chapter eleven

25 6 0
                                    

" K-Kung totoo yan sinasabi mo. Bakit nakikita ako ni Dylan. Nakakahawak din ako ng mga bagay.Nakakaramdam ng pagkagutom? " , napaisip siya sa sinabi ko.

" Patay kana. Yun lamang ang kailangan mong tanggapin. "

Sunungaling!

" Hindi!"

" Patay kana. "

" Hindi nga sabi! "

Dumilim ang paligid.

Pinatay na nila Dylan yung ilaw nila. Hmp, hindi man lang niya ako naalala!

Napayuko ako.

" Kung ganoon, bakit hindi ko alam kung taga-saan ako? " bulong ko.

" Dahil kamamatay mo lang. " , nasa tabi ko na pala siya.

Hindi na ako lumayo pa.

Hindi na ako nakaramdam ng takot sakanya.

" P-Pero bakit ganon, yun kulay mo, parang mabubura na ang kulay mo? Ako hindi? "

Hindi ko mapigilan yun luha ko.

" Tahan na. Matatanggap mo rin ang lahat. " pag-aalo niya sakin. " Matagal na din kasi akong patay kaya siguro ganito na ang kulay ko. "

" Naalala mo kung saan ka nakatira? " tanong ko dito.

Umiling siya.

Parehas kami!

Kung ganoon patay na nga talaga ako.

" Tulad mo, mula ng mamatay ako ay hindi na ako muli nakabalik pa sa bahay namin, hindi ko na muli nakausap ang anak at asawa ko. " at umiyak siya.

" 20 taon na rin ang lumipas. Malamang ay binata na iyon ngayon. " tukoy niya sa anak niya.

Tumango ako sakanya.

" Eh, paano ka napunta dito? " tanong ko muli.

Umiling-iling siya. Huh?

" Nasa madilim at sobrang tahimik na lugar ako sa mahabang panahon, walang tao, walang kahit na anong gamit sa paligid. Tapos bigla may liwanag, sobrang liwanag, yon ang dahilan para mapapikit ako. Tapos pagmulat ko nandon na ako sa kwarto na iyon. "

Eh? Pwede ba iyon?

" Tingin ko ay isa ako sa mga kaluluwang natawag nila nung hinahanap ka ng mga iyon. "

Eh? Ano daw?

" Hinahanap? " nagtatakang tanong ko.

" Hinahanap ka yata nila noon, gusto ka nilang paalisin ng tuluyan sa bahay. "

Tumango na lamang ako.

" Sabi mo nasa madilim na lugar ka sa mahabang panahon? " tumango siya sakin.  " Kung patay kana bakit hindi kapa tumatawid sa kabilang mundo? Bakit nakakulong ka doon sa lugar na iyon sa mahabang panahon?  "

Ngumiti siya.

Peke iyon.

Naramdaman ko bigla ang bigat na dinadala ni kuyang multo.

" Hindi ako tuluyan makatawid sa kabilang mundo dahil may kailangan pa akong tapusin sa mundong ito. "

" Eh, bakit hindi mo tapusin? " umiling siya sa sinabi ko.

" Hindi ganoon kadali. "

Eh?

" Gusto ko makausap ang mag-ina ko. Gusto ko humingi ng tawad dahil mabilis akong sumuko sa buhay. Gusto kong malaman nila na pinagsisihan ko ang nagawang pagpapatiwakal, pinagsisisihan ko ang pag-iwan sakanila. Gusto ko malaman nila na mahal na mahal ko sila. "  dagdag niya.

For some reason, nawala ang lahat ng takot ko, lahat iyon ay napalitan ng awa.

" Wag ka mag alala, habang hindi ko maalala kung taga saan ako, at saka habang hindi ko pa nakikita ang katawan ko, tutulungan kitang mahanap ang mag-ina mo. " at niyakap ko siya.

Siyempre mabilis din ako kumalas sa yakap ko mula dito. Hehe, siyempre kahit multo na din ako tulad niya, iba pa din siya. Siyempre medyo may amoy na din siya.

" Paano mo ako matutulungan kung ikaw mismo hindi mo alam kung taga-saan ka? " tanong niya.

Hmm? Oo nga noh?

Teka! Waah! Alam ko na!

" Magpapatulong tayo. " ngumiti ako sakanya. " kay Dylan! " dugtong ko.

🌺 erlenthegenerous  2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon