chapter fifteen

21 4 0
                                    

( Payton's PoV )

" No. " hinawi ni Dylan ang kamay kong nasa braso niya. " Stay away from me. "

At naiwan ako sa kwarto.

Waaah! Bakit ba hindi maalis sa isip ko iyon!

Stay Away From Me.

Stay Away From Me.

Stay Away From Me.

" Waaaah! Tama na tama na! " dahil sa sigaw ko ay nagulat si kuyang multo sa akin.

Nandito na ulit kami sa garden.

" Okay ka lang Payton?" nag-aalalang tanong ni kuyang multo.

" O-Opo. "

" Ayaw sa atin ng lalaki. Saan na tayo pupulitin nito? " puno ng pangamabng sabi ng matanda.

Hmm?

Ayaw ni Dylan tumulong. Psh, wala na talagang magagawa. Hays! Masama naman pilitin ang taong ayaw.

Kaya sige!

" Kung hindi natin makuha sa santong dasalan, kunin natin sa santong paspasan. " nanlaki ang mata ni kuyang multo dahil sa sinabi ko.

Wala na ako maisip talaga! Huhu.

" S-Seryoso ka? "  tumango ako sa tanong niya sakin.

Nag-isip ako ng maaring gawin namin para takutin si Dylan.

Pagpasok ko ay may kausap siyang kaedaran ng mommy niya.

Hmm?

" Yes po. Kagagaling lamang po dito ni tita Helena. " si Dylan, ngumiti pa siya sa babae.

Psh, pati matanda ay dinidiskrtehan niya?

May pahawak pa sa likod?

Grabe, ah!

" Kung ganoon hijo. Maari naba ako magsimula? " tanong nung matanda.

" Opo, manang. Sa guestroom po muna kayo tumuloy. " 

eh?

Anong meron?

" Bakit nandito kapa? Diba sabi ko ayoko na makita ang mukha mo sa bahay ko. " inis na sabi nito nung dinaanan ako.

Hmp!

Umakyat siya ng kwarto niya.

Hindi ko mapigilan ngumiti.

Wahahaha! Patay ka sakin ngayon.

" WHAT THE HELL! " tawa ako ng tawa nung makita ko ang namumutlang si Dylan na lumabas sa banyo.

Isinarado ko ang pinto ng kwarto niya at nagpatugtog ng malakas na music.

" Ikaw ba ang naglagay ng mga pangit na manikang iyon sa cr ko! " hindi iyon tanong, pambibintang niya.

Hindi ko siya sinagot.

Lalong lumapad ang ngiti ko. Hah! Yan lang pala kahinaan mo, ah!

Narinig ko kasi sa mommy niya na ipinapatapon ni Dylan yung manikang nasa garahe. At nakita ko doon ang madumi, nakakatakot at pangit na clown na iyon!

" Hey, ikaw! " turo niya sakin. " Alisin mo yon. Now! " utos niya

Umiling ako.

Hindi ko mapigilan tumawa, para siyang natatae na ewan hahahaha.

" Ikaw! " Turo naman niya kay kuyang multo. " Tanggalin mo yon. " umiling si kuyang multo sakanya.

Sinubukan hilahin ni kuyang multo ang bedsheet ni Dylan pero tumagos lamang ito. " Hindi ako nakakahawak ng kung ano hijo. "

" Go ahead. Lalaki ka diba? Kuhanin mo nga yun manika. " hamon ko sakanya.

Umiling siya. " Are you testing me? "

Natawa ako sakanya.

" You are clearly blackmailing me! Narinig mo na may phobia ako sa mga manikang ganyan, kaya sinadya mong ilagay dyan! "

Ngayon ko lamang nakitang ganito iritado siya. I mean, oo, madalas iritado siya, pero hindi ganito katindi.

Hindi naman siya takot sa multo, ah? Pero bakit ganyan siya magalit sakin dahil lang sa manika?

" Kalalaki mong tao takot ka sa manika! Parang iyon lamang! " natatawa kong sabi.

Umiling-iling siya at tinalikuran ako.

Nah! You can't walked away from me Dylan. Wag mo nang tangkain.

" Pambihira! Pati ba naman sa pinto ko? Really? Fuck. "

Napakunot ang noo ko.

Tinitigan ko ang mukha niya,  namumutla siya!

Lumandas ang mga mata ko sa dibdib niya, mabilis at mabibigat ang paghinga niya.

Yung mga kamay niya, nanginginig.

Eh?

" Hayaan mona kung ayaw niya tayo tulungan, Payton. Tignan mo siya, nakakaawa na ang itsura niya. " si kuyang multo na ngayon ay nasa gilid kona.

Nagpakawala ng malalim at marahas na paghinga si Dylan bago ako nilingon.

" You guys are unfair! Alam niyo na may trauma ako sa ganyan kaya iyan ang ginamit niyo? Pambihira! " bulong nito

Ilan saglit ay narinig namin ang katok ng matandang kausap niya kanina. " Hijo, ang lakas masyado ng sounds mo baka pwede mo hinaan. "

Umiling si Dylan, hinanap niya ang stereo at pinatay ang music.

" Tanggalin niyo yon. " ako lang ba? o medyo basag ang boses ni Dylan nung sinabi niya yon?

Wala sa sariling gumalaw ang katawan ko at inalis ko iyon sa pinto.

(Author's Note: Si Dylan po ay may coulrophobia kaya ganon na lamang ang reaksyon niya.)

Coulrophobia is an extreme fear of clowns. If you have the phobia, you see these characters as terrifying and sinister. Usually, coulrophobia stems from childhood experience. Perhaps, you were terrified by one of these as a child, and that fear has stayed with you and built up over time into a phobia. (c)

🌺 erlenthegenerous  2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon