chapter eighteen

14 2 0
                                    

( Payton's PoV )

" HINDI AKO TAKOT SA MANIKA, PAYTON! NATATAKOT AKO SA MGA ALAALANG BINABALIK NITO! "  sigaw niya.

Galit na galit siya sakin.  Huhu

" Get out. " mahinahon niyang utos. " Please. "

' NATATAKOT AKO SA MGA ALAALANG BINABALIK NITO! '

' NATATAKOT AKO SA MGA ALAALANG BINABALIK NITO! '

' NATATAKOT AKO SA MGA ALAALANG BINABALIK NITO! '

Hays! Tama na! Bakit ba ayaw mawala sa isip ko ang sinabi ni Dylan?

" Baka naman naalala niya nanaman ang daddy niya dahil doon Cynthia? Hinayaan mo magkalat ang mga manika na iyon.  " tanong nung lalaki. 

Hinalikan nito ang mommy ni Dylan.

" Daddy. " yun cute na kapatid ni Dylan, at yumakap ito sa lalaki.

Eh?

Magkaiba ang daddy nila ni Gelo?

Hala! Ang tsismosa ko naman yata!

" Iyon nga Menandro ang pinagtataka ko. Nasa lumang garahe na ang mga gamit na iyon.  Bakit bigla namn ay nalabas at na—" dumating si Dylan kaya hindi na tinuloy pa ng mommy niya ang sasabihin.

" Dad. " at nagmano ito sa lalaki. " Kailan kapa dumating?"

Tumikhim muna ang lalaki bago sumagot.

" Kanina lang. Tomorrow morning aalis din ako. Your mom told me about what happened. Nag-aalala ako sayo. "

" I'm fine, dad. " sagot niya at  nagsimulang kumain.

" Dinalaw mo na ba siya? " natigil si Dylan sa ginagawa dahil sa tanong ng step dad niya.

" No. " simpleng sagot niya at uminom. " Wala akong balak dalawin siya. " dagdag pa niya.

" It's almost a decade, Dylan. I'm sure pinagsisihan na ng papa mo ang nangyari. "  tinitigan ni Dylan ang stepdad niya sa sinabi.

" Ikaw ang daddy ko. " umiling ang stepdad niya sa sinabi ng anak.

" Dylan, I know. Pero kailangan mo siya patawarin para gumaan ang pakiramdam mo at mawala ang takot mo sa mga manika. "

Tumikhim lang si Dylan at mataman na tinitigan ang stepdad.

" He left. " panimula niya. " Ngayon, ikaw ang nandito dad. Hindi ko siya kailangan. " yun lang ang sinabi niya at umalis.

" Dylan!" hahabulin sana si Dylan ng mommy niya pero pinigilan na ng stepdad niya.  " Let him. Kailangan niya mapag-isa muna, hon. "

Hinabol ko si Dylan.

Tumigil siya sa harap ng isang lumang garahe malapit sa bahay nila.

Dito ko kinuha ang mga clown!

" Ano nanaman bang kailangan mo? Sinabi ko na sayo. Tutulungan ko kayo. For now, just . . . stay away from me. " nakatalikod siya sakin.

" Narinig ko ang lahat Dylan. Sorry, dahil ba sa mga manika kaya naalala mo ang totoong tatay mo? " hinarap ko siya at tinitigan ko ng puno ng sinseridad ang mga mata niya.

Shemay! Kinikilig ako pero hindi iyon ang tamang oras para doon!

Tahimik at hinayaan niya lamang ako sa ginawa ko. 

Kulay tsokolate lamang ang kulay ng mata niya, pero nang titigan ko ito ay maraming kulay ang nakita ko, maraming mapait na alaala ang nabasa ko.

Huminga ako ng malalim.

" Kung may sasabihin ka sabihin mo. "  at tinanggal niya ang kamay ko,  na nakahawa sa mukha niya.   " Hindi iyon may pahawak hawak kapa. "

Eh?

Waah! Sweet na ng scene, sinira niya pa! Tsk.

Tinalikuran niya ako at binuksan ang entrada ng lumang garahe.

Nagulat kami pareho ni Dylan ng makita namin sa loob non si kuyang multo na nag-iisa at sinusubukang buksan ang isang lumang photo album, ngunit tumagos lamang ito.

" You, old ghost. What are you doing here? " si Dylan.

Mabilis akong humarang sa dadaanan ni Dylan.  " Tito Arthuro, bakit naman kasi nandito kayo? " takhang tanong ko dito.

Waah! Baka naman kasi anong gawin ni Dylan kay kuyang multo, nag-enjoy lang naman yata tignan ang mga gamit don, eh.

🌺 erlenthegenerous  2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon