Zack!
"A-anong ginagawa mo dito? Tsaka nasan ako?"
"Tsk! Ikaw!"
"Anong ako? Ouch!"
"Anong masakit? Juliet ano!"
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako nandito. Wag nyang sabihin na sya yung kagabi. Bago ko pa sya tanungin naunahan nya na ako.
"Sinong may gawa sayo nito." Okay kapag ganito yung tono ng boses nya natatakot na ako. Hindi pwedeng magsinungaling sa kanya dahil mayayari ako nito. Hindi ko na lang sya sinagot pero iba na to. Lalong nakakatakot yung boses nya.
"Hindi mo sasabihin? Alam mo ugali ko juliet." Jusko! Anong gagawin ko. "Narinig kita kagabi akala ko kung sino yung umiiyak dun sa bakanteng lote. At buti na lang nasiraan ako ng kotse kagabi at sakto nakatapat doon sa bahay na yun, hindi mo ba alam na delikado yun huh! Pangalawang tanong sinong may gawa nito! Tell me!" Nakakatakot na talaga ako promised kaya napaiyak na lang ako.
"Shh... Juliet stop crying. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin. Ako na bahala dun."niyakap nya ako at hinagod nya yung likod ko.
"Za-zack wag na hayaan na lang natin."
"What! Anong hayaan? Mga gago sila! Fuck!" Okay ayoko ng mag salita. Nakakatakot na talaga si zack.
"Mag pahinga ka muna. Ako na bahala kanila Tita." Tumango tango na lang ako at pinahiga nya ako doon sa kama nya. Mabuti na ngang mag pahinga muna ako.
Zack P.O.V
Humanda sa akin kung sinong may gawa nun. Ang lakas namn nung tang'na na yun. Hindi pwedeng may manakit sa kanya. Hindi pwedeng paiyakin sya. Hindi pwedeng kawawain sya. Napa sapak na lang ako sa pader.
"Fuck you! Kung sino man kayo." Hindi nila alam kung anong ginawa nila kay juliet, baka bumalik na namn ang trauma nya at kapag nangyari yun humanda sila sa akin.
Nag punta muna ako sa mga kaibigan ko. Gusto ko munang palamigin ang ulo ko. Hindi pwedeng malaman nila Tito John to lalo na ni Tita Janine mayayari talaga sila.
"Helo? Sandro nasan ka?"
"Oh shit! He-helo zack bakit? Ugh!"
"Fuck! Where are you? And what are you doing?"
"Im in He-heaven bro. Why? There is any problem?"
Shit! Nakakadiri naman tong lalaki nato. Heaven? Pucha baka mag kasakit na to sa ginagawa nya. Hays!
"Yah! I have a problem! And please stop your doing now or else papasabogin ko yang kwarto mo."
"Easy bro. Haha! Sige im on way." Binaba ko na agad yung phone ko. Seriously puro kalokohan na namn sya.
Bago ako umalis pinuntahan ko muna si juliet sa kabilang kwarto. Dinala ko sya dito sa bahay namin dahil hindi pwedeng iuwi ko yan ngayong gabi na ganyan yung itsura nya. Ang dumi nya yung buhok na buhaghag na buhaghag hindi ko na sya makilala nung nakita ko sya kanina. Unti unting bumabalik sa akin yung nangyari sa kanya before.
"Juliet wake up! Who's doing this to you." Naabutan ko sya dito sa may bar. Sobrang dumi nya at basang basa yung buhok nya ng luha. At buti na lang may tumawag sa akin na nakita nya daw dito si juliet. Hindi sya nag sasalita iyak lang sya ng iyak.