chapter ten

26 5 0
                                    

( Payton's PoV )

" Pst. " hindi ko siya nilingon.

" Pst." hindi ko muli pinansin.

" Alam ko naririnig mo ako. " muling tawag niya.

Hindi ko parin siya pinansin. Lumabas ako ng bahay para hindi na muli gambalain ng multong iyon.

Grabe! Hindi niya ba alam na nakakatakot siya?

Hays, gutom na ako.

Nandito ko sa garden nila Dylan ngayon. Kumakain na sila at mukang wala akong plano isabay sa hapunan nung lalaking iyon!

Kahit kailan saksakan talaga  ng kuripot yung Dylan na iyon!

Yon ang ikamamatay ng isang iyon!

Napakadamot niya!

Pero . . .

Teka, maiba lang muna.

Bakit kaya ganon?

Yung batang lalaki nakikita niya si kuyang multo, pero bakit ako na tao, ay hindi niya napapansin?

Maliban kay Dylan, walang iba pa na nakakakita sakin!

Hmm?

Grabe! Wag nila sabihin deadma lang sila sa beauty ko?

Hmp!

Weird!

" Waaaaaaah! Lumayo ka sakin! "

Leche si kuyang multo nakakatakot!

Paano ba naman sobrang lapit ng mukha niya sa akin ngayon!

Lumayo ako sakanya. 

San ba siya galing?  Kanina lamang ay nandoon siya loob, ah?

Tsk. Bigla na lang nag-aapear kung saan-saan.

" Bakit ayaw mo ako pansinin? " muli, ay tumabi pa siya sakin.

Mabilis na lumayo ako sakanya, tsk! Nakakatakot kaya siya! Hindi niya ba alam iyon!

Tinawanan niya lamang ako. 

eh?

" B-Bakit ka tumatawa?" kunwari ay hindi ako natatakot sakanya.

" Natatakot ka kasi sakin. " muli ay tumawa nanaman siya.

Malamang! Multo ka kaya!

" Hindi mo pa alam? " tanong niya ulit.

Huh?

" A-Anong hindi ko alam? Na multo ka? S-Syempre alam ko!  " natatakot ako dito.

Tsk, siyempre alam ko! Kaya nga takot ako sakanya ngayon, eh!

Hina naman ng utak ni kuyang multo!

" Pambihira! Kung tutuusin pareho lang naman tayo, ah? Bakit ka pa natatakot?

" A-Anong pareho tayo? " naguguluhan kong tanong dito. " Waaaaah! Lumayo ka sabi eh! " 

Tumawa nanaman siya!

" Ibang klase! Sa tingin mo, bakit walang pumapansin sayo kundi yun binatang lalaki? "

Hmmm, oo nga noh? Bakit nga ba?

" E-Ewan ko. " sagot ko.

" Kaano-ano mo ba sila? "

" Wala, hindi ko sila kilala. " muli, ay ngumisi nanaman siya.

" Eh, bakit ka nandito?" pagtataka niya.

Chismoso naman yata ni kuyang multo? News caster siguro ang trabaho niya nung buhay pa siya? O di kaya naman ay PRO siya nung elem siya?

" H-Hindi ko din alam. " yumuko ako, " K-Kanina gusto ko ng umuwi sa amin pero hindi ko na maalala kung taga-saan nga ba ako. "

Tumikhim siya.

" May dahilan kung bakit hindi ka makauwi sa inyo, may dahilan kung bakit hindi mo pa makita ang katawan mo. " nanlaki ang mata ko sakanya.

Ano daw?

Anong katawan ang sinasabi ni kuyang multo?

" A-Ano bang sinasabi mo? Anong katawan ko? " at tumingin ako sa sarili.

Ngumiti ito ng mapait. Hindi ko sure kung naawa ba siya o ewan.

" Hindi mo paba alam na patay kana?"

Nanlaki ang mga mata ko dito.

Nanlamig ang mga kamay ko. Well, malamig na pala talaga iyon kanina pa.

Mabilis na lumandas ang kamay ko sa aking bibig.

What?! No way!

" Nababaliw kana kuyang multo! Hindi pa ako patay. Bawiin mo yun sinabi mo, bawiin mo!"

" Hindi ko babawiin. "

Hmp!

" Bakit naman ako mamatay? Eh, kanina nga lang nagising ako, kasama ko pa nga yun kaibigan ko, nagpunta kami sa talon tapos nahulog ako sa tubig, tapos . . .. tapos. "

OH MY GOD!

Hindi ito totoo! Hindi!

" Tapos namatay ka. " dugtong ng lalaking multo.

Hindi ito maari! Hindi pwede!

Nagsisinungaling siya!

Nasaan ba ang exit?! Aalis na ako dito.

Kailangan ko na umuwi sa amin! Naghahanap na sila mama sa akin!

Paalis na ako ng hinila ako ni kuyang multo.

" Huwag ka umiyak. " sabi nito sa akin.

Leche, naiiyak ako!

Pinahid ko ang mga luha ko, hindi ito totoo.

" Hindi pa ako patay! Sino ka para sabihin sakin yan! " inis na sabi ko.

Lumayo siya sa akin.

" H-Hindi ako nahulog, hindi ako inanod ng tubig. Hindi ako nalunod! At hindi ako namatay! " i lied.

Hindi ito totoo!

Panaginip na lang sana lahat ng ito! 

🌺 erlenthegenerous 2019

Stay Away From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon