Chapter 11

2.5K 32 1
                                    

"Jia!"
"Alyssa Valdez!" sigaw ng commentator. "Woow! Valdez is really on fire today! And that's the end of the match! The Lady Eagles are really unstoppable this season. They've been winning now for five consecutive games. Congratulations to Ateneo Lady Eagles for a great game today." and the crowd is applauding wildly.

"Congratulations, Babe!" masayang masaya na sabi ni Den habang magkayakap sila sa court at napapalibutan ng mga teammates.
"Congratulations to us, Babe!" hingal na hingal na sabi ni Alyssa. Sobrang saya nya sa pagkapanalo ulit ng team nila.
"Good job, guys! Congratulations!" sigaw ng coaching team.
"Yey!" sigawan nilang lahat, sabay group hug.
Sunod sunod ang mga pagkuha ng picture ng mga photographers sa nanalong team. Masayang masaya ang lahat ng supporters ng blue and white team, lalo na ang mismong miyembro ng ALE. Sa sobrang lakas din ng sigawan ng mga manunuod sa Araneta, halos hindi na sila magkarinigan.
Pumunta sa kabilang side ng court ang ALE to give their respect to the other team, they all bow down and greet them for a great game they played. The Lady Maroons congratulated the Lady Eagles for a well-deserved win. Both of the teams showed true sportsmanship that makes all the audiences happier.
ALE standing 5-0

Naubos ni Ly ang isang bote ng water, pero parang hindi nakatulong iyon.
"Babe, basang basa pa ang buhok mo!" agad kumuha ng towel si Den at inilagay iyon sa likod ni Alyssa para hindi mabasa ang likod nito. Tinuyo nya ang buhok ng GF.
"Thanks, Babe.." bahagyang ngumiti si Ly, ang sweet talaga ni Dennise.
Naupo si Den sa tabi ni Aly. "Sobrang pagod ba, Babe?" tanong nya.
Tumango si Aly. "But it's all worth it.." yumakap siya kay Den. "Buti na lang, andyan ka.." bulong nya.
Kinilig naman sya sa sinabi ni Ly. "You really played well kanina, Babe.. Your fans are getting wild to your every point. Nakakabingi na sigawan nila." masayang sabi ni Den.
Hindi naman sumagot si Ly, yumakap lang sya kay Den, trying to hide her face.
"Babe? Are you okay?" tanong ni Den at kumalas ng yakap kay Alyssa. Tiningnan nya ang mukha ni Ly na halatang pagod.
"Yes, Babe.. Napagod lang. At nagugutom na rin ako.." pilit na ngumiti sya.
"Wait, may chocolate ako sa bag.." agad tumayo si Den at pumunta sa kinaroroonan ng bag.
Inabot ni Ly ang isa pang bottled water ulit at inubos iyon. Tumayo sya at naupo sa may locker para makasandal ang likod. Ipinikit nya sandali ang mga mata hoping maalis ang nararamdaman.

"Yes.. Make sure it's ready by 3pm on Saturday.. Ok.. Thank you.." pagkatapos ng tawag na iyon, napangiti si Alyssa. Bumaba na sya ng sasakyan at nagtungo na sa room ni Den. Huling class na 'yon ng girlfriend nya at susunduin na nya ito para yayain sa labas na mag-merienda.
"Hi!" masayang bati nya kay Den paglabas nito ng classroom. Nagpigil sya na yakapin ito dahil sikreto pa sa public ang relasyon nila.
"Hi!!" natuwa si Den ng makita si Aly sa labas. Ang ganda ng ngiti sa kanya ng girlfriend nya at nakakagigil itong halikan. Nakuntento na lamang sya muna na humawak sa braso ni Ly. "Maaga yata natapos ang class mo.."
"Yup! Kain tayo sa labas? Game?" yaya ni Ly.
"Game!" masayang sabi ni Den at naglakad na sila papuntang parking lot.
Pagdating sa loob ng sasakyan, binigay ni Alyssa ang mga bulaklak kay Den. Tinted naman ang windows ng sasakyan niya kaya hindi na sya nagdalawang isip na maging sweet sa girlfriend.
"Para sa'yo, Babe.." nakangiting sabi nya, sabay abot ng isang bouquet ng flowers.
"Thank you, Babe.." at humalik na si Den sa pisngi ni Ly. Inamoy nya ang mga bulaklak. Napansin ni Den na dalawang klase ng flowers ang binibigay sa kanya ni Alyssa, kung hindi blue roses, cream colored tulips naman tulad ngayon. "They're really beautiful, Babe.." masayang sabi ni Den.
"Yes, they really are beautiful, but nothing compares to you, Babe.." malambing na sabi ni Ly.
Kinilig na naman si Den. Walang araw talaga na hindi pinaramdam ni Aly sa kanya na napaka-special nya. "I love you, Babe.." hindi na napigilan ni Den na halikan sa labi ang girlfriend.
"Babe, pag ganyan everyday na kong magbibigay ng flowers sa'yo.." masayang sabi ni Ly, matapos mahalikan ni Den.
"Puro ka kalokohan, Babe! Tara na.. Sayang ang oras.." natatawang sabi ni Den, na kinikilig naman. Ramdam pa rin nya ang tamis sa mga labi ni Alyssa. Mahal na mahal nya talaga ito.

Heart StrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon