chapter sixteen

16 2 0
                                    

( Payton's PoV )

Nasa garden kami ngayon. Nakaupo ako sa gilid at nasa likuran ko naman si kuyang multo.

" Kamusta na siya? " nag-aalalang tanong ni kuyang multo.

Umiling ako sakanya.

Pagkatapos kasi namin takutin ng clown si Dylan kanina ay nilagnat yata sa sobrang takot.

Nahihiya naman ako puntahan siya sa kwarto. Siguradong magagalit lang siya.

" Hindi ba tayo hihingi ng tawad sakanya? " at hinawakan ni kuyang multo ang balikat ko.

" N-Nahihiya ako sakanya. "

" Tara, Payton. Kahit silipin lamang natin siya saglit. "

Tumango ako sakanya.

Naka lock ang pinto ng kwarto ni Dylan. Kung gugustuhin namin ay makakapasok parin naman kami, pero mukhang may pinag-uusapan pa sila sa loob.

Nakinig muna kami mula sa labas.

" I'm okay, ma. " narinig kong sabi ni Dylan sa mommy niya.

" May dumarating Payton. " nilingon ko ang tinuro ni kuyang multo.

Tumabi ako sa gilid ng pinto.

Lalaking hindi katandaan, nakaputi, at may salamin ang ngayon ay pumasok sa kwarto ni Dylan. Tulad nito, ay pumasok din ako sa loob. Naiwan si kuyang multo sa labas.

Hindi tulad ni kuyang multo, hindi lahat ng tao ay nakikita ako. Tanging si Dylan lamang ang nakakita sa akin.

" How are you feeling? " bungad ng lalaki na sa tingin ko ay psychiatrist. At binuksan niya ang bag na kanina ay dala niya.

Nag-iwas ako ng tingin kay Dylan nung nagkasalubong ang mga mata namin.

Pakshet! Kinabahan ako bigla. Mabuti na lang ay nabawi ang atensyon niya mula sakin dahil sa kaharap.

" For now, we will do something called 'exposure' " at nilabas ng lalaking ang dalawang maliit na clown na manika.

Mataman lamang na titigan ito ni Dylan.

" Which is putting yourself in proximity to the feared object until you get comfortable." muli, ay nilapag ng lalaki ang mga manika sa harapan ni Dylan.

I don't want to see those stupid freaking dolls. " si Dylan at hinawi ang mga ito.

Nagulat ang mommy niya sa inasal ng anak. " Dylan! "

" It's alright ma'am. "

" The best thing to do about a phobia is to recognize that the thing you're afraid of is not dangerous. " at nilapag ng psychiatrist ang isang pink na teddy bear sa tabi ng dalawang clown. Tila, ipinapakita na magkatulad lamang at hindi dapat ito katakutan.

" What do you think? Hindi ba at magkamukha lamang ang mga iyan? " tanong muli ng psychiatrist at tinuro ang mga manika.

Umiling si Dylan. " You don't get me. Hindi ko kailangan ng therapy. Makakaalis kana. "

" Dylan, anak. Stop being rude. " at hinarap ang doktor. " Pasensya na doc. "

Ngumiti at naglabas ng make-up kit ang psychologist. Eh?

Napakunot ang noo namin lahat ng magsimulang mag make-up ito  ng sobrang kapal at naglagay ng kulot na wig.

Yung ayos nito ay tulad ng make-up ng isang clown.

" Anong ginagawa mo? " si Dylan iyon.

" Try to watch somebody put on the clown makeup, so you can see that they're just a human being and see the progression of them turning into a clown. " 

Lumapit pa ito sa harapan ni Dylan. " Na tulad mo ay tao rin sila. "

" EXACTLY! TAO RIN SILA! THEY HAVE THE CAPABILITY TO END SOMEONE'S LIFE! " mabilis na dinaluhan ng mommy niya si Dylan na ngayon ay galit na galit.

Lumayo ang psychiatrist sakanya.

" I DON'T HATE CLOWNS, NOR DOLLS! WHAT I HATE THE MOST IS THE PERSON BEHIND THEM. " makahulugan sabi niya.

" Anak, it's already a decade. Forget the past, tulungan mo naman ang sarili mo. " umiiyak na pagmamakaawa ng ina sa kanyang anak.

🌺 erlenthegenerous  2019







Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon