16 Selos

40.9K 985 8
                                    

LAUREN POV

Umikot ikot lang pala si Heath at bumagsak din kami sa mall. Naiiritang bumaba ako ng parking at nauna ng pumasok. Sa dami ng pasikot sikot nito dito din pala sa mall ang bagsak namin. Hinintay ko na lang sya sa entrace at di ko na din pinagtakpan pa ang pagsimangot ko.

"Mahipan ka ng masamang hangin dyan, magiging ganyan na ang itsura mo habambuhay. Ako lang magtyatyaga sayo pag nagkataon." Anito na ikinairap ko naman

"Ano ba kasi! Humanap na tayo para makauwi na ako agad!" Iritang aniko sa lalaki

"Okay. Parang gusto ko ung lagi nyang masusuot eh. Para lagi kong makikita sa kanya." Anito sa akin na ewan ko ba bakit lalo akong nainis.

"So relo, damit o alahas?" Masama ang loob na aniko

"Sige alahas na lang. Tara sa jewelry shop." Anito at pinagsalikop ang kamay namin sabay hatak sa akin. Hinayaan ko na lang sya dahil naghihimutok pa din ang damdamin ko. Kung bakit ay hindi ko din alam.

Nagtitingin na si Heath sa isang jewelry shop habang nakaupo lang ako sa isang tabi at masasabing napakaganda ng mga alahas doon na naka display. Dito kasi kami pumasok sa isang sosyal na jewelry shop. At ngayon naman ay naiinis ako sa mga saleslady na wala ng ginawa kundi tunghayan si Heath at akala mo'y mga kitikiti kung kiligin kapag nginingitian ni Heath. Tinignan ko ang reaction ni Heath sa mga babae, hindi naman ito suplado pero hindi rin nanlalandi. Kung sabagay gwapo at macho naman talaga ang binata, ung tipong makatawag pansin talaga sa lahat ng kababaihan. Kung siguro hindi ko sya kilala ay mapapatitig din ako.

Naku kung alam nyo lang gaano kamanyak yang kinakikiligan nyo baka maturn off kayo!

"Love, ano sa tingin mo ang maganda?" Anito sa akin na nagpasinghap sa mga malalanding saleslady, tinignan nila ako at napaikot ang eyeballs ko sa landi ni Heath. Kaya no choice na tumayo ako at lumapit na lang ako sa lalaki.

"What do you think of this baby?" Ani Heath at tinuturo ang isang diamond ring na may malaking bato sa gitna, parang engagement ring.

"Bakit? Magpopropose ka na ba at yan ang bibilhin mo?! Akala ko ba manliligaw ka pa lang?!" Inis na aniko sa lalaki na ikinangisi nito

"Dun din naman ang punta non!" Anito na nagtawa pa. Inirapan ko sya sa sobrang inis.

"Wow! Sure na sure ka naman! Sa babaero mong yan... Goodluck na lang sa malas na babaeng liligawan mo!" Malakas na aniko para marinig ng mga tsismosang saleslady.

"Okay, ano ba ang sa tingin mong pwede kong ibigay? Ung tipong sasagutin nya ako agad." Matamang ani Heath habang titig na titig sya sa akin. Animoy walang pakielam sa paligid. Napabuntong hininga ako

"Hmmm... Kung bibigyan kasi ako at let's say gusto ko yung guy, pwedeng necklace na lang para lagi ko ring nasusuot at nakikita. Pero syempre depende pa din sa babae yun. Sympre magkakaiba kami ng taste. May ibang babae na gusto ng bracelet o kaya earrings." Mahabang pahayag ko kay Heath na tumatango tango naman.

"Okay. Necklace it is. Pili ka na." Ani Heath kaya napatingin naman ako sa sa estante ng mga necklace.

"This one! Simple lang. gusto ko sa jewelry yung tipong hindi maburloloy e. Pero syempre iba iba pa din ang taste ng mga babae when it comes to jewelry." Aniko kay Heath.

"We'll take this." Ani Heath sa saleslady.

"Good choice Sir and Ma'am. This is a 5Carat Floating Diamond Necklace, with a 24 Carat gold chain. Its amount is 1.7Million pesos. Will it be cheque or card sir?" Anas ng saleslady na ikinasinghap ko.

Holycow! Ganon kamahal?!

"Uhmmm..Heath ang mahal ata, iba na lang!" Tarantang aniko na ikinangiti lang ni Heath sa akin.

"Card." Anito sa saleslady at binigay ang card niya dito habang hirap naman akong lumunok sa mahal ng kwintas na yun.

Naglalakad na kami sa mall. Hawak ni Heath ang kamay ko at ang sa kabila ay ang paperbag na naglalaman ng maliit na box ng kwintas.

"You must have really like that girl." Mapait na aniko kay Heath. Hindi ko mapigilan ang pagkainis sa pagaalayan nya ng ganon kamahal na regalo. I heard him chuckles and wink at me.

"Yeah. I really do." Anito na lalo kong kinainis. Inaalis ko ang pagkakasalikop ng kamay namin pero mahigpit lang na hinawakan yun ni Heath.

"Selos ka naman agad baby?! Hayaan mo na... ikaw lang naman ang nag iisang sex toy ko. My d*ck is yours to do whatever you like." Anito na ikinalaki ng mata ko.

"Alright! Can I cut it and feed it to you? because right now that is what I like!" Pabulong na aniko sa kanya na ikinatawa naman nito ng malakas.

"Wag mo naman putulin ang kaligayahan mo. Ikaw din!"anito sa akin sabay kindat na lalo ko lang ikinainis. Parang pinapaalala pa nito ang mga nangyari sa amin habang nakangisi sa akin.

"Yeah right! Liligaya talaga ako kung mapuputol ko yan!" Aniko sabay irap

"Baby, may utang ka pa nga sa akin diba? Tinakasan mo nanaman ako kagabi. tsk..." Naiiling na anito

"Wow! Anong tingin mo sa katawan ko pambayad utang?! At excuse me, hindi na mauulit yon! Yan ang itanim mo sa madumi mong utak!" Aniko sa kanya na ikinatawa naman ulit nito.

"We'll see. C'mon, Let's eat. Nagutom ako kakatawa sayo." Anito at hinatak akong muli papunta sa mga hilera ng restaurants.

Shit! Bakit mukha ba akong nagpapatawa?! Letseng lalaking toh!

Hating Heath (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon