chapter nineteen

13 1 0
                                    

( Arthuro's PoV )

( A/N: Siya po si Kuyang Multo. )

Iniwan ko muna si Payton para makapag-usap sila nung binata.

Nagpunta muna ako sa isang kwarto.

Isang lumang kwarto,  pamilyar sa akin.

Hindi ko matandaan kung kailan ako huli napunta dito, pero ramdam ko na galing na ako dito.

Nakalock ito.  Dahil isang kaluluwa na lamang ako ay tumagos ako dito,  at nakapasok.

Puno ng agiw.

Magulo.

Isang picture frame ang umagaw ng atensyon ko. Gustuhin ko man kunin ito ay hindi ko magawang hawakan.

Larawan ito ng isang masayang pamilya, puno ng pag-asa, at pagmamahal.

Si Cynthia at ako ang naroon. Kasama ang isang batang lalaki.

Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko.

Ito ang dating kwarto ko.

" You know about his condition Menandro! Bakit binanggit mo pa si Arthuro kay Dylan! "  si Cynthia iyon sa labas!

" Matanda na ang anak mo, Cynthia! "

" Hindi niya na dapat maalala iyon, Menandro. Nakalimutan niya na ang itsura ng tatay niya dahil sa aksidenteng nangyari noon! "

Bumalik na sa alaala ko ang lahat nang nangyari sa nakaraan.

Bumigat ang pakiramdam ko. Lumandas ang luha na kanina pa ay nagbabadya.

Mariin pinikit ko ang mga mata. Pagmulat ko ay wala na ako sa dating kwarto ko.

Ngayon ay nasa isang lumang garahe na ako. Puno ng mga manika at naroon ang lumang auto ko.

Luma at halatang matagal  na iyon, tulad ko ay napag iwanan na ng panahon. Sa taas ay may mga sapot na ng gagamba ang tumutubo.

Lubid.

Muli, lumandas ang mga luha ko. Naaalala ko ang gabi na labis  pinagsisisihan ko.

(Flashback)

10 years ago. . .

Isa akong clown o payaso sa isang kilalang circus. Mahina ang kita  at sapat lamang para matustusan ang pangangailangan ng mag-ina ko. Gabi noon, galing ako mula sa trabaho nang masaksihan ko ang isang krimen. Ni-raped ang dalaga bago binaril.

Ginulo ako ng konsensya ko, hindi pinatahimik.

Pag-uwi sa bahay ay balisa ako. Hindi ako makausap ng sinoman. Ilang araw ay hindi ko naasikaso ang sarili, hindi ko din naalis ang make-up at costume na ginamit ko nung isang araw pa. Halos sa lumang garahe na ito ako tumira. Ilan araw din ako hindi pumasok, nagalit sakin si Cynthia dahil don.

Napagbuhatan ko siya ng kamay at nakita iyon ng anak ko. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sakin at  sinakal ko siya.

" Daddy, nasasakal ako. " pagmamakaawa ng bata.

Buhat buhat ko siya habang nakatapat ang mukha niya sa lubid na itinali ko kanina sa kisame ng garahe ko.

" Arthuro, wag mong gawin yan sa anak mo. " pakiusap ni Cynthia.

Bingi at tila wala akong narinig. Shinoot ang ulo sa nakabilog na lubid at binitawan ko ang bata.

" Dylaaaaan. " sigaw ni Cynthia.

Nang marinig ko ang boses ni Cynthia ay nagising ako sa katotohanan. Mabilis na kinuha ko ang upuan at inilapit sa paanan ng anak ko.

" Walang hiya ka! Muntik mona patayin ang anak natin! Wala kang kwentang ama! Dapat hindi na ikaw ang naging asawa ko! Hindi sana ganito ang buhay ko kung sinunod ko ang magulang ko, kung si Menandro ang pinili ko. Sana namatay ka na lang! " hinayaan kong itulak ako nito.

Tinanggap ko ang lahat ng pananakit ni Cynthia.  Hanggang sa pumasok sa isip ko ang isang bagay.

Gusto niya naman mamatay ako, hindi ba?

Iyon ba ang ikasasaya mo,  at ikatatahimik ng buhay niyo ng anak ko?

Kinuha ko ang lubid at inilgay sa leeg ko. Umakyat ako sa isang upuan at nagdesisyong lumundag.

" Mahal ko kayo ng anak ko Cynthia, patawad. "

" Arthuro! "

Nagising ako sa isang puti at malamig na kwarto, tinignan ko ang sarili, habang nakasuot ng isang hospital gown.

Nakakainis! Buhay pa ako?

Hawak ni Cynthia ang sentido at problemado.

Sa pamilya.

Sa pera.

Nang makita ko ang itsura nang anak ko at ni Cynthia ay nawalan na ako ng pag-asa pang mabuhay.  Tiyak na mas maganda ang magiging buhay ng mag-ina ko, kung mamatay na lamang ako, at magpapakasal si Cynthia kay Menandro.

Kaya noong wala akong bantay nagdesisyon akong wakasan ang paghihirap niya, kasabay ng desesisyon ko na wakasan na rin ang buhay ko.

Gamit ang tali na nasa gilid. Nagbigti ako.

(End of flashback)

🌺 erlenthegenerous  2019


Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon