chapter twenty one

21 4 1
                                    

( Arthuro's PoV )

Gumuhit ang sakit sa puso ko. Dito ako dati nakatira, ito ang bahay ko!

Sila ang pamilya ko.

Hindi aksidente ang pagkadating ko dito kundi ito ang plano ng Panginoon!

" Patawad. " iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.

Tinalikuran ako ni Dylan at sinundan siya ni Cynthia.

" Arthuro, kaya kong maging isang mabuting asawa at ama sa mag-ina mong naiwan. Hindi mo na kailangan alalahanin pa sila. Makapagpapahinga ka na ng matiwasay, at makakaasa ka sa akin.  " naiwan si Menandro at ako sa lumang garahe na iyon.

Hindi ito ang gusto ko!

" Hindi ako matatahimik lalo pa at alam ko na galit sa akin ang  anak ko,  Menandro. "

Hindi niya ako sinagot. Umalis siya at sinundan ang mag-ina ko. Mula sa malayo, nakita ko ang isang matibay at buong pamilya.

Ang dating pamilyang  ako mismo ang bumuo.

" K-Kuyang multo, hayaan muna natin si Dylan. Ngayon niya lang kasi nalaman ang tungkol doon. Marahil ay naguguluhan pa siya. " at niyakap ako ni Payton.

Naramdaman kong gumaan ang  pakiramdam ko dahil sa pagyakap na iyon. Paano pa kaya kung ang tunay kong anak ang gumawa non? 

Nung gabi na iyon, inaya ko si Payton na pumunta sa puntod ko.

' Arthuro Galves ' Born: January 1, 1972 ; Died: June 7, 2009

" Mahal na mahal ko sila. " panimula ko.

" Alam ko kuyang multo. " umupo siya sa tabi ko. " At alam kong mahal ka din ni Dylan. Nasasaktan lamang siya. "

Hindi namin naramdaman na nakatulog na pala kami roon.

Kinabukasan, nagising ako. Tirik ang araw at tanging huni ng mga ibon lamang ang naririnig ko.

Tulog pa si Payton sa tabi ko.

" Arthuro. " hinarap ko siya.

" Cynthia? " kasama ang kanyang bagong asawa at kanilang bagong anak.

" M-Mommy, he's the guy I saw in kuya's room the other day. " at tinuro ako nito. 

Mapait akong numiti dito. Ganiyan edad ko rin iniwan si Dylan noon.

Sobrang pinagsisihan ko ang araw na iyon.

Sa hindi kalayuan ay may humintong kotse.  Nag-init ang puso ko sa pigura ng lalaki na lumabas roon.

May dala siyang mga bulaklak.

Nilapitan niya ako.  " Pasensya na. " umiiyak ang anak ko!   " Papa. "

Naramdaman ko ang mainit na tubig na namumuo sa mata ko. " Anak ko. "

" Sorry, papa. Hindi kita nakilala agad. Sorry  because i forgot  all the good memories we had. Sorry for just remembering you as the  clown who almost killed his son, and frustratedly ended his own life instead.  Sorry papa. "   at sinubukan niya ako yakapin pero tumagos lamang.

Gustong gusto ko punasan ang mga luhang nahuhulog mula sa mata niya. Gustong gusto kong yakapin ang anak ko. Pero paano?

" I was so grateful sharing my life, love, and parenthood with a good man like you, Arthuro. " lumapit si Cynthia sa akin.  " Pinapatawad na kita, patawarin na natin ang isa't isa, mahal. "

Panginoon. Kahit isang saglit lang, maramdaman ko lang  yakap mula sakanya.

Sobrang liwanang ang bumalot sa amin naroroon.

Nakakasilaw.

Katulad nang unang pangyayari bago ako mapunta sa lugar na ito.  Bago ko pa muna makita ulit ang mga ito!

Hindi!

Wag muna dahil hindi pa ako handa.

Hayaan mo muna mayakap ko kahit isang saglit ang mag-ina ko. 

Pumikit ako.

Panginoon, sinusundo mo na ba ulit ako?

🌺 erlenthegenerous  2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon