Chapter 7

2.4K 31 0
                                    

"Hey! Why are you here?" tumabi si Gretch sa kaibigan. Hinahanap nya ito kanina pa ng mapansin na bigla na lang itong nawala sa kwarto ni Alyssa. Dito lang pala nya ito matatapuan sa tabing dagat, nakaupo sa isang lounge chair. Nakatingin ito sa malawak na karagatan pero mukhang wala naman doon ang isip nito..
"Gretch.." bahagyang ngumiti lang si Den sa kaibigan. At muling ibinaling ang tingin sa asul na asul na tubig.
"Bea's awake now.." sabi ni Gretch na tumingin na rin sa karagatan.
"How is she?" tanong ni Den. Worried din sya para kay Bea.
"The doctor said, she's fine.. No need to worry anymore.. And Jho's still there, beside her.." nakangiting sagot ni Gretch.
Tumango lang si Dennise. Thank God, Bei's okay..
Nanahimik ang dalawa. Nakaka-relax naman talaga ang hangin at sound ng waves na tumatama sa shore. Pero kay Den, hindi pa rin ito enough para mapanatag ang loob nya.
"Why are you here, Den?" hindi na nya matiis na tanungin, nag-aalala na rin si Gretch dito.
Hindi naman makasagot si Dennise. Tahimik pa rin itong nakatingin sa malayo. Ayaw nya magsalita, baka mag-breakdown sya sa harap ni Gretch.
"Why did you leave Alyssa? She's not yet conscious.. And she need you, Den.." minasdan ni Gretch ang kaibigan na nakatingin lang sa kawalan. "What's going on your mind? Tell me.. I'm here, Den.." nag-aalalang sabi ni Gretch sa tahimik pa rin na si Dennise.
Ngumiti lang si Den sa kaibigan at muling ibinalik ang tingin sa dagat. Naalala na naman ang hitsura ni Ly kanina, lalo na ng i-CPR ni Yaya Fe ito habang wala pa ang mga doktor, hindi sya makahinga sa sobrang takot. Lalo pang nadagdagan ng si Bea ay sandaling nagkamalay para isuka ang mga nainom na tubig pero si Alyssa nanatiling walang malay at tila halos wala ng dugo na dumadaloy, ang lamig lamig ng kamay ni Ly na hawak hawak nya.. Para syang mamatay ng buhatin na si Aly ng mga doktor at ilipat sa loob.
"Den, I'm here for you.. We all are.." mariing sabi ni Gretch lalo na ng makitang namumuo na ang mga luha sa mata ni Den. Napilitan tumayo na si Gretch, kumakaway kasi si Fille sa kanya at pinapalapit sya nito. Malamang may update na sa loob.
"Den.. C'mon.. Let's go inside.." yaya ni Gretch.
"Go ahead.. I just need a little more time alone.." garalgal na sagot ni Den.
Hinawakan na lang ni Gretch ang kanang balikat ni Den at umalis na rin. Hinayaan na muna nya ito mapag-isa ulit. Kilala nya si Den kaya ayaw na muna nyang mangulit dito. At alam nyang matibay at matapang ang kaibigan nyang ito.

Pagka-alis ni Gretch, pumatak ang mga luha sa mata ni Den. Pinunasan nya agad ito at huminga ng malalim. Ikinakalma ang sarili sa nararamdamang takot at pag-aalala. Hinding hindi nya makalimutan ang mga nangyari kanina..

"Ayaw pa rin ba nya pumasok?" tanong ni Fille.
Umiling si Gretch. "Hayaan muna natin.."
"Pero kailangan sya sa loob.." tutol na sabi ni Fille.
"Pupuntahan nya si Alyssa pag kaya na nya.." inakbayan na ni Gretch si Fille at pumasok na sila muli sa loob.

"I need to see her, Jho.." pakiusap ulit ni Bea at tatayo na ito sana.
"Mamaya na lang, Bhe.. Pupuntahan tayo ni Yaya Fe pag pwede na.." hawak na ni Jho ang dalawang balikat ni Bea para lang di ito bumangon sa higaan. "Magpahinga ka muna, please.." pakiusap muli ni Jho sa nagpupumilit pa rin na si Bea.
"Bei, please.." awat na rin ni Ella. "Hindi din tayo papasukin ni Yaya Fe.." paliwanag ni Ells.
"It's my fault.." at napaiyak na si Bea. "It's all my fault.."
Niyakap ni Jho agad si Bea.. "Aksidente ang nangyari.. Hindi mo kasalanan.." naiiyak na rin si Jho. "Tama na, Bhe.."
Yumakap naman si Ella kay Amy. Naawa sila kay Bea. At worried na worried na sila kay Aly. Tapos ngayon sinisi pa ni Bea ang sarili sa nangyari sa kanila ni Alyssa.

Nasa labas ng kwarto ni Aly si Gretch, Fille, Maddie, Deanna, Mich at Jia, nakaupo sa sofa. Hinihintay nila ang paglabas ni Yaya Fe. Hindi muna sila pinapasok sa loob ng matanda. Tinitingnan pa kasi si Alyssa ulit ng mga doktor. Ilang oras na ang nakakaraan ng magising si Bea pero si Aly ay nanatiling walang malay pa rin. Nagpatawag na si Yaya Fe ng iba pang doktor. Kinakabahan sila habang naghihintay. Hindi nila alam kung ano ang problema dahil hindi nila nakakausap ang mga doktor at tanging si Yaya Fe lamang ang humaharap sa kanila.
"Kanina pa ba sila sa loob?" tanong ni Gretch.
"Yes, Ate Gretch.. May pumasok din na dalawang lalaki.. Tapos may mga bag pa na dala.." sabi ni Mich, halatang tensyonado ito at mahigpit ang hawak sa kamay ni Jia.
"Sino daw 'yon?" tanong muli ni Gretch.
Walang sumagot sa mga kasama ni Gretch. Tahimik silang naghihintay pa rin sa Yaya ni Aly. Lahat nangangamba at nanalangin na sana maging ok na rin si Aly tulad ni Bea.
Nang magbukas ang pinto ng kwarto ni Alyssa, napatayo silang lahat. Lumabas na rin si Yaya Fe sa wakas.
"Yaya Fe.. Kamusta na po si Aly?" tanong agad ni Fille.
"Ano na pong sabi ng doktor?" tanong din ni Jia.
Ngumiti naman ang matanda. "Gising na rin sya. At hinahanap na kayo.." sabi nito.
Biglang tumakbo na papasok ang mga kaibigan ni Alyssa. Naiwan tuloy si Yaya Fe, napangiti na lang mag-isa.
"Aly!"
"Ate Aly!"
Niyakap ng mga ito si Alyssa. Tuwang tuwa sila na nagising na rin ito sa wakas. Hindi nila alintana ang mga doktor na isa isang nagsilabas sa kwarto.
Napangiti si Alyssa sa mga kaibigan. Ramdam nya ang pagmamahal at pag-aalala ng mga teammates nya.. Ngunit nagtataka sya kung bakit hindi nila kasama si Den.
"Musta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Fille.
"Ok naman, medyo masakit lang ang ulo.." nakangiting sagot nya.
"Tinakot mo na naman kami, Ate Aly.." nakangiting sabi ni Maddie.
"Sorry ha? Ngayon ko lang na-realize na masama pala talaga maglasing.." nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Alyssa.
"Si Den nga pala? Nasaan?" gustong gusto na nya rin itong makita.
Nagkatinginan lang ang mga kaibigan nya. Walang nakasagot agad.

Heart StrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon