22 Possessive2

38.9K 1K 11
                                    

LAUREN POV

"Bakit sinama mo ko dito, diba magbibihis ka?! Anong gusto mo may audience ka pa?!" Aniko kay Heath habang pasalampak na umupo ako sa kama. I heard him chuckled and pull his police uniform from his closet.

Walang sabi sabi at naghubad sya sa harapan ko. Napaigtad ako ng makitang naka brief na lang ito.

"Ay hubad!" Nagulat na aniko Napatakip ako ng mata habang narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Heath.

"You act as if you havent seen it before." Anito sa mapaglarong tono nya.

Pinikit ko lang ang mata ko habang hinihintay ang pagbibihis nya. I've seen men in briefs before, I'm in a modeling business for pete's sake! Pero iba talaga ang epekto non sa akin pag si Heath na ang nakahubad. Nakikiliti ang pakiramdam ko. Nakakakaba.

"Kahit na noh! Hindi ka na talaga nagbago, bastos ka pa din! Iba pa din ung bigla bigla ka na lang maghuhubad!" Aniko habang nagtatawa pa din si Heath sa akin.

"Gusto mo kasi lagi may foreplay pa eh!" Anito sabay tawa ng malakas na ikinangiwi ko.

"Wag mo nga ako pinaglololoko!" Aniko na kahit nakapikit ay pakiramdam ko ang pang iinit ng pisngi ko.

"Ayokong iwan ka kay Anton. Baka titigan ka at pormahan! Ayokong may tumititig at pumoporma sayong ibang lalaki." Anito na ikinasinghap ko

Aist...ano bang pinagsasasabi ni Heath! Di ba nya alam na modelo ko?! At marami ang nakatitig sa akin?!

"Tapos na." Bulong nito sa tenga ko. Pagbukas ko ng mata ko ay nakalapit na pala sya at ngayon ay nakayuko sa akin. He smiled at me and gave me a peck on the lips which made me blushed profusely. He held my hand and help me to get up.

Hand in hand we left his room. At hawak kamay din kami hanggang sa paglabas. Sumakay kami sa likod ng police car habang nagdadrive naman si Anton.

"May naka-sched ka bang photoshoot ngayon sa planner mo?" Anito na ikinagulat ko. Meron kasi akong planner. Old school, I know, pero mahilig kasi akong magsulat.

"How did you know I have a planner?! Binasa mo ba ang planner ko?!" Naeeskandalong aniko na ikinangiwi naman ni Heath. Animoy nadulas lang sya. Sandaling nataranta at aaminin ko, ang cute nya tignan pag natataranta sya. Napapangiwi sya at ang mata nya ay kung saan saan tumitingin.

"Look love, nakita ko kasing nakabukas yun ng iwan ko ung regalo ko sayo. Di ko naman sinasadyang matignan okay?" Anito sa mahinang boses.

"Ah kaya pala alam mo kahapon ang photoshoot ko?! Hindi mo pa pala sinasadya yun eh nabasa mo na!" Puna ko sa kanya na ikinapula nya.

Ugh! Bakit ba ang gwapo nya pag namumula sya.

"Namumula ka nanaman!" Aniko at napatawa. Narinig ko ang malakas na tawa ng partner nya na nagdadrive.

"Naku, sa loob ng halos tatlong taon kong partner yan ngayon lang yan may sinabing girfriend. Ang mga babae lang naghahabol dyan, kaya panigurado patay na patay yan sayo at alam lahat ng kilos mo." Singit ni Anton na lalong ikinapula ni Heath.

"Shut up dude!" Anito na ikinatawa lang ni Anton

Tinignan ko si Heath. At sa unang pagkakataon ay tinignan ko sya at kinilatis ng mabuti.

Pwede kayang mali ang pagkakakilala ko sa kanya?

Can he really be inlove with me?! Yun lang kasi ang explanation sa lahat ng kinikilos nito.

Hindi na ako kinausap pang muli ni Heath. Mukhang nahiya sya sa pagkabuko ko at ni Anton sa kanya.

Hinatid nya ako hanggang pinto ng bahay ko. At ng papasok na ako ay pinigilan nya ang braso ko. Mabilis na hinalikan nya ako sa labi.

"Ingat ka dito ha. Mamimiss kita." Anito, mabilis din syang umalis at naiwan akong tulala sa mga sinabi nya habang walang tigil sa pagkabog ang puso ko.

Oh shit! Kinikilig ba ako?!

Hating Heath (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon