chapter thirteen

19 4 0
                                    

( Payton's PoV )

" Dylaaaaan! " tawag ko pa dito. Saksakan talaga ng snob ng lalaking iyon.

Hindi niya na ako ginawang lingunin pa.

Grabe!

" Mukhang malabo tayong matulungan ng binata na iyon. "  malungkot na sabi ni kuyang multo sa gilid ko.

" Tutulungan niya po tayo. Mukha naman siyang mabait. " i assured him.

" Ewan ko, mukhang malabo. "

Kruuuuuk!

Walanjo! Kagabi pa pala ako hindi kumakain!

Nagugutom na ako!

" Kuyang multo hindi kapa ba nagugutom? " kumunot ang noo niya sa sinabi ko. " Tara sa loob makapaghanap ng pagkain. " aya ko pa dito.

" T-Teka, baka makita nila ako Payton. " pag-aalala  niya.

Hmp! Oo nga pala!

Bakit ba kasi nakikita siya ng iba? Ako naman, hindi?

Hays!

" Sige, ako na lang muna ang maghahanap. Bumalik ka muna doon sa kwarto ni Dylan. "

Tumango siya.

Lumakad nadin ako papunta sa kitchen area.

Binuksan ko ang ref. Madaming prutas doon, kinuha ko yun apple at hinugasan.

Yay! Namiss ko ang lasa nito. Kumagat pa ako muli dito.

Ang sarap!

Nagtimpla din ako ng gatas at kape para kay kuyang multo. Naghanap ako ng tinapay, pero puro cereals lang ang meron.

Hmp! Kay Gelo pa yata ang mga ito eh. Kawawa naman si baby boy pag inagawan ko pa.

Lumapit ako sa kitchen stove.

Hays! Hindi ko alam kung tama itong gagawin ko!

Kumuha ako ng dalawang hotdog, itolg at bacon mula sa ref nila Dylan at pinrito ito.

Waaaah! Ang bango, hindi ko mapigilan sumayaw!

Nagulat na lamang ako ng may narinig akong nabasag.

Nanlaki ang mga mata ko.

" Oh my God! " boses iyon ng mommy ni Dylan.

Waah! Mabilis akong humarap dito.

Tinuturo niya ako.

Bakit nakikita niya ako ngayon? Kahapon naman hindi, ah?

Mabilis kong kinuha ang kape at gatas, saka pinatay ang stove.

Hala! Hindi ko kaya buhatin ito lahat! Sayang naman ang niluto ko huhu.

" Hehe, makikiraan po tita. "  awkward na sabi ko sakanya nung madaanan ko siya.

Waaah! Hindi makapaniwala sa akin habang itinuturo ako!

Hanggang sa makarating ako sa itaas ng kwarto ni Dylan ay sinundan ako ng tingin ng mommy niya.

Hala!

Mabilis kong sinarado at ni-lock ang pinto.

" Nahuli ka? " tumango lamang ako sa tanong ni kuyang multo at ibinaba ang kapeng nakupit ko sa baba.

Waah! Sayang talaga yon!

" Kape lang ang nakuha ko. Pasensya kana kuyang multo. " inabot ko ang kape sakanya.

Hindi niya kinuha iyon.

Eh?

" Para sa iyo ito kuya Arthuro. "

Umiling siya.

Sinubukan niya kuhanin ang kape pero hindi niya ito mahawakan.

Muli, umiling siya.

" Hindi ako nakakahawak ng kahit na ano sa mundong ito. " malungkot na sabi niya.

Eh?

" Hindi tulad mo, hindi na ako nakakaramdam ng pagkagutom. " dagdag pa niya.

Bakit? Dahil ba patay na siya? Ako din naman, ah?

" Nagulat din ako sayo kung bakit nagagawa mo humawak ng kahit na ano. " muli, sinubukan niya hawakan ang mug. " Kasi ako, hindi ko talaga magawa. " dugtong niya pa.

Blaaaag!

Napatayo kami ni kuyang multo dahil sa padabog na pagbukas ng pinto sa kwarto.

Waah! Si Dylan!

" What the fuck is going on here! "

🌺 erlenthegenerous  2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon