"Hi! Good morning!"
"Miss Dennise!" napabalikwas ng tayo ang mga nagulat na bodyguards na maganang nag-aalmusal ng ala-singko ng umagang iyon.
"Good morning po.." Torres, Cawaling, Marata, Flores and Roño respectfully greeted the lady with a big smile in their faces.
"Sorry for barging in.. I was about to knock when I notice that your door was open so I.." natigilan si Den ng mapagmasdan ang mesang nahahainan ng almusal at ang mga platong nasa tapat ng bawat bodyguards. "Oh! I'm so sorry for disturbing your breakfast, I'll come back later na lang.." nahihiyang lalabas na si Denden.
"Naku! Okay lang po, Miss Dennise. Uhmm.. Ano po bang sadya niyo? May kailangan po ba kayo sa amin? May problema po ba?" nagtatakang tanong ni Thomas. Unusual kasi na puntahan sila sa quarters ng ganito kaaga ng sinuman sa mga amo nila. Kadalasan, ang mga katulong lamang o mga kasamahan nila ang nagagawi doon.
"Ahmm.. Kasi.. I was looking for Captain Salva.." medyo nahihiya ng tugon ni Den. Nakatingin kasi ng seryoso ang limang bodyguards sa kaniya at halatang nagtataka ang mga ito kung bakit siya naroon. "Sabi ni Yaya Fe, andito siya pag ganitong oras."
"Aah.. Si Captain po ba.. Nag-random rounds lang po sa paligid ng mansion. Dino-double check po ni Sir ang mga naka-post na bodyguards kung gising pa." nakangiting tugon ni Jairold. Napaka-strict kasi ng kanilang Kapitan, pag naka-post ka, dapat alerto ka lagi at maging mapagmasid. Hindi puwedeng aantok antok. No excuses allowed. Kaya siguradong gising na gising na ngayon ang mga kasamahan nila sa labas.
"Aah.. Gano'n ba.." napa-higpit ang hawak ni Den sa maliit na kahon na nasa loob ng bulsa ng suot niyang hooded jacket. Iniisip niya kung hihintayin ba niya si Salva o ipapaabot na lang ang dala. Mukhang maaga pa lang, abala na agad ang pinuno ng mga ito.
Nasa gitna ng pag-iisip si Den ng biglang may pumasok muli sa may pintuan.
"Marata, palitan mo si Nieto.." natigilan si Nico sa sasabihin pa sana dahil sa di inaasahang panauhin na naroon sa loob ng quarters nila. "Miss Dennise.." 😯
"Hi.." nagulat man, nagawang bumati at ngumiti ni Den dito.
Nagkatinginan ang limang kasamahan ni Salva at napangisi dahil kitang kita nila ang pagkabigla ng kanilang Kapitan na natigilan at medyo nahiya pa yata sa presensiya ni Miss Dennise. Bihira lang kasi iyon dahil madalas poker face ang kanilang pinuno.
"Sorry for passing by here this early.." nagsalita na si Den dahil obviously nabigla niya si Salva.
Bahagyang napabungisngis ang lima sa gilid na agad din tumigil dahil tinapunan sila ng matalim na tingin ni Nico.
"I know you're busy, Salva.. But, uhmm.. Can I talk to you for a minute?" si Den na nakaramdam ng biglang awkwardness dahil sa mga kasamahan ni Nico.
"Yes, of course, Miss Dennise.." iminuwestra ni Nico ang palabas sa pintuan at nakuha naman ni Den ang ibig sabihin nito.
"Thank you, guys.. Aalis na ko. Pasensiya na din sa abala. Please continue enjoying your breakfast.." paalam ni Den sa mga lalaki na may kasama pang ngiti.
"Good day, Miss Dennise!" masayang tugon ng lima sa dalaga kasunod naman ang pilyong ngiti para sa Kapitan.
Masamang tiningnan ni Salva ang mga tauhan na mabilis naman umaayos. Alam niyang puno ng kalokohan ang mga utak ng mga ito. Nakakahiya lang kay Miss Dennise talaga.
Nagpasyang maglakad lakad ni Den sa napakagandang hardin na pumapalibot sa mansion.
Sumusunod naman si Salva kay Dennise, hinihintay lang niya na magsalita ang dalaga.