15 Possessive

42.1K 919 10
                                    

LAUREN POV

At dahil di ko mapagkatiwalaan ang sarili ko when it comes to Heath, sinabi ko kay Levi na sa kwarto nya ako matutulog ngayong gabi na ikinasama ng tingin ni Heath sa akin.

Pagkatapos naming manood ay inaya ko na si Levi na matulog at wala naman itong nagawa ng hatakin ko na sya. Nagpating anod na lang ito at nagpaalam kay Heath na tinanguan lang ng huli.

Maaga akong nagising at nagsesepilyo na sa banyo ni Levi ng marinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto. At yes, may toiletries na ako sa bathroom ni Levi. Kabadong tinapos ko kaagad ang pagtotoothbrush at paglabas ko ay nakita ko si Heath at Levi na nag uusap. Kabadong lumapit ako sa kanila.

"Sige pinsan, papayag yun." Ani Levi kay Heath habang papalapit ako, bumaling sya sa akin ng mapansin nyang nasa tabi na nya ako. Kabadong napatingin ako sa mata ni Levi, pilit binabasa kung alam na nya at kung sinabi ni Heath ang lahat.

"Ren, may kailangan daw si Heath sa'yo. Kung pwede mo daw sya samahan ngayon na pumili ng ireregalo sa nililigawan nya." Ani Levi na sandaling napahinga ako ng maluwag pero ikinasimangot ko din ng maintindihan ang gusto ni Heath.

Ang lagay ba nilalandi ako ng Heath na to tas may nililigawan palang iba?!

"Busy ako eh. Sa iba ka na lang magpasama." Asar talong ani ko kay Heath at tinaliman ito ng tingin. He looks serious and his eyes looks deadly.

Letseng manyak to! Basted-in ka sana ng nililigawan mo!

"Ren, samahan mo na tong si Heath, himala nga na manliligaw yan! Samahan mo na ha? Kailangan nya ang opinyon ng babaeng kagaya mo." Ani Levi sa akin at inakbayan pa ako at malapad na nginitian, napangiti din ako sa kanya.

Grabe! Ang gwapo talaga ng Levi ko! Lalo na pag nakangiti!

"Let's go!" Ani Heath at hinawakan ang kamay ko at hinatak ako palabas. Halos mapatakbo na ako wag lang masubsob sa bilis ng lakad ni Heath.

"Ingat kayo!" Rinig ko pang sigaw ni Levi

"Sandali naman! Aray!" Aniko ng biglang tumigil si Heath na muntikan na akong madapa kung di lang hawak ako ni Heath.

"The next time you sleep in Levi's room. He will know everything about us Lauren. I wont allow that to happen again! Heed my warning love. Are we clear?"  Madiing anito na ikinasinghap ko. His eyes are so furious malayong malayo sa playful look nya noon kaya napatango na lang ako.

"Good. Now get in the car." Anito at iniwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Umikot na sya at binuksan ang pinto ng driver's seat.

"What are you waiting for? Get in!" Anito na animoy atat ng makaalis. Hindi ko alam bakit ako sumusunod sa lalaki pero napasakay na din ako ng kotse nya.

"Saan ba tayo pupunta? Akala ko ba hahanap tayo ng regalo sa liligawan mo bat ang layo na ng binabyahe naten?!" Aniko kay Heath ng mapansing halos isang oras na kami sa daan. May nadadaanan na nga kaming mga Malls pero hindi humihinto si Heath.

"Ano ba sa tingin mo ang magandang iregalo?" Anito habang nakangiti. Mukhang malamig na ang ulo nya at nakangisi ng muli. Samantalang ako naman ang naiinis sa pinag uusapan namin ngayon.

"Sa tingin ko kahit na anong ireregalo mo dyan sa malas na nililigawan mo ay hindi ka pa din nun magugustuhan kaya wag ka ng magregalo!" Inis na aniko na ikinatawa naman ni Heath

"Sa palagay mo?! Bakit naman? Ano bang hindi ka gusto gusto sa akin? Gwapo, mayaman, macho, magaling sa kama at alam mo yun!" Anito at humagalpak ng tawa ng nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Yabang ng hayop na ito!

"Idagdag mo din ang presko, manyak, mayabang at babaero!" Aniko sa kanya na ikinailing naman ng lalaki.

"Love, hindi ako babaero. Mali lang ang pagkakakilala mo sa akin. Habulin lang ako ng babae. Ang totoo nga nyan ikaw lang ang babae ko." Anito na ikinaismid ko sa kanya.

"Hoy Heath! Hindi mo ako babae! At kailan man hindi mo ako magiging babae! Bwisit na to!" Iritang ani ko sa lalaki na nagtatawa lang sa asar kong mukha.

"Just you wait Lauren love, pasasaan ba at hahabol habulin mo ako at sakin ka pa rin babagsak!" Anito sabay kindat sa akin na ikinairap ko.

"You wish! Hindi kita hahabulin! Ipapaputol ko ang paa ko pag nagkaganon!" Iritang sagot ko na ikinatawa naman ni Heath.

"Baby, wag kang magsalita ng tapos. Baka nga paghinahabol mo na ako, ako naman ang magtatago sayo." Anito na ikinairap ko naman.

"Galingan mo na lang sa pagtatago para hindi na kita makita kahit kelan!" Sagot ko na naman

Tumawa ng malakas si Heath sa sinabi ko at pinukpok pa ang manibela. I rolled my eyeballs at him as he took a quick glance at me.

"Binabawi ko na baby, hinding hindi kita kayang taguan. At kahit yata ikaw ang magtago, susundan at susundan pa din kita kahit saan ka pa magpunta. Baliw na baliw ako sayo eh!" Anito na ikinairap ko lang.

Shesh! Galing talaga mambola ng mokong na ito! Wag ako uy!

"Ganyan ba ang may nililigawan?! Hindi ka pa nga nanliligaw dun sa babae pero nambabae ka na! At wag mong ginagamit sa akin ang mga linya mo sa iba ha! Di ako tinatablan nyan!" Aniko dito na tinawanan lang ni Heath at hindi na sumagot. Inis ding nanahimik na lang ako.  Bawat sinasabi kasi ng lalaki ay kung hindi kabastusan o kalokohan ay kayabangan naman. Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Ayoko na kasing makita ang nakakainis na ngisi ng lalaki sa kaliwa ko.

Sana lang matapos na ang araw na ito! Umagang umaga pa lang sira na ang araw ko!

Hating Heath (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon