LAUREN POV
Nakita ko ang pagdating ng kotse ni Levi na pumarada na sa garahe nila kaya agad akong tumayo at nagpunta sa gilid ng balcony
"Levi!" Sigaw ko para marinig nya. Magkatabi lang kasi ang bahay namin at sabay na kaming lumaking dalawa. Leviston is the same age as me that's why we clicked and became bestfriends.
Yun ang tingin nya sa akin pero ako ay may pagsintang purorot sa kanya mula pa ng natuto akong mag ayos dalaga na kung pagbabasehan sa edad kong dalawaput apat ay sobrang tagal na ng pagsintang purorot ko. Sino bang hindi magkakagusto kay Levi? Napakagwapo nya at lagi pang may handang ngiti sa labi na nagpapalabas ng charming na dimples nya.
"Oh Ren, bat gising ka pa?" Sigaw din nito sa akin
"San ka ba galing bat ginabi ka na?" Balik tanong ko sa kanya ng mapansin na hindi sya nag iisa at bumaba mula sa passenger seat ang pinsan nitong si Heath. Napasimangot ako ng makita si Heath, bad influence kasi ito kay Levi, panigurado inaya nanaman nito ang pinsan nya para mambabae.
Nagtama ang mata namin ni Heath kaya inirapan ko sya, rinig ko ang mahina nyang pagtawa.
"Napainom lang kami ni Heath. Matulog ka na Ren." Aniya sa akin.
"Levi, may itatanong sana ko sayo eh. Wait, bababa lang ako." Aniko at nagtatakbo na pababa.
Pagkababa ko ay kumapit agad ako sa braso ni Levi, alam ko nananantsing ako pero di ko mapigilan ang sarili ko, talagang patay na patay ako sa lalaking ito. Inamoy ko pa ang leeg nya kung amoy babae na ikinatawa naman ni Levi at napailing sya, alam kasi nyang ginagawa ko un sa kanya pag lumalabas syang kasama ni Heath, excuse ko lang na kunwari ay may kailangan ako.
Nakita kong nauna ng pumasok si Heath, mukhang makikitulog nanaman sya dito kila Levi.
"Ano pasado ba? Sabi ko naman sayo uminom lang kami." Nakangiting sabi ni Levi
"Wag ka na ngang nagsasasama sa pinsan mong yun. Mahawa ka pa ng pagiging palikero nun eh. Tsaka alam mo namang puro gulo lang ang dala nun!"
"Ren, he's my cousin. I cant turn him down, nag aya sya eh."
"Hmp! Bakit ba kasi dito yan lagi nakikitulog?! May sarili naman yang condo ah." Nakabusangot kong reklamo
"Dont tell me tatabi ka nanaman sakin para lang bantayan nanaman ako?! Ren, hindi na kami lalabas pa. Lasing na nga kami eh."
Napangiti ako sa isiping iyon. Lagi kasi ako makitulog kila Levi pag nariyan si Heath, ayaw ko kasing isasama nya sa kalokohan nya si Levi kaya binabantayan ko sya.
"Pwede? Sige na, tabi tayo matulog?"
"Ren naman, sinabi ko na sayo na di na tayo mga bata para magtabi pa matulog. Dati pwede pa pero malaki na tayo ngayon. Isa pa, baka pag ganyan ka ng ganyan magalit na sila tita sken, isipin pa nila anong ginagawa ko sayo!" Nagkakamot sa ulo na reklamo nito. Ganon kasi kami kaclose nung mga bata pa kami na halos hindi na kami mapaghiwalay kahit pagtulog.
"Hmp! May tiwala sayo si mommy noh! Hindi ka nila pag iisipan ng ganyan. Tara na!" Sabi ko sabay hatak sa kamay nya papasok ng bahay nila.
Nadaanan pa namin si Heath sa may couch at na nakaupo.
Heath Lagdameo. Isang pulis patola, ang pulis na dapat eh kinukulong ang sarili sa dami ng kalokohan. Di ako magtataka kung sya pa ang maturong mastermind balang araw. Noon pa man ay di ko na sya gusto. Naiinis ako sa kanya simula pa ng umuwi sya galing US at ipakilala sya sa akin ni Levi seven years ago. Masyadong liberated, maloko, presko, mayabang at babaero. Naiinis ako pag ngumingisi sya sa akin na tipong gusto kong burahin ang pagmumukha nya gaya ngayon, may naglalarong ngisi muli sa labi nya. Hinatak kong muli si Levi at dumeretso na kami sa hagdan.
"Heath, okay ka lang ba dyan?" Ani Levi bago kami tuluyang makaakyat
"Yeah, I'll be fine. Aakyat din ako mayamaya." Aniya habang nakatitig sa akin. Inirapan ko syang muli at dumeretso na kami sa kwarto ni Levi. Ang guestroom kasi na katapat ng kwarto ni Levi ang syang tinutulugan ni Heath kapag dito ito nakikitulog.
Pagkapasok na pagkapasok ay dumeretso na ako sa kaliwang bahagi ng kama. I know Levi sleeps on the right side.
"Ren, matulog ka na. Dito na lang ako sa couch matutulog ngayon."
"What? Nonsense! Tabi na tayo." Nagtatakang sagot ko
"Ren, just do as I say. Nakainom ako." Matigas na sagot nito at nag umpisa na syang humiga sa couch.
"Gusto mo bang punasan kita Levi?" Pagprisinta ko and I heard him moaned as if he is in pain.
Please say yes!
"No Ren. Go to sleep now." Matigas na sabi nito
"Goodnight Levi." Aniko na lang at humiga na sa kama nya
"Goodnight Ren." Anito at tumalikod sya sa akin.
Hay... if only makikita ako ni Levi bilang kaakit akit na babae at hindi bilang bestfriend lang nya..
Wala namang mali sa akin, in fact everyone is praising how beautiful I am. I even modeled for beauty ad campaign. I join and won a lot of school pageant. I was hailed as a fresh face in social magazines. But here I am, trying to win a man who thinks of me as his little sister.
Pathetic, I know!
Such a shitty thing to do but I just cant seem to stop.
BINABASA MO ANG
Hating Heath (COMPLETED)
General FictionI hate everything about him I hate his arrogance I hate his smirk I hate his presence I hate his gut I hate his confidence I hate his existence oh how I hate heath!