chapter fourteen

14 3 0
                                    

( Dylan's PoV )

" Anak mabuti nandito kana." hawak ni mommy si Gelo.

Halatang nagising ang kapatid ko mula sa isang masarap na tulog.

" Anong problema, ma? "  tinuro ni mama ang kwarto ko.

Napakunot ako sa ginawa ni mama.

" D-dalawang mug ng kape ang lumulutang kanina papunta sa kwarto mo, anak! " histeryang kwento ni mama.

What!

" Ma, baka namalikmata ka lang? "

That stupid ghost! Ano nanaman ba itong kalokohang pinasok niya?

" No, anak! I saw it with my own eyes! Halika. " iginiya ako ni mama sa kitchen. " Here, nakapagluto pa ito! "

Doon nakita ko ang mga pinrito ni multo.

Hotdogs.

Bacon.

Egg.

Pambihira! Bahay niya ba ito?

Aish!

Kinuha niya ang cellphone at may tinawagan.

" Helena! May multo sa bahay namin. Anong gagawin namin! "  si tita lang pala.

Akyat na ako ng hagdan ng magsalita pa si mama.

" Dylan! What are you doing? Sinabi ko na sa iyo na may multo dyan. " pagpapaalala ni mama.

" Magpapalit lang ng damit, ma. " at tinuro ko ang school uniform.

" Bilisan mo rin at kumain kana dito. Your tita Helena is coming. "

Sa inis ko ay padabog kong binuksan ang pinto sa kwarto ko.

" What the fuck is going on here? "

" D-Dylan. " at ngumiti ng pilit.

Hindi lang nag-iisa ang multo doon!

Takte, dalawa pa sila!

Nilingon ko ang dalawang mug ng kape sa ibaba ng sahig.

" Tinimpla ko nga pala itong isa sayo. ". at inabot ni multo sakin ang kape.

Aish! Hindi ko tinanggap kaya ibinalik din niya iyon sa pwesto.

Yumuko at kunwari ay umiiyak ang babaeng multo.

Tsk. Ang drama!

" I told you already. Hindi ka nga welcome dito sa bahay ko, tapos malalaman ko ngayon na nagsama kapa ng isa pang katulad mo. " inis na binalingan ko ang lalaking multo.

Kung dati ay natatakot pa ako sa dalawa, ngayon ay hindi na!

I'm so pissed off right now!

" Pasensya kana Dy—" pinutol ko ang sasabihin ni multo.

" Look, Payton. Tahimik ang buhay ko nung hindi kapa dumarating.  Pinakain na kita, ah? Bakit nandito kapa? " yumuko siya sa sinabi ko.

Aish! Another drama.

" Pasensya na bata. Wag kang maga-"

Tinuro ko ang matandang multo.

" And you! Bakit ka naman nandito? " inis na sabi ko sakanya.

Masama akong tinitigan ni Payton.

" Bakit ang sama ng tingin mo sakin? "  ibang klase papalag pa yata!

" Wala kaming mapupuntahan Dylan. " drama ni Payton.

" Peoblema ba iyon?  Edi umuwi kayo. "

Aish!

" Hindi namin maalala kung saan kami nakatira. " hirit muli ng babaeng multo.

" Problema ko ba iyon? " sinamaan ako ng tingin ni Payton dahil sa sinabi ko.

What the?!

" Saka pwede ba? Humanap kayo ng lugar na gagawin niyong playground. Wag kayo dito sa kwarto ko maglaro. "

Inayos ko ang cover ng bedsheet ko. Iniwan kong maayos ito, dinatnan kong magulo. Sino naman ang hindi maiinis sa ganoong set-up? Aish!

" G-Gusto lang naman namin humingi ng tulong sa iyo. "

Nilapitan ko ang babaeng multo.

" Look, multo. Estudyante lang ako. Wala akong kakayahan para makatulong sa inyo.  At kung meron man, hindi ko parin gagawin iyon.  " itinuro ko ang pinto.  " Makakaalis na kayo. "

Pmbihira!

Tinalikuran ko ang dalawang multo. Malapit na yata ako mabaliw pag nagtagal pa dito ang mga ito.

"

Nahiya siguro yun matandang multo at umalis sa kwarto ko. Natira lamang ang madaldal at nakakairitang babaeng ito.

" Hmp! Grabe ang sama mo! "  naiiyak na sigaw pa ni multo. Tsk!

Hindi ko pinansin siya.

Drama mo!

" Akala ko pa naman kahit kuripot at madamot ka, ay may natitirang kabaitan diyan sa pu—"

" Akala mo lang yon. " muli, itinuro ko ang exit sa kwarto ko. " Now, leave. "

" Please. " Hinawakan nito ang braso ko.

" No. Stay away from me. " Mabilis na hinawi ko ang kamay niya roon.

🌺 erlenthegenerous  2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon