chapter twenty

13 2 0
                                    

( Dylan's PoV)

"  Tiantanong kita. Bakit ka nandito? " umiiyak ba ang matandang multong ito?

Aish!

This place is dad's old garage. Dito ako naglalaro ng bola noon bata ako kasama si papa,  sabi ni mama.

10 years ago, after dad ended his own life, naaksidente ako. Nabura ang halos lahat ng alaala ko mula ng pagkabata ko. Kasama sa parteng nawala noon ay ang itsura ng  ama ko.

Siyam na taon gulang ako noon, at tanging ang memorya na lamang habang binubugbog ng isang lalaki si mama, at  sinasakal ako sa isang madilim na garaheng ito ang naiwan sa akin.

Naalala ko iyon na tinawag kong 'papa' . 

Wearing a clown costume.

Sinakal niya ako.

Tinangkang patayin at sinabit sa lubid.

Hindi naging maganda ang childhood memories ko.  Hindi naging maganda dahil sa papa ko.

" Hindi mo ba ako naaalala? "  takte! umiiyak ba ang matandang multo na ito?

" Waaaah! Kuyang multo ayos ka lang ba? " yun babaeng multo.

Tsk!

Bagay silang mag-ama! Both lunatic.

" Who gave you the permission to enter here? "

" Anak. " 

WTF!

" Anong sinasabi mo,  tanda? "  bumibinggo na silang dalawa ni multo kaya piliin niya ang mga salitang lalabas sa bibig niya. 

Lumapit siya sa akin.

" Naalala kona ang lahat. "  nanatili ang titig niya sa akin.

" Ako si Arthuro Galves. "  nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Fuck! Hindi ito totoo!

Bumukas ang pinto ng garahe at pumasok  sila mama  kasama si Tito Menandro.

" Arthuro! " umiyak si mama.

" Cynthia. "  sagot lamang sakanya nito.

" Ma, ano ito? Totoo ba ang sinabi niya? Siya ba ang tatay ko? Siya ba si Arthuro? " naramdaman ko ang sakit,  ng tumango si mama sa tanong ko.

Siya si Arthuro? Siya ang tatay ko?

" Arthuro, huwag mo na kami guluhin pa. " si tito Menandro.

Ngumiti ng mapait si Papa.

Oo, si Papa!

" Hindi ako nandito para manggulo. " sagot niya. " Nandito ako para humingi ng patawad sa nangyari nung nakaraan. "

" Hindi ka dapat humingi ng tawad Arthuro. " si mama, lumapit siya dito. " Ako dapat iyon. "

" Wala akong kwentang asawa. "  umiling si mama sa sinabi nito.

Pambihira! Wala akong maintindihan!

" Ganoon paman ay naging isa kang mabuting ama. " dugtong ni mama sa sinabi.

Kasinungalingan!

Kailan pa naging mabuting ama ang sinasktan at kayang pumatay ng sariling anak?

" Sinakal niya ako, at muntik ng patayin noon. Binugbog ka niya ng madaming beses, ma. " singit ko sakanila, inilayo ko si mama kay Arthuro. " Walang kapatawaran ang ginawa niya. "

" Umalis kana. Patay kana diba? " mataman kong tinitigan ang lalaking nasa harapan ko.

" Dylan! " bawal sa akin ni tito Menandro. Hindi ko iyon pinansin.

" Manahimik kana. ". dugtong ko dito.

Tinitigan niya  lang ako ng punong-puno ng pagmamakaawa.

Pilit kong hinanap ang awa  sa sistema ko,  pero hindi ko iyon mahanap ngayon.

Marinig ko pa lamang ang buong pangalan niya, at maalala ang ginawa niya noon ay sumasabog na ang puso ko sa galit.

" Patawad. "

Umiling ako.  " Gaya ng sinabi ko, walang kapatawaran ang ginawa mo. "

🌺 erlenthegenerous  2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon