LAUREN POV
I was posing for a bikini brand when a commotion of the staff crew caught my eye. Hindi ko masyadong maaninaw dahil nasisilaw ako sa mga ilaw na nakatapat sa akin.
Anong pinagkakaguluhan ng mga yun?!
"Okay Lauren, last shot!" Sigaw ng photographer kaya nagpose akong muli.
Pagkatapos ay agad akong inabutan ng assistant ng bathrobe at tubig. Isinuot ko iyon at uminom ng tubig, lumakad na ako papunta sa dressing room ng may mahagip ang mata ko. Napaatras ako at nakita ko si Heath na pinagkakaguluhan ng mga crew. Naka-police uniform pa ito at nakatitig sya akin, he smiled when he saw me looking which cause my heart to beat out of my chest again.
Oh Lord! Tsss...bakit ba mas gumwapo ata ang manyak na to!
Nakasimangot na nilapitan ko sya. Halos lahat ng crew na babae ay nagpapacute sa kanya na ikinairita ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ko kay Heath. Ramdam ko ang matatalim na titig sa akin ng crew. Marahil dahil tinatarayan ko ang pinagkakaguluhan nila.
"Sinunsundo kita. Tapos ka na ba love?" Mahinahon namang anito na ikinasinghap lahat ng crew pati na din ako.
Pinanlakihan ko ng mata si Heath, animoy nagwa-warning ang mata ko na tumigil sya.
"Ah... Guys, Nagbibiro lang yan... Lahat ng babae ganyan ang tawag nya. Hindi ko sya boyfriend." Tarantang paliwanag ko sa crew na animoy nanonood pa sa amin at pabaling baling ang ulo sa aming dalawa. Mahirap na baka matsismis pa ako.
"Masyado ka namang defensive love, napaghahalata ka. Tara ng umuwi." Anito na nagtatawa pa. Hinatak nya ang kamay ko ng panlakihan ko uli sya ng mata.
"Ano ka ba Heath! Wag mo nga akong ginagamitan ng tawag mo lalo na pag may nakakarinig. Baka isipin boyfriend pa kita. Tsaka hindi mo ba nakikita ang suot ko?! Magpapalit pa ako sa dressing room!" Inis na ani ko kay Heath habang tinatanggal ang pagkakahawak ng kamay namin. Napahinto naman sa paglalakad si Heath at tinignan ang suot ko.
"San ba ang dressing room? Sasamahan na kita." Anito na ikinairap ko.
"Okay ka lang!? Anong gusto mo magpalit ako ng damit sa harapan mo?!" Sarkastikong aniko na muling ikinatawa ni Heath
"Love, pag naghubad ka sa harap ko. Hindi ka na makakapagbihis ulit." Mahinang anito sa malapit sa tenga ko sabay kindat na sanhi para mamula ako.
"Bastos!" Mahina pero madiing aniko sa kanya. Ngumisi lang ang lalaki at binitawan na ang kamay ko.
"Sige na. Magbihis ka na bago pa magbago isip ko at ako na mismo maghubad sayo. I'll wait for you here." Anito sa akin at humalukipkip. Sinamaan ko lang sya ng tingin na sinagot lang nya ng kindat.
Agad ko din syang tinalikuran at tinungo ang dressing room. Pinalitan ko lang ng panloob pagkatapos ay crop top shirt at high waisted denim shorts ang bikini na suot ko kanina pagkatapos ay lumabas na. Nakita ko na pinalilibutan nanaman si Heath ng mga babaeng crew at umiinom pa ito ng juice na marahil ay inalok dito. Napaikot ang itim ng mata ko sa nakikitang tagpo at naglakad papunta sa lalaki. Inilapag nito ang baso ng juice ng makita ako at animoy nagpaalam sa mga kababaihan. Naghagikgikan ang mga iyon at pagkatapos ay sinalubong na ako ni Heath.
"Let's go?" Anito at muling pinagsalikop ang kamay namin. Hinayaan ko na lang sya dahil di ko na din naman sya mapipigilan. Nagpating anod na lang ako ng hatakin nya ako palabas.
Sumakay na kami ng kotse nya at nagbabyahe ng mapansin kong iba ang daan na tinutungo namin.
"Heath, s-saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi." Aniko s kanya. Sinulyapan muna nya ako bago sya sumagot.
"Kakain lang muna tayo. Second date." Anito na ikinairap ko.
"We're not dating Heath. Tigilan mo ang pagsasabing date ito!" Inis na aniko na ikinakibit balikat lang uli ni Heath.
Nagpark ito sa isang building condominium. Humalukipkip ako sa inis. Kahit anong gawin nya hindi nya ako mapapapasok sa ganyan.
"Tara na!" Aya nito habang may kinukuha sa trunk ng kotse nya.
"Heath, kahit anong gawin mo hindi ako papasok sa condo mo!" Sigaw ko sa kanya. Wala akong pakielam kahit marinig pa kami ng guard na nagbabantay sa parking. Narinig ko ang pagpalatak ni Heath pagkatapos ay sinara ang trunk ng kotse nya. May dala itong malaking supot ng grocery bag at lumapit sa shotgun seat. Binukas nya yon at dinukwang ako.
"Love, wag ka ng mag-alala, wala naman akong gagawin sayo na ayaw mo. Kung gusto mo hindi kita hahawakan. Umakyat na tayo kasi ipagluluto pa kita." Mahinahong anito na ikinaismid ko naman
"Tsk... hindi ako naniniwala!" Aniko sa lalaki na napabuntong hininga sa akin.
"Please love, pangako papakainin lang kita ng luto ko tapos iuuwi na kita." Pang eenganyo pa nito.
"Okay! Pag ikaw gumawa nanaman ng kalokohan sinasabi ko sayo puputulin ko yan gamit ang tinidor!" I said he chuckled and hand me a hand at standing up.
Magkahawak kamay kaming nagpunta sa lobby at elevator.
"Anong lulutuin mo? Magaling ka ba magluto?" Patuya na aniko
"Yeah." Maikling sagot nito.
"Ano ngang lulutuin mo?" Pangungulit ko
"Seafood pasta." Anito sabay ngisi sa akin. Napasinghap naman ako sa sagot nya.
"That's my favorite! Paano mo nalaman?!" Aniko sa kanya
"I just know." Maikling sagot nya
Nasa penthouse pala ang condo nito. Ginala ko ang mata ko sa magandang penthouse nya, Halata ang pagkamayaman ni Heath sa ganda ng condo nya. Halos lahat ng gamit ay mamahalin. Nakakamangha din ang laki non.
"Bakit ka nakikitulog kay Levi kung ganito kaganda ang condo mo?!" Aniko kay Heath ng may pagtataka, muli lang itong nagkibit balikat at di ako sinagot. Nag uumpisa na itong ayusin ang mga lulutuin nya.
Nagpatalon talon muna ako sa magandang sofa nya bago umupo.
"Heath, nasa States pa din ba parents mo? Bakit mo pinili manirahan dito kung nandoon sila lahat?" Aniko uli kay Heath, pumalatak lang ito at hindi man lang sumagot sa akin.
Ano nanaman bang topak ng lalaking to? Kung ayaw nya ako kausapin sana di na lang nya ako isinama!
Napatakbo ako sa balcony ng penthouse nya, napakaganda kasi ng view. Mga kakahuyan at bundok ang matatanaw doon. May ratan swing akong nakita kaya umupo ako doon at tumanaw ng paligid. Papalubog na ang araw at wala ng epekto ang init na dumadampi sa balat ko. Napakaaliwalas ng lugar ni Heath.
Hay... siguro kung mayaman ako ganito rin ang gugustuhin kong view ng bahay ko.
BINABASA MO ANG
Hating Heath (COMPLETED)
Fiksi UmumI hate everything about him I hate his arrogance I hate his smirk I hate his presence I hate his gut I hate his confidence I hate his existence oh how I hate heath!