chapter one

27 6 0
                                    

( Payton's PoV )

Nagising ako sa gitna ng kung saan. Wala akong maalala. May naririnig akong pagbagsak ng tubig mula sa talon.

May nagkukumpulang estudyante sa isang lugar malapit sa kinaroroonan ko, may medical team at ambulansya. Anong nangyari?

Natulog lang ako tapos may naaksidente na? Bobo naman non.

Naglakad-lakad ako, siyempre sa malayo. Ayokong makipagsiksikan pa sa kung anong pinagkakaguluhan nila.

Nakuha ang atensyon ko ng isang lalaki na nakahilig sa puno. May itsura ito, nakatitig ito sa akin. Wait! Sakin nga ba? Sa tingin ko ay kaedad ko lamang siya.

O diba ang taray! Basta gwapo kaedad ko kaagad!

Sinubukan kong puntahan ito ngunit naglakad siya palayo. Ano ba yan! Itatanong ko lang namn kung ano ang nangyayari e.

Sungit!

" Sandali lang po. " habol ko dito. Medyo may kabilisan nitong maglakad pero wala iyon sa bilis kong tumakbo.

Player ba siya ng track and field? Psh!

Nakarating kami sa may masukal na bahagi ng gubat.

" May itatanong lang sana ako sayo. Bakit sila nagtitipon don? May ano?" Tanong ko dito.

Hindi ko maintindihan bakit ayaw niyang sagutin, or should I say, bakit nagpapanggap pa itong hindi ako naririnig.

" Huy! " tinapik ko ito.

Nanlamig siya.

Ang weird!

Ah baka, pinalaki siya ng parents niya sa salitang 'never talk to strangers, it's bad! '

Wah! Tama! Baka yon nga ang dahilan.

" Hello! Ako nga pala si Payton! Anong pangalan mo?" Kaya nagpakilala muna ako. Nag-alok pa ako ng kamay dito.

Kakaiba naman tong lalaking ito. May attitude problem siguro 'to! Hindi niya ako tinignan. Hindi din siya sumagot. Eh?

Tinapik ko ulit ito. " Uy, pipe ka ba?" maagap kong tanong dito. Nag sign language din ako dito.

Baka deaf-mute siya?

" Hindi ka totoo. Wala akong nakikita. Kainis!" Bulong nito sa sarili at pumikit. Eh?

Tinapakan ko ang paa nito. Napadaing naman siya sa sakit.

" Ano? Hindi mo pa ako nakikita? Wala ka pang naririnig? "

Nag bago ang ekspresyon niya at tumalim ang titig sakin. Bakit galit siya?

Akala ko ay susugurin niya ako. Tatakbo na sana ako!

Pero . . .

" Lumayo ka nga sakin! " takot na sabi niya.

Humagalpak ako sa tawa sa sinabi niya. Ano ako multo? Psh. 

" Awoooh! Minumulto kita!" Pang-asar ko pa dito.

Parang ewan naman na tumakbo ito papunta sa pinanggalingan namin kanina.

Hays! May tam rin yata sa utak. Hindi lang  pala attitude problem ang problema nitong isang 'to!

Imbis na hanapin pa ito, ay nakiusyoso na lamang ako sa mga estudyante at sa pinagkakaguluhan nila.

" Oy, Cristina. Anong meron?" Nilagpasan lamang ako nito.

Hmp! Alam kong hindi tayo close pero, di namn kita ni-snoob noon, ah?

Mugto ang mata ng mga ito. Anong meron? audition sa Star Magic?

" Teka Dino, may itatanong sana ako-" nilagpasan din ako nito. Bakit ba ang snob ng mga tao ngayon?

Kung ayaw niyang sabihin, di wag! Ako mismo ang aalam! Pero tandaan niyo yan. Wala ng kokopya sakin sa exam, tandaan niyo yan!

Pilit kong isiniksik ang sarili sa grupo ng mga estudyante, nang may humila sa braso ko. Eh?

" Wala ka talgang natatandaan?" yung gwapong deaf-mute!

Wah! Hindi na nga pala siya deaf-mute.

" Ano ba kasing nangyari?" tanong ko pabalik dito.

Hinila niya ako palayo.

" Aish. Wala. Bahala ka na nga. Aalis na lang ako. " at saka tumalikod.

Tingnan mo 'tong isang 'to! Hinila pa ko wala namn palang kwenta ang sasabihin.

Tinignan ko yun pinagkakaguluhan nila. Madami ng nagkumpulan pa roon. Paano ako muling sisingit?

May iba akong nararamdaman e. Iba talaga!

Hindi ko maexplain.

Hanggang sa narinig ko ang malakas na tunog kung saan nayanig ang buong pagkatao ko.

Krrrruuuuk.

Ah! Oo nga tama, tama. Kumakalam na ang tiyan ko. Nagugutom na ako!

Sinundan ko yung lalaking may sayad. Yayamanin ang itsura, baka may pagkain ito. Manghihingi ako! Hehe.

🌺 erlenthegenerous 2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon