Naka tunganga pa rin ako. Bwesit kasi to eh! Flash back ng flashback! Kainis huh.
"Masama ba pakiramdam mo?" Nagulat na lang ako sa nagsalita. Sino pa ba kundi si Masungit/Mayabang/Manyak. Katapat ko sya ngayun. Hindi ko man lang naalala yun.
"Hi-hindi naman." Ano pati dila ko ayaw na makisama? Nauutal na namn ako. Mga walang pakisama jusko!
"Bakit namumula yung mukha mo?" Nagtatakang tanong sa akin ni romeo. Ano daw? Namumula! Hinawakan ko yun ng palihim at ang init nga mukang napaso pa nga ako sa sobrang init.
"Wala lang to mainit ka si eh! Oo mainit whoo! Jusko ang init noh? Wala bang aircon dyan.
"Sige nga kelan pa mainit ang tagaytay? Parang hindi ko yata alam yun?" Nakatingin lang sya sa akin at nagpipigil pa ng tawa ang loko.
Napaisip ako. Oo nga noh? Kelan pa naging mainit ang tagaytay? Hindi nako nakalusot dun sa sinabi ko huh.
Galingan mo kasi eh! Nahuli ka tuloy!
Ano ba kasing sasabihin ko? Alangan naman sabihin ko na ahh! Kasi romeo kinilig ako dun kagabi eh. Ganun ba? Huh! Utak mag isip ka nga ipapahamak ko pa sarili ko eh.
"Tsk! Yung kagabi na namn? Sorry kung hinalikan kita! hindi ko sinasadya." Halauh ka! Bwesit to huh! Nilakasan pa yung hinalikan! Dudukutin ko mata nito eh.
"Whaaaat! Bro? Pakiulit nga yung sinabi mo?" My ghad! Katapusan ko na ngayun? Akala ko kagabi pa eh. Ang daming nangyayari sa aking masama at tingin ko huling hininga kona nato! Okay papa god tanggap ko na po kung kukunin nyo na po ako malaki ang kasalanan ko lalo na po kagabi kaya naiintindihan ko po.
Pinanlakihan ko ng mata si romeo at bwesit talaga tumatawa lang sa akin. Ano kelan pa naging joker ang mukha ko? " May sinabi kaba romeo? Parang wala namn eh! Oo wala akong narinig."
"Tsk! Juliet ano kaba! Okay lang yan naiintindihan ko yung sitwasyon mo dahil ganyan din ako sa naging boyfriend ko." Si annika naman ngayun ang nag salita. Narinig nya rin yata yung pinagsasabi nito eh. Tska boyfriend?? Halauh! Hindi ko alam yun huh? Mag kaibigan kami pero wala man lang syang nakukwento. Nakakapagtamo!
"Oh! Sige annika ilakas mo pa huh!? Yung maririnig lahat ng tao sa tagaytay hindi man lang nakiramdam andito kaya ako noh!? Ang sakit!" Natawa ako dun sa sinabi ni jack. Hahhaha nag selos may ghad! JaNnika oh my Ghad!
"Wala lang yun! Never mind!" Okay buti naman at naiintindihan nya yung mata ko! Apir tayo dyan eyes! Buti naman magkakasundo tayo nito
Andito na kami ulit sa may field ng tagaytay may gagawin pa daw kami at last na daw to kasi bukas back to MANILA na kami. Hiyes! Naman. Habang nakaupo ako dito dahil pinapila kami ni mam na by group ulit napansin ko yung katabi ko ang tahimik nya ngayon huh?
"Jack may problema ba?" Tumingin muna sya sa akin saka ngumiti. Akala ko sasagutin nya na yung tanong ko pero hindi eh kaya nag salita na namn ako.
"Kung may problema ka andto lang ako okay?" Tumango sya at nginitian nya ako. Ano kayang problema nito.
"Simulan na natin!" Patay! Anong simulan? Hindi ko alam kung ano yung mga sinabi ni mam donna kanina lagot na talaga ako nito.
Tinignan ko yung katabi ko na si jack pero parang hindi nya din alam si annika namn ang layo nya sa akin. Si Francine naman ASA! Pa ako kung pansinin nya ako. Isa na lang yung natitira ayoko pa namn tong pansinin dahil nga sa kagabi! Peri ayoko din mapagalitan ni mam donna at mapa hiya noh? Helo? Ang daming tao dito sa tagaytay at nakatingin sa amin. Bahala na nga!
YOU ARE READING
Real Love Never Lie's (Completed)
Fanfiction(Beautiful Princess and The Great Prince)