chapter six

23 5 0
                                    


( Dylan's PoV )

" Creepy ng bahay niyo dude! " si Mark.

Sinabi niyo pa! Kailan ba kasi aalis ang multong iyon?

" Lakas maka-horror. " dagdag pa ni Jun.

" Kung mayroon ba. Paano magpaalis? " tanong ko sa mga ito.

Nag-walk out si multo. Ayan! Tama yan. Umalis ka na dito.

" Sa mga movies, yun mga multo umaalis lang kapag natahimik na sila o nakuha na nila ang hustisya. Nakapag-revenge ganon." natigilan ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi ni Mark.

Posible kayang binabalikan niya ako? Fuck! Pero wala akong kasalanan sa nangyari!

" Oo. Pero karamihan kasi ng mga ghost ay kaluluwa. " huh? ano daw yon? sinamaan ko ng tingin si Jun sa sinabi. Siraulo.

" Pero ang sabi ni mommy ay may mga ligaw na kaluluwa talaga, sila yung  mga hindi pa alam na patay na sila o kaya naman ay hindi matanggap ang pagkamatay nila, kaya nandito sila sa lupa at nagpaparamdam. " bawi nito sa huling sinabi.

" Paano sila matatahimik?" tanong ko muli sa mga ito.

Tapos na kami gumawa ng project kanina pa, nakatambay na kami ngayon sa garden ng bahay.

" Dude, abot ang tanong mo tungkol sa multo. May nakikita kaba? " si Mark iyon.

" Hindi ako naniniwala sa multo. Kaya gusto ko malaman bakit ang daming naniniwala don." I lied.

" May kilala akong espiritista. Kung curious ka, we can go there some other day. " singit ni Jun.

" Wala naman tayo ginagawa ngayon. Why don't we go there instead?" sumingkit ang mga mata nito dahil sa sinabi ko.

What?

Ayaw nila pero sa huli ay napilit ko rin ang mga ito. Nagpaalam ako kay mama.

Nakita ko di kalayuan ang pagpasok ni multo sa isang convenience store sa kabilang kanto. Tsk. Ano nanm kayang kalokohan ang gagawin niya don?

Hindi ko na siya pinansin. Duniretso kami ng mga kaibigan ko sa sinabi nila.

" Gago ka Mark, type mo lang yun pekeng espiritista na yon e " si Jun ng pumasok na kami sa madilim na kwarto na iyon.

" Anong ginagaw niyo dito?" kaedaran lamang namin na babae ang bumungad.

" Manliligaw sana, pwede ba?" hirit ni Mark sakanya. Sinamaan siya ng tingin nito.

" You know many things about the ghost, right?" panimula ko.

Tumango siya sakin. Umupo kami sa upuan malapit sa lamesa niya.

" Ibang klase may pa-baraha ka na ngayon Bea. Kamusta ba negosyo?"

Bea, huh?

" Pwede ba Mark!" iritado nitong sabi. Nilingon ako nito, " 100." at naglahad pa siya ng palad sa akin.

Pambihira! Wala pa akong itinatanong ay naniningil na siya. Aish.

" Gipit lang Bea? " si Jun iyon. Hindi nagpatinag ang babae, " Bayad, dali!"

Nagbayad ako dito.

" So, interesado ka sa multo? " tumango ako sakanya. " Oo, kung ginagambala kaba nila, paano sila maitataboy?" tanong ko dito.

Muli ay inilahad niya ang palad niya sa akin. " 100 ulit. "

What? Pambihira!

" Teka Bea, hinay-hinay naman kasi sa paniningil." si Mark na ngayon ay nasa gilid niya.

Nagbayad muli ako dito.

" Kailangan mo sila tulungan, hindi mo sila mapapaalis. " sagot nito.

" How can I help them?" muli, naglahad nanaman siya ng palad.

" 100." sinabayan ni Jun at ni Mark yun babae.

Umirap ito sa dalawa. " Bakit kayo sumasabay?"

Nagbayad ako dito.

🌺 erlenthegenerous 2019


Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon