chapter seven

27 5 0
                                    

(Dylan's PoV )

" What's that anak? Ano iyan hawak mo?" si mommy nang makarating ako sa bahay.

" Insenso, ma. May mali sa kwarto ko. " sagot ko dito.

Tsk! Sira ulo na yata ako. Pero wala naman siguro masama kung susubukan, diba?

" Kuya, ano iyan? Ang baho. " si Gelo kapatid ko. Tinakpan pa nito ang gamit ang dalawang kamay.

Binuhat ni mama si Gelo. Naka school uniform ito. Nasa kindergarten lang siya.

" Ano bang kinain mo anak?" pag-aalala nito sakin,. " Saka sino naman yan kasama niyo? " at tumingin si mama sa likuran ko kung nasaan si Bea.

" Si Bea lang, ma. She's a friend of Mark. May aayusin lang kami saglit sa taas. " at dumiretso na kami sa kwarto ko, paniguradong uulanin ako ng tanong ni mama.

" Wala siya dito. " nakalimutan ko, umalis nga pala ito kanina!

" Hintayin natin, paniguradong babalik iyon. " nagsimula si Bea na i-assemble ang mga gamit.

" Hindi pa ako nakakakita ng multo sa totoong buhay. It scares the hell out of me. Wooh!" si Mark habang nagsisindi ng iilan kandila.

" Ilang araw na ba siya nandito? "

" Kaninang umaga. " sagot ko.

" Close ba kayo? " naningkit ang mata ko sa tanong niya.

" Hindi. Sinundan niya lamang ako dito. "

" Maaring sinundan ka niya dito dahil ikaw ang huling nakita niya bago siya mawala."

Isang oras na ang nakalipas. Nangalahati narin ang mga kandila. Si Mark ay bumaba para laruin si Gelo. Si Jun naman ay umuwi na, medyo gabi narin kasi.

" Nandito na siya. " si Bea ang nagsalita. Kumunot ako sa sinabi niya.

" Huh? Hindi ko pa siya nakikita. "

" Nandito na siya. " pag uulit niya.

Pinasadahan ko ang buong kwarto, wala naman. Niloloko yata ako nito e!

" Nararamdaman ko siya. " habol niya pa.

Pambihira! Na-scam pa yata ako.

Lumipas ang mga oras. Puro nararamdaman daw niya ito. Imposible naman dahil wala akong nakikitang kung ano.

" You know, what? Nag aaksaya lamang tayo ng oras. Leave. " muka kaming tanga don. Panay ang sabi na naroon daw, pero wala naman.

" Hindi. Totoo yun sinasabi ko." depensya niya.

" No. Ibalik mo yun pera ko. "

May narinig kaming kumaluskos malapit sa pinto. " Sinasabi ko na sayo, totoo ang sinabi ko. Nandito siya. "

Maniniwala na sana ako pero dumating si Mark kasama ang kapatid ko. Aish!

" Kuyaaaaaa. " at yumakap ito sa bewang ko.

" Nagulat ba kayo? Sensya na nag-aya kasi si baby boy sa kwarto. " natatawang si Mark iyon.

Tinitigan ko si Bea. Fake ang isang ito!

" Maaga pa ang klase bukas. Magpapahinga na lamang ako. " sinabi ko sakanila.

Tumungo yun Bea. " May nararamdaman talaga ako. Magtiwala kayo sa akin. "

" Mark, tara. Tulungan mo ako ligpitin itong kalat ng pekeng paranormal especialist na iyan. "

" Ayan oh! Kinikilabutan ako. Tignan niyo yun balahibo ko. " at nilahad niya ang braso.

Tsk! Desperada.

" Tama na Bea. Uwi na tayo. Ihahatid na lang kita. " si Mark ng matapos niya ayusin ang gamit ni Bea.

" No. Sigurado ako sa nararamdaman ko! " giit niya pa.

" Tama na. "

Aish! Paawat ka na, bisto kana e!

Nang makaalis ang dalawa ay napansin ko si Gelo na nakunot ang kilay.

" Hey, big boy." binuhat ko siya. " Ginagawa mo diyan? " at hinalikan.

" K-Kuya, someone's out there!" tinuro niya ang ilalim ng kama ko.

" W-walang tao dito. " boses iyon ni multo.

Aish!

🌺 erlenthegenerous 2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon