"Wake up, Aly.." may humatak sa kumot nya, nagising tuloy sya kasi ang lamig. Bumaluktot ang katawan nya.
"Yaya!" Tinakpan nya ang mukha. Inaantok pa sya. "5 minutes more, please.."
"Bangon ka na dyan.. Ma-late ka pa sa school mo. First day mo pa naman.." mahinang pinalo sya sa pwet nito.
Akala nya umalis na ito ng tumayo mula sa bed nya, mali pala sya, binuksan lang pala nito ang mga kurtina. Pumasok ang liwanag mula sa labas. Tumalikod siya para hindi masilaw.
Hindi pa rin tuminag ang alaga. Napailing ang yaya at biglang may naisip.
"O sige, tulog ka na lang.. Sayang naman, first day of training mo din sana ngayon. Malamang tanggalin ka na sa team, kasi absent ka kaagad today.." Pinulot na lang ng yaya ang mga damit ng alaga na nasa sahig. Alam na nya ang mangyayari kasunod ng sinabi nya.
"Huh?! Training day!!" Biglang bumangon si Alyssa ng marinig ang salitang training.. Oo nga pala..
"Ligo na ko, Yaya.." at tumakbo na ito sa CR.
Natawa na lang ang matanda sa alaga nya.. "Haay naku.. Basta volleyball.. Mabilis pa sa alas-kuwatro!" Inihanda na lang nito ang bag ng alaga, alam na nya ang mga kailangan nito.Paglabas nya sa CR, wala na si Yaya Fe. Maayos na ang bed nya at wala ng nagkalat na damit sa sahig. Tulad ng dati binuksan nya ang player at nakinig sa music habang nagbibihis. Pasayaw-sayaw pa ito habang kumakanta rin.. Excited sya sa araw na ito. First day of school at syempre first day of training. Napangiti sya mag-isa.
Bumaba na sya matapos magbihis. Nag-almusal lang ng fruits at nagmamadali ng umalis.
"Alyssa, hindi ka na naman kumain ng maayos!" Habol habol sya ng kanyang yaya sa garage.
"Late na ko, Yaya.. Sa school na ko kakain, okay.." nag-flying kiss na lang ito at sumakay na ng kotse at dali-daling umalis.Hindi matanggal ang mga ngiti nya lalo na ng pumasok sa campus ng kilalang university. Dumiretso na sya sa gym, 5 minutes na lang at late na sya. Mabuti na lang at hindi sya nahirapan makahanap ng parking space.. Tumakbo na sya agad matapos i-park ang kanyang kotse.
Marami ng tao sa gym ng dumating sya. First day pa lang, pero marami ng estudyanteng manunuod. Kilala talags ang team na ito. Luckily, I'm now part of it.. Lumakad na sya palapit sa grupo ng mga babaeng may mga hawak na bola. Familiar ang mga mukha ng ilan sa mga ito.
"Hello.." nakangiti nyang bati.
"Hello.." bati rin ng karamihan.
Nilapitan sya agad ng dalawa. "Hi! I'm Ella, and this is Amy."
"I'm Alyssa.." nakangiti syang nakipag-shake hands.
"Welcome to our team.." Nakangiting sabi ng Ella.
"Thank you.." Magalang nyang sabi..
"So you're playing for what position?" Tanong ng foreigner na si Amy.
"I tried-out for the position of outside hitter. How about you two?" Tumango tango lang ang mga ito sa sagot nya.
"Middle Hitter.." tama ang guess nya kay Amy. Sa tangkad nito, bagay na bagay ang position na yon.
"Ako naman.. Outside hitter or libero.. kahit alin.." Medyo nahihiya pang sabi ni Ella.
"Wow.. Double position.. Ang galing mo siguro.." Nakangiti nyang sabi.
"Hindi naman.. 'Yon ang talagang libero.." Tinuro nya ang isang maganda at maputing babae na nakaupo sa bleacher. Katabi nito ang isang singkit naman na maputi rin. "Yon ang libero ng team, magaling yan.."
Tiningnan ko ulit ang sinabi ni Ella na libero.. Ang ganda naman nya. Ang kinis pa, mukhang hindi bagay mag-libero, sayang ang skin kung magagalusan lang at magkaka-pasa. Para naman nitong narinig ang nasa utak nya kasi biglang napatingin ito sa amin ni Ella. Medyo tumaas ang kilay nito ng magtama ang mga mata namin.. Wow, blue eyes.. Pero mukhang masungit aah.. Siguro dahil hindi man lang ako ngumiti. Baka inisip nyang maangas ako.. Bumalik na ulit ang atensyon ng libero sa kausap na singkit.
"Ayan na si Coach.." Sabi ni Ella, siniko pa nito si Amy na busy sa phone.
Lumapit si Coach Roger, kasama nya ang dalawa pang assistant coach na kapwa din lalaki. May kasama din itong isang babae na halos kasing-edad lang namin. Malamang ito ang team captain.
"Good morning, ladies.. Mabuti at narito na kayong lahat. Pasensya na at hindi namin kayo makakasama ngayon, may Admin. Meeting pa kasi kami. Pero tuloy ang training at si Captain Fille na ang bahala sa inyo.." At tinapik ni Coach ang balikat ni Fille. "O sige Fille, ikaw ng bahala sa team mo.. Bye ladies.." Nagpaalam na rin ito agad.
"Bye Coach.." Kumaway pa kaming lahat.
Inilabas ni Fille ang isang paper na hawak pala nito sa likod. "Since first day lang today.. Hatiin natin ang time, ang first hour natin, basics lang muna.. Pero after non, how about, we play a friendly game?" Nakangiting sabi nito sa team.
"Alright.." Sang-ayon ng karamihan. Game na game ang mga ito..
Pero ako hindi nakasagot. Mukhang mga palaban itong kasama ko aah.. Super athletic ng mga built ng katawan.
"Okay.. So we'll start na.. Mag-warm up na muna kayo.." Pumalakpak pa si Fille bilang hudyat ng umpisa ng practice.