chapter twelve

20 5 0
                                    

( Dylan's PoV )

" Goodmorning Dylan! "

What the fuck! Muntik na ako mahulog sa kama ko.

Ano na naman ginagawa niya dito?

" Ginagawa mo dito multo?!"

Nilibot ko ang paningin. Mabuti at wala yung matandang multo.

" Dylan, may favor pala ako sayo. Pwede moba kami tulu—"

" May pasok ako, umalis ka nga dito. " nilagpasan ko siya.

Ngumuso na naman siya.

" Tigilan mo nga ang pag nguso, mukha kang suso. " nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

" A-Anong koneksyon ng suso sa pag nguso ko?" narinig kong bulong niya sa sarili.

" Wala! Gusto ko lang sabihin mukha kang suso. "

" Hoy! Bawiin mo nga yan sinabi mo. " at hinampas niya pa ako likod ko.

Aish! Isip bata.

" Ano ba pa ba ginagawa mo dito? You don't belong here. Tanggapin mo na iyon. "  at tinalikuran ko.

" Alam ko naman iyon! Pero kasi—" padabog kong sinarado ang cr para hindi na marinig ang kadaldalan ng babaeng yon.

Binuksan ko yun shower. Fuck! Ang lamig!

" So, ayun nga kaya blah blah blah . . . WAAAAAAAAH! " tinakpan niya ang mata niya.

" What the fuck! " at mabilis kong hinablot yung tuwalya at inikot sa bewang ko.

" Out! "

Ngumuso siya at umiling.

" Get out. " pag uulit ko.

Sinunod niya naman ako. Tsk. 

Takte! Nakalimutan kong multo ang isang ito at kaya niyang tumagos sa dingding.

Napahilamos na lang ako sa sobrang pagkairita. Simula kahapon ng dumating yan multo na iyan nagulo ang tahimik na  mundo ko.
Aish!

" Hoy Dylan, ano ginagawa mo dyan. Bakit ang tagal mo? " si multo.

" None of your business. "

" Ganon, sige titignan ko na lang."

WTF!

" M-Malapit na ako matapos. Magbibihis pa ako. "

" Dalian mo lumabas diyan. Ano bang ulam natin? " tanong pa niya.

Ibang klase!

Lumabas ako ng shower room. Nandon padin siya sa kwarto. Tsk.

" Wow. " lumapit pa siya sakin. " Bagay sayo ang uniform niyo! Ang gwapo mo tignan! " at inayos niya ang kwelyo ko.

Mabilis kong inalis ang kamay niya sa kwelyo ko. 

Tsk! Feeling close ang isang ito.

" May pasok ka pala ngayon? "

" Obvious ba. " Aish!

Masisiraan lang ako ng bait habang kausap ko ang weirdong multo na yan, kaya nagmadali na akong lumabas ng kwarto ko.

" Pasok na po ako, ma." paalam ko kay mama.

" Hindi kaba dito mag-breakfast? " habol pa ni mama.

" Hindi na po. Tell, Gelo pumasok na ako. " tumango na lamang si mama sa sinabi ko.

" Dylaaaaan! " dinig kong tawag ni multo sakin.

Hindi ko siya nilingon.

Finally!

Katahimikan!

Nung makarating ako sa room ay hinanap ko agad si Mark.

" Hindi ka maniniwala sa kwento ko Mark. Kahapon, may natawag pang ibang kaluluwa sa kwarto ko. Nagpakita pa kay Gelo yun lalaki. "

" Totoo ba? Takte ibig sabihin totoo yun sinabi ni babyhoneymylovessosweet? " eksaheradong tanong niya.

Tsk.

Naisip kong wala akong mapapalang matinong reaksyon kay Mark kaya nilubayan ko na lang.

Dumating ang prof namin at nag distribute lamang ng mga gagawin sa reporting.

After non, wala na kaming klase. Pero ayoko  ko pa umuwi, ayokong makita ang makulit na multo na iyon sa kwarto ko.

Tsk.

Tumunog ang phone ko. Sinagot ko agad ito.

" Hey, ma. Napatawag ka? "

" You won't believe me anak, may nagluluto sa kitchen! "

What the fuck!

🌺 erlenthegenerous 2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon