Mabilis ang takbo ng sasakyan ni Alyssa.
Nasaktan sya sa mga nakita kanina.
Siya ba talaga ang mahal mo, Den?
Ayaw nyang pakinggan ang sagot ng utak nya. Ang sakit sakit na makita mo ang mahal mo na may kasamang iba. At hindi nya matanggap na wala syang kaalam alam na nangyayari na pala ang lahat ng 'yon. Pumatak ang mga luha sa mata ni Alyssa. Nanlabo ang paningin nya at hindi nya napansin na may patawid na motor sa harap nya.
"Oh shit!" biglang nagpreno si Aly at iniliko ang manibela sa right side para maiwasan ang motor. Umakyat ang sasakyan nya sa ramp at bumangga sa sidewalk railings.
"Ouch!" tumama ang ulo nya sa manibela. Wala kasi syang suot na seatbelt.
Galit na galit ang driver ng motor sa kanya. Bumaba sya agad at nanghingi ng sorry. Umalis itong galit pa rin at nagmumura. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kanila lalo na at hindi sya naka-seatbelt. Sobra syang natakot sa nangyari.
Breathe, Alyssa! Calm down.. Muntikan ka na oh!
Sasakay na sana sya ulit ng sasakyan na makitang flat ang tire sa isang gulong nya.
Just my luck!
Masakit ang ulo. Gasgas ang sasakyan at basag ang isang ilaw nito sa harap. Walang choice si Aly kundi tawagan ang kakilalang mechanic.
Masama pa nito, paano sya uuwi ngayon. Ayaw naman nya tumawag kay Alex dahil siguradong pagagalitan sya nito ngayon. Basta na lang syang umalis kanina at ngayon, naaksidente pa. Ang layo din nya kay Yaya Fe para magpadala ng bagong sasakyan. Siguradong male-late sya sa training. Sino pa ba ang pwede nyang tawagan ngayon..Nasa gym na sila at naghihintay lang ng start ng training ng makatanggap ng tawag si Bea mula kay Alyssa.
"Bakit ka nagbibihis ulit? Saan ka pupunta, Beh?" nagtatakang awat ni Jho sa nagmamadaling magbihis ulit na si Bea.
"Beh.. Ate Aly had an accident and I'm going there now.." worried na worried ito. Nagmamadaling pinatungan ni Bea ang suot na jersey ng jacket at mabilis na isinuot ang isang jogging pants. Iniisip nyang baka may mga police doon kaya hindi sya pwedeng naka-training outfit lang.
"Ano?!" nagulat at kinabahan si Jho. "Anong nangyari? Nasaktan daw ba sya? Sasama ako sa'yo, Beh!" nag-aalala na rin si Jho.
"Wag na, Beh.." awat ni Bea. "You need to stay here so you can tell Coach what happened." yumakap na si Bea kay Jho, nakita nya kasing nag-alala ito. "Ate Aly said she's okay, her car broke down, that's why she called. Don't worry, Beh, okay" malambing nyang sabi dito.
"Ok, Beh.. Pero please.. Mag-iingat ka ha? Wag mabilis ang takbo.. Tawagan mo ko pag kasama mo na si Ate Aly." bilin ni Jho, naiintindihan na nya kung bakit kailangan nyang maiwan pero nag-aalala pa rin sya kay Alyssa at kay Bea.
"Yes, Beh.. I'll be careful, I promise. I love you.." at humalik na si Bea sa pisngi ni Jho.
"I love you too, Beh.." at mahigpit din na yumakap si Jho kay Bea.
"Oh.. One more thing, Beh.. Ate Aly said not to tell Ate Den about anything.. Ok?" bilin ni Bea bago umalis.
"Ok, Beh.." tumango si Jho.
"Bye!" at muling humalik si Bea sa pisngi ni Jho bago tumakbo palabas ng gym.
Napaupo si Jho, ninenerbyos pa rin sya sa balitang aksidente ni Alyssa. Nasira pa daw ang sasakyan nito. Please protect them, Lord! bulong ni Jho sa itaas. Nag-aalala sya kay Alyssa, at ngayon naman kay Bea. Baka kasi masyadong magmadali ito sa pagmamaneho para makarating agad kay Aly. Kanina pang umaga kasi ito na nag-aaalala kay Aly matapos makita ang issue ni Den at L.A. sa internet. Nadagdagan pa ng malaman nilang hindi pa rin pala tinapos ni Den ang kung ano man ang meron sa kanila ni L.A. Nagalit tuloy si Bea. Nasaktan ito para sa kanilang Ate Alyssa.
"Hi Jho! Si Bei? Wala pa ba?" nakangiting bati ni Fille, katabi nito si Gretch.
Ngayon lang napansin ni Jho na dumating na rin pala ang ibang teammates. "Ate Fille.. Si Bea.. Ano.. Kasi.." hindi nya alam ang sasabihin kasi naaalala nya ang bilin nito ng makitang papalapit na rin si Ella at Den.
"Jho.. Are you okay? Namumutla ka aah.." sabi ni Gretch at inakbayan si Jho.
"Masama ba pakiramdam mo?" sinalat ni Fille ang noo ni Jho.
"Hindi po.. Ok lang ako.." tumayo sya. "Punta lang akong CR." palusot nya para makaiwas sa mga tanong ng mga kasama. Kailangan din nyang makausap si Coach sa office nito para di marinig at makita ng mga ka-teammates.
"Ok sige.." sagot ni Fille. Nagkatinginan lang sila ni Gretch. Hinayaan na lang muna si Jho.