chapter two

24 6 0
                                    

( Dylan's PoV )

Sumakay ako sa pick-up ko. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Hindi ko sinadya ang nangyari!

Dumiretso ako sa shower room ng makarating ako sa bahay.

I need to freshen up!

' Dylan it's not your fault, okay? It was her fault! You tried to help. No need to feel guilty! '

Inulit-ulit ko iyon sa isip.

" Ang bagal maligo!" nanlamig ako sa boses na narinig ko. Mabilis kong hinanap ang switch ng ilaw at pinatay. Fuck!

'Yong babaeng multo! Possible kayang sinundan niya ako?

I made a sign of a cross. God!

Kunwari wala akong naririnig.

Kunwari ay wala akong naririnig!

Tumawa siya.

" Naliligo ako. Hindi mo ba alam ang salitang privacy?" Pambihira! Wag niyang sabihn na ginagamit niya ang pagiging multo para makapamboso?

" Hmp! Pero nagugutom na ako!" hindi ko alam pero nag-init ang katawan ko sa sinabi niya. No! This stupid pervert ghost!

" Wala kaming pagkain. Umalis ka nga dito. "

" Ayaw ko nga! Kahit chocolate lang. Sige na. " pagpupumilit nito.

May batas bang pwedeng pumatay ng taong patay na? Aish! Never mind.

Hindi ko ito pinansin.

Talk to yourself!

Sinundan pa ako para gawing provider ng pagkain niya. Tsk.

Bumukas ang ilaw sa banyo at namatay ulit. Ilang sandali ay nagpatay-sindi pa muli ito.

Pambihira!

" ALRIGHT! MAGHINTAY KA!" Inayos ko ang tuwalya sa bewang ko.

" Dylan. What happened? Bakit ka sumisigaw?" Tanong ni mama na nasa loob na ng kwarto ko.

" Wala ma. I'm just practicing my role. Sa school lang po. " alibi ko dito.

Narinig ko naman na tumawa ang babaeng multo na nakahiga na ngayon sa kama ko. Matindi ang isang ito!

" Okay. Keep it up anak. Baba ka na mamaya para sa dinner. "

" Yehey! Oy Dylan, isama mo ako a." Singit ng babaeng multo.

" No. " Sagot ko dito. Kumunot ang noo ni mama sa inasal ko.

" I mean yes ma. Sige na po, mgbibihis pa ako. " inalalayan ko na ito upang makalabas na.

Isinara ko agad ang pinto.

" Sumama ka sakin mamaya sa baba. " utos ko sa babaeng multo.

" Yey! Kakain na tayo! Ano ba ulam niyo? Pork chop? Lobster? Uhmm Chicken? Baboy--" ang daldal grabe!

" Kakain ba tayo?" nag pout pa siya sakin.

Psh, yun ang pinakapanget na pout na nakita ko sa lahat ng babaeng gumawa na nito.

" Oo, Kakain ako at ikaw uuwi kana. "

" Hmp! Ang damot mo naman! " reklamo pa niya.

" Hindi ako madamot. Tsaka bakit kaba nandito? Bahay mo ba 'to? Mas excited kapa kumain sakin, inaya naba kita? "

Ngumuso pa muli ito. Aish. Isip bata!

Kumuha ako ng damit sa cabinet. Naalala ko hindi pa pala ako nakapagbibihis. Kaya pala malamig. Tsk.

Dumiretso ako banyo.

Hindi ito ang unang beses na makakita ako ng multo. Pero ito ang unang beses na nakakausap ako ng isa!

Hindi ko alam pero hindi man lang ako natatakot ngayon sa isang iyon.

Lumabas muli ako ng banyo nang makapag bihis na ako.

Himala hindi yata nagsalita yung madaldal na multo?

Nilingon ko siya. Nakaupo pa din siya sa kama ko. Yon nga lang mukhang naiiyak na.

Drama.

" Kung ganon ituro mo na lang yung exit palabas dito. Saka pahiram na din ng pera diyan pamasahe. " naglahad ito ng kamay sa akin. Nagpapaawa pa. Aish.

🌺 erlenthegenerous 2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon