"We missed you, baby.." isa-isang niyakap si Alyssa ng mga kapatid.
Natameme lang siya dahil sa sobrang pagkagulat, ni hindi siya nakakilos para yakapin din ang mga ito. Ngayon lang kasi niya ulit nakita ang mga Kuya niya tapos sabay sabay pa.
Nakangiti naman na nagmamasid ang mga magulang ni Alyssa. Masaya silang makita na sa kabila ng paglaki ng kanilang mga anak na madalas na magkaka-hiwalay, nanatiling malapit ang mga ito sa isa't isa. Maging ang mga teammates ni Aly at ang mga pamilya nito ay natutuwa para sa tila isang reunion ng pamilya Valdez.
Nanlalamig naman si Den sa sobrang kaba. Hindi siya handa sa ganitong tagpo. Buti na lamang at hawak pa rin siya ni Ly sa kamay. Nahihiya siya at sobrang kinakabahan. OMG! Andito ang buong family ni Ly! What should I do? Tell me!!
"Smile, Besh.." pasimpleng bulong ni Ella na nasa likuran lamang niya.
Oh shoot, yes! Smile, Dennise! Pilit na ngumiti ang sumilay sa mukha ni Den.
Gusto tuloy humagalpak ng tawa ang mga kaibigan niya sa nakikitang hitsura ni Denden. Pero nagpigil ang mga ito. Alam nilang kinakabahan ng sobra sobra ang kaibigan. Pareho lang din sila kanina ng naramdaman ng makipag-kilala sa kanila ang buong family ni Aly. Paano pa kaya ngayon si Den, di ba?
Napakapit ng mahigpit si Den sa kamay ni Ly ng magsalubong ang paningin nila ni Mr. Valdez. Una siyang nag-iwas ng tingin dito. Hindi niya kaya. Para tuloy gusto niyang tumakbo palayo ng makitang papalapit na rin ito ngayon sa kanila ni Alyssa kasama ang asawa.
"Hija.." malambing na niyakap ni Lita ang anak sandali bago matamis na nginitian ang bahagyang nakayukong si Dennise. "Baby, aren't you going to introduce us to this beautiful lady beside you?"
Pasimpleng siniko ni Gretch si Aly ng mapunang tulala pa rin ito sa mga kapatid na napapangiti na lang dahil na-sorpresa talaga nila ng husto ang kapatid na bunso.
Napatingin naman si Den sa Mama ni Ly at pakiramdam niya namula siya ng i-compliment siya nito.
"Oh! I'm so sorry.." tila natauhan na rin si Alyssa. Thanks, Gretch. Bahagyang pinisil niya ang kamay ni Den at nginitian ito. "Mama, Papa, Kuya Paulo, Kuya Nicko and Kuya Kian, I want you to meet my girlfriend, Dennise." ngumiti ng buong pagmamahal si Aly kay Den. "She's the love of my life.." proud na pakilala niya dito.
Namula lalo ang pisngi ni Den sa sinabing iyon ni Alyssa.
Kinilig naman ang lahat ng ALE dahil matagal tagal na nilang hinintay ang eksenang iyon, na maging legal ang dalawa sa family ni Aly. Masaya ang lahat na ma-witness ang pangyayaring iyon sa buhay ng dalawang malapit na kaibigan.
"Good evening po.." magalang na sabi ni Den.
"Hello, Dennise.." niyakap ni Lita si Den. "I'm ecstatic to finally meet the person who makes my baby happy. Thank you so much, hija.." malambing na sabi ng Mama ni Aly.
Nahiya si Den ulit. Hindi niya inaasahan na napaka-warm ng pagtanggap ng Mama ni Ly sa kanya. Napatingin siya kay Ly at napangiti siya ng makitang sobrang saya ng mga mata nito ngayon.
Isa-isang nagpakilala ang mga kapatid ni Alyssa kay Den. Mukhang mababait naman ang mga ito at mapagbiro pa ng biglang bulungan siya ng Kuya Nicko nito na ingat daw siya sa kanilang makulit at spoiled na bunso, nginitian lang iyon ni Den pero dahil narinig din ng kanyang mahal, nakatanggap ng masamang tingin si Nicko kay Alyssa.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Den ng huling lumapit sa kanya si Mr. Valdez. Oh, Lord! Save me! Eto na naman ang kaba niya.
"Hello, Dennise!" inabot ni Ruel ang kamay sa dalaga na may ngiti din sa labi. Hindi niya sigurado kung genuine ang smile na iyon sa kanya ni Señor Valdez pero kahit ano pa man, wala siyang balak bastusin ang Papa ni Ly. Kabadong kinamayan ito ni Den. "Hello, Sir.."
"Call me Tito Ruel, hija.. You're part of our family now." malugod na kinamayan niya si Dennise at hinawakan naman si Aly sa balikat at ngumiti.
"Thank you po, Tito Ruel.." nahihiyang sagot na lamang ni Den.
Nakahinga naman ng maluwag na si Alyssa. Na-tense siya kanina lalo na ng makitang nawala ang ngiti ni Den ng lumapit ang kanyang Papa. Hindi niya alam kung bakit tila may tensiyon between her Father and her girlfriend. Wala naman binanggit sa kanya na di maganda si Den tungkol sa pagpunta nito sa kanilang bahay noon. I will ask Bea and Gretch later. Maybe they know something.
Humarap si Ruel sa lahat habang akbay si Alyssa.
"Excuse me, everyone. May I have your attention for awhile." ngumiti si Ruel at iniabot ang kamay kay Lita na agad naman nitong hinawakan.
Nagkatinginan si Aly at Den sa isa't isa at napangiti na lamang. Magkahawak kamay pa rin ang dalawa.
"My wife and I would like to take this opportunity to thank all of you." ngumiti si Ruel at Lita sa lahat.
Napatingin si Alyssa sa ama. Nabigla siya dito at hindi inaasahan ang mga salitang iyon.
"You've been all generous to my daughter. You welcome her to your lives, to your home and she found another family in each and every one of you. And we, the Valdez family are very grateful to your love and support to our baby, Alyssa." natawa ang lahat sa huling tinuran ni Ruel. Alam kasi nilang ayaw na ayaw ni Aly na tinatawag siyang baby. Lalo na't sa laking tao nito, hindi kumportable si Aly.
Naluluha si Aly sa narinig na sinabi ng Papa niya, ngunit may ngiti pa rin sa kanyang labi, masaya siya. Masayang masaya ngayon. Mahalaga kasi sa kanya ang ginawa nito ngayon dahil sobrang thankful din siya sa mga kaibigan niya at sa mga pamilya nito. Naramdaman niya ang mahinang pagpisil ni Den sa kamay niya, napangiti siya dito and she mouthed 'I love you' to her and Den smiled on her, her cheeks blushing. Dennise leaned her head on her shoulder. Kinikilig ito, definitely.
"Thank you so much to the whole team of Ateneo Lady Eagles and congratulations girls for winning championship." pumalakpak ang mga pamilya ng ALE.
Ngumiti ang buong team ng ALE. Ramdam nila sobrang saya ngayon dahil kita sa mga mata ng kanilang magulang na proud ang mga ito sa kanila.
"As a sincere gratitude of our family to all of you, this hotel and beach resort is open for all of you and your families, anytime and any day you need. We have instructions to our staff to cater everything you need. We now welcome you all as part of our family now, as well.." nakangiting anunsiyo naman ng Mama ni Aly.
"Wow!" nagpalakpakan sa tuwa ang lahat.
"Mama.." gulat si Aly sa narinig. Paboritong resort iyon ng ina. At piling tao lamang ang nakakapasok doon kaya naman napangiti si Aly na welcome ang mga kaibigan niya at mga pamilya nito na pumunta doon. Talagang binuksan na ng kanyang mga magulang ang kanilang tahanan sa mga kaibigan niya at sa pamilya nito. Thank you, Lord!
"You're welcome, baby.." mahinang sabi ni Lita at nilapitan na ang mga magulang ni Den na nagpapasalamat ng husto.
Lumapit si Ruel kay Mike at inakbayan ito habang nag-uusap kasama ng iba pang parents ng ALE. Si Lita naman at Arlene ay kapwa ngiting ngiti habang kinukuwentuhan ni Det at Lovella ng tungkol sa previous games ni Alyssa. Lahat ay kitang masaya kaya naman ang buong team ng ALE ay nakangiti at pinapanuod ang kani-kanilang magulang na para bang bagong magkakaibigan at sabik na nagkukuwentuhan.
"We really are a one big happy family.." sabi ni Amy na nagpangiti sa buong team.
"Yes! United and Heart Strong, guys!" si Fille na humawak sa kamay ni Gretch.
"Heart Strong.." sabay-sabay na bulong ng lahat at naghawak-kamay.
Umaapaw naman ang kaligayahan sa puso ni Aly at Den. Sa wakas, legal at tanggap na ang relasyon nila. Wala na silang mahihiling pa.
"I love you so much, Babe.." nakangiting bulong ni Aly at hinalikan ang noo ni Den bago ito niyakap ng mahigpit.
"I love you too.. Sobrang mahal din kita, Babe.." masayang tugon ni Denden at napapikit habang yakap si Ly.
"Yiieee! AlyDen Forever!" sigaw ng ALE, at biglang naramdaman ni Aly at Den ang mahigpit na yakap ng kanilang mga kaibigan.
Napuno ng tawanan ang malaking hall na iyon. Napatingin din sa kanila ang kani-kanilang pamilya at napangiti ng makitang nag-group hug ang ALE.
"Excuse me, Señor. The table is ready now.." mahinang sabi ng Concierge.
"Ok.. Thank you." tumango si Ruel at inimbitahan na ang lahat sa labas malapit sa tabing dagat para doon sila mag-dinner ng sama-sama.
Magkakasabay na lumabas ang mga pamilya ng ALE habang ang grupo naman nila ay bahagyang nagpahuli na lamang.