nyo? Pasensya na kayo nag date kasi kami ni romeo. Tsaka anong malandi? Sino?" Syempre hindi ako mag papatalo kaya ginantihan ko lang sila. Tinitigan ko muna sila ulo hanggang paa mukang sasabog na yung ilong ni francine sa galit at inis sa akin. Bigla na lang akong nagulat dahil may umakbay sa akin, syempre ipapakita ko sa kanila na nag date nga kami ni romeo kahit labag sa kalooban ko. Wag na syang mag inarte at buti na lang naiintindihan nya yung pag ngiti ko.

"Oh! Babe kanina pa kita hinahanap san kaba nag pu-pupunta?" Okay salamat naman naiintindihan nya na ako.

"Ah.. sorry babe may kinuha lang ako sa locker tapos papunta na sana ako ng room." Ehhh!! Nakakainis naman bakit ko pa kasi sinabi na nag date kami eh.

"Oh! Andyan pala kayo, Sorry ano nga palang ginagawa ngo dito?" Inaway nila ako romeo sasabihin ko sana kaso wag na lang.

"Ay! Papasok na rin pala kami romeo bye!" Yuck! Kadiri nag papa cute pa sila habang umaalis sa harap namin dukutin ko mata nyo eh.

"Tara na BABE! baka malate pa tayo." Shit! Nilakasan nya pa talaga yang babe na yan kainis! Ngumiti na lang ako para maging katotohanan.

Pag pasok namin sa room pinagtitinginan kami at hindi pala sila nakatingin sa amin sa baba. Oh my ghad! Mag ka hawak pala yung mga kamay namin. Tatanggalin ko na sana kaso hinigpitan nya ang pag kakahawak doon. Nilapit nya yung bigla nya akong hinila, Dahil sa pagkakahila nya napaharap tuloy sta sa akin ay kung titignan nyo mukha kaming nag kikiss kasi nilapit ni romeo yung mukha nya as in lapit talaga! Ito namn ako walang nagawa kundi titigan yung mapang akit na mata nya. Feeling ko nag iinit ako yung mukha ko parang nasusunog na sa sobrang init at lalo pa nyang nilapit yung mukha nya, naka dikit na yung noo namin pati yang matangis na ilong nya.

Real Love Never Lie's (Completed)Where stories live. Discover now