chapter five

28 7 0
                                    

( Payton's PoV )

" Humanap ka ng ibang bubulabugin mo. I don't want to see you here again. " masamang titig ang pinukol niya sakin.

Pinapaalis niya ba ako?

Edi sige! Akala naman niya masaya dito sa kwarto niya. Oo, malinis nga! Pero boring naman!

Binuksan ko dahan-dahan ang pinto ng kwarto niya at dahan dahan rin na naglakad sa hagdan.

Nasa baba pala sila at gumagawa ng project! Tsk, sirain ko iyan e!

" Ano yon? " si Mark, nung nabangga ko ang vase malapit sa dulo ng hagdan.

Walanjo! Hindi ko napansin yon. Mabilis naman na lumipad ang tingin ni Dylan sa pwesto ko.

Nakupo! Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila.

" Creepy ng bahay niyo dude! " si Mark ulit. Habang nililinis ni Dylan yun base na nabasag ko.

" Lakas maka-horror. " dagdag pa nung lalaki na tinawag kanina ni Dylan. Jun yata yun name?

" Kung mayroon ba. Paano magpaalis? " si Dylan.

Tsk, muntanga naman ang mga ito! Maka-alis na nga dito.

Krrruuuk.

Hays! Nakakaramdam nanaman ako ng gutom.

Seriously? Kakain ko lang a?

Naghanap na muna ako ng makakainan.

Di naman kalayuan ay may convenience store doon. Mukang walang masyadong tao doon!

Kumuha ako ng mga pagkain na gusto ko. Tempura, pocky, slice cake, sandwiches, saka mga inumin.

Halos hindi ko ito mabuhat sa dami ng kinuha ko.

Teka nga makapag-request ng basket!

Malapit na ako makarating sa counter ng maalala kong wala nga pala akong pera.

Hays. Naku naman!

Tumingin ako sa paligid.

May CCTV pala!

Ibinalik ko ang mga pagkain at mabilis kong itinago ang isang sandwich sa damit ko.

Hindi naman siguro mahahalata ni kuyang guard, diba? Saka mukang tulog naman yung nasa counter eh!

Muli ay tinignan ko ang nasa counter.

Busy na siya sa kakacellphone.

Tamang tama!

" HAY ANO BA YAN! HINDI KO MAHANAP ANG BIBILIN KO. " parinig ko dito at dumiretso sa exit.

Hindi pa ako nakakalayo ay tumunog ang alarm! Nanlaki rin ang mga mata ni kuyang guard at ni ate na nasa counter.

Putek naman oh!

Sa takot ko ay nabitawan ko ang sandwich. Waah! Sayang naman iyon!

Tumakbo ako ng mabilis palayo. Hindi rin naman ako sinundan pa ng mga ito.

Pagod at hingal na hingal akong tumigil sa isang malaking bahay.

Psh, bahay ito ng kuripot na madamot na masungit na Dylan na iyon e!

Hindi na ako babalik ulit dyan. Kahit mamatay pa ako sa gutom!

Teka! Bakit ba kasi nagpapakahirap pa ako? Bakit di na lang ako umuwi sa amin?

Waah! Oo nga, Tama!

Lalakarin ko na lamang iyon!

Pero.

Pero teka.

Saan nga ba ang bahay ko?

🌺 erlenthegenerous 2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon